Chapter 8*Seriously *

14 2 0
                                    

Lily's POV

Napapansin ko puro na lang bago yung mga gamit dito sa bahay. Ultimo sofa , ref , washing machine tapos bumili pa si Mama ng aircon. Nakakapagtaka.

"Ma "

"Ano?!"

"Ang dami naman po ata ninyong pera?"

"Masyado ng luma yung mga gamit natin kaya iyan napagpasyahan ko na ibenta yung iba at ibili ng bago"

Napangiti naman ako kasi si Mama kinakausap ako at mahinahon siya ngayon.

"Eto nga po pala yung sweldo ko ma. Pandagdag po ninyo sa mga gastusin natin dito sa bahay"

Kinuha nya yun at binilang.

"Pwede na to. Buti naman at malaki na"

"Opo"

"Inaasikaso mo pa ba ang kaso ni Lianne?"

"Ma, mejo mabagal yung imbestigasyon. "

"Sige. Una na ko at magbubukas pa ko ng tindahan. San ka naman ba pupunta?!"

"Kay Lianne po. "

"Sige. Ingat ka Anak"

Muntik pa kong mapaiyak sa narinig ko. Si Mama , tinawag akong anak! Si mama tinawag nya kong anak!

Ngumiti ako at umalis na.

Habang nasa byahe hindi ko parin maikubli yung mga ngiti ko sa labi. Iba eh. Masaya , ngayon ko lang narinig yun . Kaya patuloy pa kong magsisikap para kay Mama.

Bigla namang buhos ng ulan kung kailan nandito na ako sa sementeryo at naglalakad papunta kay Lianne.

Napatigil ako ng makita ko si Yulesis doon at nakaluhod Siya sa puntod ni Lianne.

Dali dali akong nagtago para pakinggan yung mga sinasabi nya. Baka may makuha akong ebidensya.

"Lianne. Why did you leave me?! Why so hard?! Sobrang sakit sakit ng nararamdaman ko . I'm in a deep pain since you left me. Then Amanda left me too. Kung buhay ka lang sana , I have a reason to celebrate life. I have a reason to smile , to fight . Lianne , why did you left me ? I love you so much"

Rinig na rinig ko ang malalakas na hagulgol ni Yulesis. I can feel his pain. Gusto ko siyang lapitan para damayan siya. Dali dali agad akong nagtungo sa kanya at niyakap ko siya mula sa likuran nya.

"Sir."

Umiiyak pa rin siya at kasabay noon ang lalong paglakas ng ulan. Lalo kong hinigpitan yung mga yakap ko sa kanya.

Amanda! Ikaw dapat ang nasa tabi ni Yulesis ngayon. Ikaw dapat!

Humarap si Yulesis sakin at nakita ko yung mugto niyang mga mata.

He hug me back. Kahit man lang sa pamamagitan ng pagyakap maibsan yung kalungkutan na nararamdaman niya.

"Thank you Lily"

I hug him tighter.

Lianne dapat hindi ka na lang namatay para hindi to nararanasan ni Yulesis.

After that incident , nandito kami ngayon sa condo nya. Nag sa shower siya habang ako naman pinaghahanda ko siya ng hot choco.

Grabe hindi lang siya pabebe , may pagka cry baby pa siya.

LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon