One

1 0 0
                                    

Part one: Masungit 101

--

Heto nanaman papasok nanaman ako huehue. Kasi naman eh ang hirap pala ng college pero okay lang kakayanin ko.

Before chicka, I'm Becca Mae Pontanegro. 17 years old, freshmen college student. HRM ang kinuha kong course dahil mahilig akong magluto. Im good in singing also dancing [We?] HAHAHA. Uhm. Tatlo kaming magkakapatid ako lang ang babae kaya baby na baby ako sa bahay. Spoiled brat ang peg. Si Mama may tindahan na small store si papa naman nag wowork sa office, hindi kami mayaman hindi rin mahirap. Middle lang. About love life... Wala pa kong nagiging boyfriend tsaka wala namang mangahas na manligaw sakin kasi takot sila sakin, ewan ko kung bakit.

--

Bumaba na ako ng kotse kasabay ko si papa ngayon siya naman ang toka na maghahatid sakin sa univ. Hinahatid niya muna ako minsan naman yung mga kuya ko yung naghahatid saakin.

"Bye pa, iloveyou" sabay kiss ko sa cheeks niya.

Papa's girl to eh .

"Iloveyoutoo nak, mag-aral mabuti ok? "

Yeah, pursiging pursigi si papa na makapagtapos ako ng pag-aaral kasi ipinagmamalaki niya daw ako sa mga kasamahan niya sa office. Hahahaa kaloka.

"Oo naman pa, ako pa ba?" Sabay tawa naman namin. Mabait tong si papa. Sobrang bait wala akong masabi sa kanya, idol ko nga siya eh. Si Mom naman ang masungit dun ko siguro namana yon.

Bumaba na ako ng kotse ni papa at pumasok na ng univ. Heto nanaman, ire-ready ko na ang aking tenga dahil 99.9% makakarinig ako ng kung ano-anong chismisan. Hayyys.

Nandito na ako sa loob papunta na sa 3rd floor. Nasaan na kaya yung babaita na yon? Hinahanap ko si Elaine, My Bestfriend. Kung saan saan nanaman yun nagsu-suot.

"Bruhaaaa! Masungit!!!"

Jusko! Kilalang kilala ko na yung boses na yon eh. Natawa na lang ako bigla.

"Oy! Elaine san ka nanaman pumunta? Kanina pa ko sa baba hinihintay kita!?" nakasimangot kong sabi.

"Eh! Kasi naman be! May bago daw tayong schoolmate eh. Pogi daw! Omg. Sino kaya siyaaaaa!"

Tila siya bulating kinikilig. Sus wala akong pake kung sinoman siya.

"Hay naku! Idon't care no!" Sabi ko sa kanya. Totoo naman wala akong pake dun sa bagong transfer naming kablock mate.

"Sus! Lagi naman eh, lahat na nga lang ng lalaki dito sinungitan mo! Hahahahhaha" anong nakakatawa? Buang na talaga siya.

"Ewan ko sayo! layas nga at mag re-review ako sa math" taboy ko sa kanya. Naalala ko may long test pala kami sa math.

"Tse! Dun kaya upuan mo wag kang feeling! Hahahhaha" ay pahiya ako dun ah.

--
Breaktime

"Oy! Bruha anong o-orderin mo para maisabay ko na?"

Wala ako sa mood kumain feeling ko busog ako.

"Busog ako, ikaw na lang"

"What? Mahigit three hours tayong nakaupo doon hindi ka manlang nakaramdam ng gutom?" Natatawa na lang ako sa expression niya nanlalaki ang mga mata niya. Pero maganda padin siya.

"Oo na, order mo ako ng coke tsaka fries" natatawa kong sabi.

Bigla na lang siya nawala sa paningin ko pataygutom talaga yung bestfriend ko.

Napatingin ako sa entrance ng pinto. May nakita akong lalaki hindi ko maipagkakaila na gwapo siya dahil gwapo naman talaga maputi,matangos ang ilong, matangkad, at hot. Omg, ano bang nangyayari sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Becca MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon