Karma's P.O.V
Kumakabog ang dibdib ko. Kung kanina hindi man lang ako tamaan ng kaba, ngayon parang daig pa akong sinisipa ng sampung kabayo. Sa kabila ng panlalambot ng tuhod ko nagawa ko pa ring kumaripas ng takbo at walang pagod na hinahanap ang boses ng babaeng humihingi ng tulong.
That voice once sounded so haughty and smug that I used to hate it. It is now filled with horror, that panic drips with desperation, an alarming despair.
She needs me.
She really needs me...
Nasaan ka ba?
[MAAAAAAAKIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!]
Napatigil ako at pilit pinakinggan ang boses na nagmumula sa hindi ko pa rin matukoy na direksyon. Sa kaliwa? Sa kanan? Likuran? Unahan? Punyeta!
Halos halughugin ko na ang bawat kanto, ang kaninang lugar na saulo ko ay tila parang hindi ko na matandaan. Nauurat ako, hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.
Nasaan ka ba?
Kanina pa kita hinahanap!
Huminga ako ng malalim, "NAAASAAAAAAAAAAANNNNN KKAAAAAAAAA?!"
Umalingaw-ngaw ang boses ko sa loob ng compound. Ngunit mas natakot ako...
Dahil ilang minuto, wala pa rin siyang tugon.
Binalot ako ng kaba, natatakot na baka kung ano ng mangyaring masama sa kanya. Takot na baka kapag hindi ko siya nahanap mapahamak siya lalo.
Naghahalo ang galit at takot sa sistema ko. Galit dahil hindi ko mahanap ang rason kung bakit nandito siya. Galit na hindi ko alam ang sagot kung bakit ang tigas-tigas ng ulo niya. Ano bang gusto niyang mangyari? Ano bang gusto niyang gawin o patunayan at hanggang dito sinundan niya pa rin ako?
Tangina! Ilang ulit ko bang sasabihin, magbibigay ng babala na 'wag na siyang lalapit pa sa akin?
Tingnan mo ngayon! Mapapahamak pa siya ng dahil lang sa akin, at dahil sa katigasan ng kokote niya.
BINABASA MO ANG
MHC-007: KARMA
Novela JuvenilWhatever you do, there are always a consequnces, and that is what you called KARMA. They say, "Life is full of aesthetics, it is just a matter of appreciation, and contentment." But, the series of nothingness puts me in the abyss of darkness. Tatan...