CHAPTER 54
Hide
"Sorsogon?! Bukas?!" Agad akong napabangon sa sinabi ni Stephen.
Nasa kwarto ko kami ni Sabina, nag-uusap lang nang tumawag si Stephen. I didn't know he'd bear the news that the three of us are going to Sorsogon!
"Yeah, we'll go by plane. Remember my gift for you?"
"P-Pupunta tayong Sorsogon... 'yon ang gift mo sa akin?"
"Ah-huh... naroon ang ipapakita ko sa'yo."
Umayos ng upo si Sabina at sumandal sa headboard ng kama ko bago ngumiti nang malapad. Mukhang alam din niya!
"Butanding?" Iyon ang unang pumasok sa isip ko.
Parehas na humalakhak si Sabina at Stephen kaya napanguso ako.
"Whale shark, Pheebs? Pwede rin. But not exactly that."
"Ano ba kasi 'yon?"
"Sige na, Stephen. Sabihin mo na," Ngumiti muli si Sabina at humawak sa kamay ko.
Tumikhim si Stephen, "I've been... searching where your father is buried and he's in Sorsogon."
Natigilan ako at parang tumigil din ang mundo ko sa pag-ikot. Nangilid ang luha ko at dahil sa bigat noon ay agad ding bumuhos.
Papa... he's in Sorsogon. Doon dinala nila lolo at lola ang labi ni papa.
"Pheebs?" Hinaplos ni Sabina ang kamay ko, nangingilid din ang luha, at malapad ang ngiti sa akin. "Mapupuntahan mo na bukas ang papa mo."
"S-Sigurado ka, Stephen? N-Nasa... Nasa S-Sorsogon si p-papa?"
Bumilis ang tibok ng puso ko sa pinaghalong saya, kaba, at sabik. Pagkatapos ng labing-isang taon, malalaman ko na kung saan nakalibing si papa. Sana lang nandito pa si mama para sabay namin siyang nadalaw.
Agad kong niyakap si Sabina at humagulhol sa balikat niya. "S-Si mama... sabi ko, s-sabay naming hahanapin si papa kapag nagka-pera na ako..."
Hinaplos niya ang buhok ko at niyakap pa nang mas mahigpit.
"S-Sana nandito rin si mama... s-sana..."
"Gusto mo bang iuwi rito sa Pilipinas ang mama mo? I'm sure Stephen can do something para ipagtabi ang mama at papa mo."
Kumalas ako sa kanya at umiling. "G-Gusto ko kaso... R-Revilla si papa. Hawak siya ng mga kamag-anak niya. M-Mayayaman ang mga 'yon, Sabina. Wala akong laban sa kanila."
"I've had your family investigated, Phoebe. Their net worth can't compare to the Mercados. Kayang kaya kong gawan ng paraan 'yon. Besides, you're the only living immediate family of Celso Revilla, so you have the rights over it and his other properties."
"P-Properties?" Pinalis ko yung luha ko. "Properties, Stephen?"
"Nasa last will and testament ng papa mo lahat, Pheebs. All the properties that are under your father's, his bank accounts, and even the company that he inherited from his grandfather are all yours once he dies. Nagawan din ng paraan ng magulang at kapatid ng papa mo na hindi makaabot sa inyo iyon. But now, it's in your lawyer's possession."
Nanikip ang dibdib ko sa nalaman. Alam ko ang mga kayang gawin pa ng pamilya ni papa dahil ayaw nila sa amin ni mama. Pero hindi ko alam na minana pala ni papa sa lolo niya ang isang kompanya!
"S-Sinong nagpapatakbo ng kompanya na dapat ay kay papa?"
"Cedric Revilla." Ang panganay at nag iisang kapatid ni papa.

BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...