CHAPTER 11

219 9 7
                                    

LEE's POV

So I decided na maging isang ulirang ina na lang muna kay baby Adrian hanggang mag 1 year old siya. Tinapos ko lang itong semester tapos mag-skip na lang ako ng next school year, mommy duties muna tayo mga sis.

Anim sa posibleng ama ng anak ko ang nag-negative sa DNA test which only means one thing. Si GM Sergio ang tatay ng anak ko at siya ring tatay daw ng dinadala noon ng kaibigan ko na si Ellie. Fate fucked me really hard this time.

I couldn't care less about myself pero naaawa lang ako sa anak ko na hindi mabibigyan ng pagmamahal ng kanyang tunay na ama. For sure, malaman niya man na anak niya ang anak ko eh hindi niya ito bibigyan ng kaparehong atensyon na ibibigay niya sa anak nila ni Ellie, hello, mahal niya yun, ako aksidente lang. Hirap ng pinanganak na sakto lang yung ganda tapos mapapalaban ka sa Diyosa.

Ayokong maramdaman ng anak ko na nakikipaglaban siya sa atensyon. Mabuti na yung iba ang kilalanin niyang ama pero buo ang ibibigay sa kanya.

Honestly naguguluhan pa din talaga ako sa dapat kong gawin. I know he has the right to know pero ayon ba ang makakabuti para sa lahat? Engaged na sila ni Ellie and getting this information out may affect their current relationship, hindi tayo magiging home wrecker for today's video mga kaibigan, never.

Tandang-tanda ko pa yung kinang sa tunog ng boses ni Ellie nung biglang magparamdam sa akin ang bading. Apparently, they were able to sort things out and are now dating. Tapos na po ang taguan era ng lola niyo dahil talagang hindi tinigilan ni GM na hanapin, and now they are engaged and are planning to get married after mag-graduate ni Ellie. Unlike me, he planned to continue studying.

"Baklaaaaaaaa!" sigaw ng boses pagkasagot ko ng cellphone at alam ko na agad kung sino, maka-bakla parang hindi nang-ghost ang hayop na ito.

"Huwag mo akong mabakla-bakla bakla ka, saan ka nagsuot akala ko patay kana" sagot ko naman at natawa na lang siya, kung nasa harapan ko lang ito ngayon baka sinaksak ko na ng ballpen sa mukha.

"Unexpected things happened lang naman, I need time to think" paligoy-paligoy pa ang lintik ayaw pa deretsuhin ang sinasabi, sa totoo lang pet peeve ko yun.

"Gaya ng nabuntis ka ayun ba?" I heard him gasp, mukhang nagtataka kung bakit ko alam.

"How did you"—

Hindi ko na siya pinatapos pa dahil magiging mitsa na naman yan ng ilampu pa na follow-up questions kaya sagutin ko na lahat bago pa mag over react ang bakla.

"Hinanap ka sa akin ni GM dati bago siya lumipad para hanapin ka, wala akong maibigay na sagot dahil totoo naman na bigla ka na lang hindi nagparamdam. Nabanggit niya that time na buntis ka nga daw at sigurado siyang kanya yang dinadala mo." hindi na siya nakapagsalita.

"Siguro magkasama na kayo ngayong dalawa kaya nagparamdam kana ulit, wala ka ng tinataguan. Tama ba ako?" I know my presumptions make sense, otherwise sino naman ang tataguan niya.

"Oo, natakot kasi ako nun, sa magiging reaksyon niya, sa mga tao." Sobrang naiintindihan ko siya sa part na yan. Just how long did I take to muster courage para sabihan ang potential sperm donors ko. Kung wala siguro si Aaron eh baka batang ina na ako sa lansangan.

"So, kumusta ka naman? Nakapanganak ka na din siguro?" narinig ko sa kanya yung "hmmm" parang napaisip sa sinabi ko.

"Din?" hindi niya nga pala alam na nabuntis din ako, now it's time to create our own wattpad story dahil baka madulas tayo na ang baby daddy ko at niya ay iisa... baka patayin ako ni GM pag hiniwalayan ulit siya ni Ellie.

"Nabuntis din ako sis" napatili bigla ang gaga.

"Oh my God!!! sabi ko sayo eh twins talaga tayo from another mother" as if that is something to be celebrated about. Don't get me wrong, I love my child pero I would have preferred to have him kung ako ay nakatapos na at kaya ko na siyang buhayin kasi real talk lang, si Aaron ang bumubuhay sa amin and I owe him so much for that.

✔️Who is the Daddy?(MPREG)(Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon