Noong nakaraang gabing paghatid niya sa'kin, hindi ko na ako nakapag-isip. The woman I once saw with him in Frosco honestly did not cross my mind that night. Ngayon, alam kong hindi na dapat. Mas mabuti ng iwasan ang posibleng maging mali. No matter how pure his intentions are. Ayoko na rin abalahin pa siya.
Tumingin ako kung saan nagtungo sina Matt at Kyla pero hindi ko na sila nakita pa. Bumaling ulit ako kay sir Sebastian na nakatitig lang at naghihintay sa sagot ko.
Umiling ako. "Maraming salamat sir pero...sobra ko na po kayong naabala. Hindi ko na po matatanggap ang alok ninyo," matapang kong pagtanggi.
Hindi nagbago ang expresyon niya kaya hindi ko alam kung okay ba siya o hindi. Pero hindi naman siya umapila. His lips twitched so I can't help myself but to stare at it for a second. Inangat kong muli ang mga mata sa kanyang mga mata at ngumiti ako ng bahagya.
"Sige, mauna na po ako. Ingat po sa pag-uwi. Have a good night, sir," sabi ko, at yumuko. Humakbang ako, at hindi na siya hinintay na magsalita dahil parang walang balak rin naman itong pigilan ako.
Maybe he felt sorry for me. Iyon ang sumasagi sa aking isipan habang nagluluto ako sa aking hapunan.
I'm not bitter about what fate has been throwing at me these past few years of my life, but I'm not proud of it either. Painful words aren't a new thing for me to hear because I have heard a lot worse coming from my own mother—how unwanted I am—and when she says their life would have been better if I didn't come along. It was suffocating to hear those words. Akala ko wala na akong marinig na ibang salita kundi ang mga salitang 'yon...ng paulit-ulit.
Matt and Kyla came into my life and helped me a lot to get through life without them knowing. They helped me get that off my mind a bit. They were my anchor and supporters. Sa ngayon, wala naman akong hinangad kundi mapabuti silang dalawa dahil kahit papaano naging parte sila ng buhay ko. At nagpapasalamat ako sa kanila. Tumayo ako sa sarili kong mga paa na nandiyan sila sa tabi ko. If it weren't for them, I would be a mess.
Masaya ang buhay kung hindi na mo iisipin ang mga masasakit na bagay. Iyan ang kasalukuyang ginagawa ko ngayon. Wala naman akong magagawa kung palagi kong iniisip ang nga bagay-bagay noon. Masasaktan at masasaktan lang ako.
"Bye Max," paalam ko sa aking pusa ng isarado ko ang pinto ng aking apartment.
Pagkarating ko sa Frosco, pinanlakihan kaagad ako ng mga mata ni Aira. Halos matawa ako sa itsura niya dahil parang may gusto siyang sabihin sa'kin kaya lang hindi niya mabitaw bitawan dahil nandiyan si ma'am.
"Thank you so much for dining with us," nakangiti kong sabi sa guest.
Napatingin ako kay Aira. Pinanlakihan niya ako ng mata at tiningnan ng mabilis ang entrance tanda na may ipinapahiwatig siya. Kaya tumingin rin ako sa bandang tinitingnan niya. Nakita ko si sir sebastian na kakapasok lang. Kumabog ang dibdib ko kaya bumaling ulit ako kay Aira.
"Pogi," she mouthed.
It bit my tongue to distract me from the pounding of my chest. Doon siya umupo sa kadalasan niyang inuupuan kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko. Lumapit ako sa kanya. Hindi pa ako nakapagsalita ay inunahan na niya ako.
"Hot americano," sabi niya nang hindi tumitingin sa'kin.
I bowed my head lightly at him and took off quickly. Tahimik ko ring inilagay ang kape niya sa kanyang lamesa. Hindi niya ako tinapunan ng tingin kaya yumuko ako at umalis. Taas noo akong tumayo ulit sa gilid at pinagmasdan ang kabuuan ng restaurant.
YOU ARE READING
Bewitching Scars
RomanceMiyori Ilysse Villamor is a simple woman with limited interests. A woman who puts her life back together after a heartbreaking betrayal. A woman who is putting a lot of effort into her aspirations. A woman who embraces every challenge life hands her...