Chapter 55

122 1 0
                                    

CHAPTER 55

Relative


Habang palapit nang palapit sa sementeryo ay mas lalo lang din akong nasasabik. After eleven years, mabibisita ko na si papa. Ang dami kong gustong i-kwento sa kanya. Ang dami kong gustong isumbong sa kanya. I miss him so much.

"Pheebs, we'll give you space so you can be with your father first. Doon lang kami ni Stephen sa labas ng sasakyan."

Tinanguan ko sila at pinanood na bumalik sa kotse. Then I looked at papa's tombstone and I squatted. Hinaplos ko yung mukha niya sa lapida at inilapag doon ang bulaklak.

Celso M. Revilla

He was still a teenager in his photo. Ang gwapo rin talaga ni papa kahit noong bata pa siya. Kaya siguro na-in love si mama. Mabait din siya, matulungin, at masipag. I remember, mama was flexing papa's achievements in school, too.

I took a photo of his tombstone with the tulips.

"Papa..." Mahinang sabi ko. "Ako na po ito. Si Phoebe."

Kaya siguro Celeste ang pinangalan nila sa akin dahil halos lahat ay nakuha ko kay papa.

"Sorry po, papa. Hindi na nakaabot si mama, eh. Pero sure po ako, natutuwa siya ngayon dahil nabisita na rin kita. Pero si mama... she's a fighter. Noong nawala ka po, araw at gabi ang kayod ni mama para sa aming dalawa. Napag-aral pa nga po niya ako sa Northern West Academy, eh. Ngayon po, third year college na ako. Doon po ako nag-enroll..." I chuckled, "...Hinabol ko po kasi si Karim, yung ex-boyfriend ko po. Tuwang tuwa sa kanya si mama at boto siya."

Si papa kaya? Feeling ko, hindi niya magugustuhan si Karim sa kadahilanang magseselos siya dahil may ibang lalaki pa akong mahal.

"Ang bait bait po niya sa akin, pa. Ayaw niyang nagugutom ako, handa siyang makipagsuntukan para sa akin... mainitin ang ulo, pero napapakalma naman po. Seloso rin... pero sa pagtagal, sinasamaan na lang niya ng tingin yung mga nababalitang may gusto raw sa akin."

Paano kaya si papa noon? Kapag may mga nagpapakita ng motibo kay mama, inaaway din kaya niya?

"Miss na miss na kita, papa..." Nabasag ang boses ko at kasabay noon ang pagtulo ng luha ko. "Miss na miss ko na rin po si mama. Alagaan niyo po siya diyan, ha?"

I don't want to tell him what happened to me in the past five years. Ngayon na nga lang ulit kami nagkita, iyon pa ang ibabalita ko sa kanya.

"I'm stronger now, papa." Iyon ang sigurado ako. "Ang dami ko pong pinagdaanan. Nakakapanghina, pero wala naman po akong choice kundi maging matatag, hindi po ba? At... kahit masakit, nagawa ko nang palayain si Karim. Ang Chasing Celestine, yung mga dati ko pong kaibigan."

Matutuwa rin si papa dahil noong nabubuhay pa siya, wala naman akong naipakilalang mga kaibigan. Sana lang, naroon din siya noong nakilala ko na sila Kat.

"Yung Chasing Celestine, pangalan po iyon ng banda ng mga dati kong kaibigan. Si Karim po kasi... Nilayuan ko siya dahil natakot ako. Naguluhan din po. Yung sikretong manliligaw ko po pala, araw araw kong katabi at kasama. Sino po bang hindi magugulat at maguguluhan noon?"

Pinunasan ko yung pisngi ko at huminga nang malalim.

"Magli-limang taon na po dapat kami noon kaso... kailangan ko pong umalis, eh. Nasaktan ko rin siya. Pero ngayon, hindi ko na po siya ulit masasaktan. Kasi sa alaala ko na lang posible yung kami, hanggang dulo. Kaya po, papa, huwag kang mag-alala. Kayo lang ni Karim ang mga lalaking mahal at mamahalin ko. Kapag po siguro lalaki yung inampon ko, dagdag siya sa pamilya natin."

I spent more time talking about Karim, Chasing Celestine, and mama with papa. Hanggang sa naramdaman ko yung presensiya ni Stephen at Sabina, at isang lalaki na may hawak ding tulips, yung paboritong bulaklak ni papa, na palapit.

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon