Chapter 12: His Hand

331 28 9
                                    

Jhieden's POV

Tinungo ko ang hagdan papunta sa kwarto nina Dad and Mom. Nang makapasok ako roon ay agad kong nakita si Dad na mahimbing na natutulog. Pumunta ako sa gilid ng kama sa tapat niya at saglit ko siyang tinitigan bago ako umupo sa isang single sofa malapit rito. 

Tanging ilaw lang ng lampshade ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto ngunit medyo madilim rito kung saan ako umupo na di kalayuan sa kama ni Dad. Pinagmasdan ko lang siya, sobrang amo ng mukha nito na tila ba kay bait kung ito ay natutulog. Pero napakalupit na tulad ng isang demonyo kapag gising. Ngunit higit na mas demonyo ako kaysa sa kanya. 

Ilang minuto lang ako nanatili sa ganong posisyon nang bigla siyang gumalaw, kinusot nito ang kanyang mga mata sabay na kinapa ang kama na tila hinahanap ang presensya ng kanyang asawa sa tabi nito. Agad siyang bumangon ng napagtanto niyang wala si Mommy sa tabi niya.

"Holly Shit!" gulat na sambit nito nang makita niya ako.

"Jhieden? Is that you? What are you doing here in my room? Where's your Mom?" sunod-sunod nitong tanong na nakakunot ang noo.

"She's in the kitchen, sabi niya na nagugutom daw siya." sagot ko naman sa kanya

"And why are you here?" ulit nitong tanong

"I just want to talk to you Dad" malumanay na saad ko

"About what? If it is about that girl then forget about it. I'll send you to Australia at doon mo tatapusin ang pag-aaral mo" he coldly said

"Do you... really care about me?" mahina ngunit sapat na upang marinig niya

"What are you saying Jhieden? Go back to your room" aniya nito na tila walang pakialam sa sinabi ko

"Do you love me?" ulit kong tanong sa kanya, saglit itong natigilan at masamang nakatingin sa akin.

"Do you really want to know the truth?" he ask in a serious face ngunit hindi ako sumagot. Ilang minuto lang kaming nagtitigan, nakikiramdam sa isa't isa. 

"NO" mariin nitong sagot

"Why?" I ask again

"Why? You're asking me why?"

"Hindi pa ba halata? It because of you, you're mom died" wika nito na bakas sa mukha niya ang pagsisisi at pagkamuhi.

"Is it my fault?" walang emosyon kong tanong sa kanya

Alam ko naman na sinisisi niya ako sa pagkamatay ng tunay kong Ina, hindi niya kailanman sinabi ngunit bawat araw ay pinaparamdam niya sa akin iyon. Pero ngayon, ang sakit pala. Sobrang sakit na marinig mo iyon nang malinaw mula sa kanya, sa sarili kong ama. Pero pinigilan ko ang sarili ko na umiyak sa harap niya. Ayaw kong ipakita sa kanya na nasasaktan ako. 

"Yes, it's all your fault. Sana di ka na lang nabuhay. Sana di ka na lang dumating sa buhay namin. Di sana buhay pa siya hanggang ngayon" aniya nito 

'Ramdam ko ang pagmamahal niya kay Mama at alam ko rin na pinakasalan niya lang ang Step Mom ko para makalimutan si Mama. But how about me? Hindi ba ako karapat dapat na mahalin? Mahirap ba akong mahalin? Ever since, I tried to be a perfect son for him pero lahat 'yun ay walang halaga sa kanya. 

"But believe me or not, I tried Jhieden. I tried to love you kasi anak kita... anak pa rin kita at sa akin ka nanggaling—" 

" —But I can't... sa tuwing nakikita kita, naalala ko lang yung sakit na naramdaman ko nang mawala ang Mama mo sa akin" aniya nito, sumilay sa mukha niya ang lungkot. 

You Can't Escape From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon