CHAPTER 53
Pay
Wala akong ibang ginawa kundi umiyak lang buong gabi at noong Linggo ay nagmukmok.
Paulit ulit na bumalik sa isipan ko ang mga sinasabi niya. How much he also endured the four years I was gone. How he waited but when he knew how I lived in LA... he sees me so dirty for fucking around.
Nakita ba niya ako? May nakapagsabi ba sa kanya? Or maybe Kat saw me! Kasi sa LA din siya nag-aaral! Maybe she saw me working in a strip club? Or drinking with men?
Hindi ko alam kung anong mas masakit. Yung hindi na niya ako mahal at may iba na siyang minamahal o mahal pa niya ako pero ayaw niya na? Kasi napagod siya. Ayaw niya na akong makita, ayaw niya na akong marinig. Pero mahal pa rin niya ako. Ngunit natanggap niya nang tapos na kami. At hindi na mauulit muli iyon.
Dapat alam ko na agad noong simula pa lang na hindi lahat ng iniiwan ko, mananatiling ganoon pa rin kapag bumalik na ako. In four years, a lot can happen. I should have expected that.
Hindi dahil hindi niya ako sinuko noon, ganoon pa rin ngayon.
He got tired of waiting. He knew about how I lived. Kaya galit na galit siya sa akin. Baka hindi rin kayang tanggapin na prostitute yung ex niya at pinandidirihan niya ako ngayon. Pero... ganoon ba talaga ang tingin niya?
I stopped giving him things. I stopped chasing him whenever he went out of the classroom. Hindi na rin kami pumu-puwesto ni Sabina sa likod nila. Hindi ko na siya kinukulit sa chat. At tulad ng hinihingi niyang pabor, ayaw niya na akong makita at marinig.
Kahit gustong gusto ko siyang tingnan, umasa na baka pwede pa, sinisikip kong huwag na. I feel his presence, Tyrone's and Donovan's, even Daphne's. It hurts so much. Mas masakit dahil natatanggap ko na rin na wala na akong babalikan sa kanya. Even friendship, that's impossible to happen. May lamat na kami, pati ang Chasing Celestine.
While applying gloss to my lips in the washroom, Sabina's phone blinged. Binasa niya yung notification at napahagikhik.
"New crush?" I casually asked.
"Gaga! Hindi! Si Stephen yung nagtext. Hindi mo raw siya sinasagot."
Kumunot ang noo ko at binalingan siya. "Ano bang tanong?"
Bumagsak ang balikat niya at bumuntong hininga. "Text messages, Pheebs. But yeah, a lot happened with you. Hindi ko na nga nakikitang binubuksan mo yung phone mo, eh. But he's here!"
"Philippines?" Pinasok ko yung lipgloss sa bag at inayos ang buhok ko.
"Northern West Academy."
Napaharap ako kay Sabina. "What?!"
Ngumisi siya, "Nasa school siya ngayon. Tara!"
Humawak siya sa kamay ko at pinasok ang phone sa bulsa niya sa likod habang hinihila ako palabas ng banyo.
We stumbled upon Daphne, who looked like waiting beside the washroom.
"Phoebe," Tumayo siya nang maayos. "Pwede ba kitang makausap?"
Napalunok ako. I clearly know I'm the Fairy in this situation. Simula nang malaman kong may girlfriend nang bago si Karim, alam ko na agad iyon. Pero pinagpatuloy ko. At ngayon, gustong makausap ng girlfriend yung umaahas sa boyfriend niya?
"Tayong dalawa lang," Then she glanced at Sabina beside me.
"Hindi pwede. If you wanna talk to her, then go. But I'm staying." Humalukipkip si Sabina.
Hinarap ko siya, "I'll just talk to her. Wait somewhere far from us. Mabilis lang naman 'to."
"Pheebs..."
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...