Chapter 1

2.2K 23 0
                                    

"I HATE you!"

Kumunot ang noo ni Gonzalo nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. His whole system literally froze. He switched the lights on. Saglit lang ay binaha ng liwanag ang buong silid. Finally, he saw her. Ilang saglit din siyang hindi nakahuma mula sa kinatatayuan. It was indeed her.

It was Cordelia.

"So, you're here already," he said in a tone that perfectly matched the blank expression on his face. Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng silid. He got himself a beer from his personal ref, pulled the tab, then he took a large gulp.

Samantala, titig na titig sa kanya si Cordelia. Matalim na matalim ang mga mata nito. Nakahalukipkip ito habang nanunulis ang nguso sa pagkakasimangot.

He couldn't help but be amused by the sight. Hindi pa rin ito nagbabago. Ganoong-ganoon ang hitsura nito sa tuwing magtatampo o magagalit ito sa kanya.

Like way back when she was five, when they first met. Galit na galit ito noon habang pinapanood ang inang si Consuelo na ginagamot ang kanyang sugatang katawan.

Disiotso anyos siya noon. Binugbog siya ng mga tauhan ni Don Roberto de Lara nang mahuli siya ng mga ito sa loob ng kuwadra ng mga kabayo ng don. They thought he was an intruder.

Hindi siya kilala ng mga ito dahil hindi naman siya taga-Rancho de Lara. Isa pa, laganap ang nakawan ng mga kabayo sa bayang iyon kaya't nang makita siya ng mga tauhan ng don na pilit na pinapakalma ang nagwawalang kabayo sa kuwadra ay inakala ng mga ito na ninanakaw niya ang nasabing kabayo.

Bugbog-sarado siya nang iharap kay Don Roberto.

"Sino ka, lalaki? Hindi mo ba alam na maaari kang makulong sa pagnanakaw?" maawtoridad ngunit mahinahong tanong sa kanya ng don.

"N-nagkakamali po kayo. Hindi ako magna-nakaw," aniya. He could barely move. Ramdam niya ang pamamaga hindi lang ng kanyang mukha kundi pati ng buong katawan niya. He could even taste his own blood from his swollen lips. They should have killed him instead, he thought. Marahil ay labis pa siyang magpapasalamat sa mga lalaking gumulpi sa kanya kung pinatay na lang siya ng mga ito.

"Sinungaling! Kitang-kita kita kanina!" sigaw ng isa sa mga lalaking bumugbog sa kanya. Akmang sisipain na naman siya nito nang pigilan ito ni Don Roberto.

"Tumigil ka na, Delfin! Kulang na lamang ay mamatay ang lalaking ito sa mga kamay ninyo. Hindi pa ba kayo kontento?"

Walang nakaimik sa mga kalalakihan.

"Totoo bang nakita mo ang lalaking ito na ninanakaw ang kabayo, Delfin?" mahinahong tanong ni Don Roberto.

Kataka-takang biglang naumid ang dila ni Delfin. Ilang saglit ang lumipas bago ito nakasagot. Tila nang mga sandaling iyon lamang nito napagtanto na hindi naman talaga siya nahuli nito sa aktong pagnanakaw.

Nagkamot ito sa ulo. "Nakita ko ho kasing hawak-hawak niya ang tali ni Ivory. Nagwawala rin ho ang kabayo, Don Roberto, kaya naisip naming—"

Kahit masakit ang buong katawan ay pinilit niyang tumayo mula sa pagkakalugmok sa lupa. "Dahil pinapakalma ko ang kabayo. Hindi siya mapakali sa kuwadra dahil may masamang nararamdaman. Hindi ninyo iyon napansin dahil abala kayong lahat sa pagsusugal sa labas ng kuwadra!" pambubuko niya sa mga ito.

Natameme ang mga tauhan ni Don Roberto. Hindi makapangatwiran dahil aminado ang mga itong totoo ang huling sinabi niya.

Don Roberto's piercing eyes fell on him. Sa pakiwari niya ay tinitimbang nito sa isipan kung totoo ang sinabi niya o hindi.

At bagaman putok ang kilay at namamaga ang kanyang mga mata dahil sa mga tinamong suntok, matapang na sinalubong niya ang titig nito. Hindi siya isang magnanakaw. He was a wanderer but he was no thief.

Gonzalo sighed with the rush of memories. He had no idea then that Don Roberto was just testing his will and integrity at that moment. And somehow, he saw the raw sadness that was in his heart. Pati ang kinikimkim niyang galit sa mundo dahil sa kapalarang ipinagkait sa kanya.

Hindi niya alam na nang mga sandaling iyon ay nakatakdang magbago ang kapalaran niya.

Cordelia - Cherie AlexandraWhere stories live. Discover now