02

30 5 0
                                    

Iyana

Sa loob ng isang linggo pala isipan pa rin saakin kung paano nila kami nasusundan at kung may balak ba silang masama kay Axel.

Hindi ko kakayanin kung sakaling may gawin silang masama sa isa sa mga mahal ko sa buhay. Tama na yung nangyari kay mama noon. Ayoko ng maulit pa yun dahil kahit sa pagtulog ko palagi kong nakikita ang nakakaawang mukha ni mama.

"Iya?"

Pero ano bang kailangan nila? Bakit ako ang gusto nilang pagdiskitahan?

"Yana?"

Haystt...

Nakakapagod naman 'to. Hindi ako puwedeng maging mahina dahil alam kong nasa paligid lang sila. Kailangan kong mag ingat.

"Iyana?"

Pero paano?

"IYANA YVONNE AVEZAR!!!!" agad akong nagulat ng biglang sumigaw si Axel sa harap ko. Hindi naman sobrang lakas pero sakto lang para bumalik ako sa ulirat. Tinignan ko siya ng masama.

"Ano ba hindi mo naman kailangan sumigaw." irita kong sermon sakaniya. ang sakit kase sa tenga feeling ko nasira ear drums ko. "Hindi naman ako bingi."

"Hindi ka nga bingi lutang nga lang." inirapan niya naman ako na ikinatawa ko.

"Ano ba kase yun?"

"Kanina pa nandiyan yung bodyguard mo at tyaka may meeting tayo mamayang 12 nn. Aalis lang ako saglit pupunta lang ako sa Café natin para i check kung may mga stock pa ba tayo." tumango lang ako sakaniya.

"Nga pala mag ayos kana diyan kanina ka pa nakatulala sa salamin may tuyong laway ka pa." pagkasabi niya non ay lumabas na siya.

Bigla naman nanlaki ang mata ko ng ma realize ang sinabi niya.

Wtf... self nakakahiya ka!!! Sa harap pa talaga ng crush mo?!!

Agad akong nag ayos at nag suot lang ako ng formal attire

Bumaba na ako at tama nga si Axel nandito na ang bodyguard ko.

feel at home pa talaga ha?

paano ba naman kase ang sarap ng pagkakaupo sa sofa tapos nanonood pa ng tv habang nag k-kape? Ang galing hindi manlang ako nakitang bumaba?

"Oh hija, gising kana pala? Halika napaghandaan na kita ng almusal." agad akong napangiti at niyakap ko ng mahigpit si Nanay Emily. Siya kase ang tinuturing kong nanay simula noong nawala na si mama.

"Nakong bata ka naglalambing ka pa talaga halika na baka lumamig na ang pagkain." hinila naman agad ako ni nanay papuntang dining table. Agad bumungad saakin ang favorite kong pagkain.

"Nay, halika na po kain na din po kayo" ngumiti siya sabay iling

"Kumain na kami ni Alenia." agad akong natigilan sa sinabi niya.

Paano niya nakilala bodyguard ko e ngayon ko lang 'to pinapunta sa bahay? Ayaw ko kase mag drive ngayon kaya siya na lng inutusan ko at buti na lang pumayag. Binigyan na rin siya ng permiso ni Fg na basahin yung basic info ko at ganon din ako sakaniya.

Alangan naman ako lang kilala niya tapos siya hindi ko kilala 'di ba?

"Nay paano niyo po siya nakilala?" biglang nawala ang ngiti ni nanay kaya mas lalo akong natigilan.

"S-syempre t-tinanong ko bago ko siya papasukin."

may point siya.... bonak ko naman

The Rhythm of Trust Where stories live. Discover now