Patawad, Kaibigan

6.7K 169 65
                                    

Patawad, Kaibigan

One-shot Story by: redwithenvy © 2013

Minsan ko nang naranasan ang magkaroon ng magandang buhay. Hindi man ako mayaman sa materyal na bagay, mayaman naman ako sa mga matatalik na kaibigan. Naranasan ko ‘yung maliligayang sandali sa piling nila, ang humalakhak sa gilid ng kalsada habang nilalakad ang mahabang distansya mula eskuwelahan hanggang sa bahay, ang umupo sa mga baitang ng hagdan sa tapat ng silid-aralan upang makipag-palitan ng opinyon tungkol sa aming mga guro na aming kinaiisan at kinatutuwaan, ang sabay-sabay na pumila sa tapat ng opisina nila tuwing pirmahan ng clearance at ang sabay-sabay na maparusahan dahil sa kalokohang nagawa sa paaralan.

Nasa akin na ang lahat. Ang mga kaibigan ko ang liwanag sa buhay kong permanente nang nababalot ng kalungkutan. Sila ang lakas at sandalan ko sa mga panahong ninais kong sumuko sa maliliit na hamon ng buhay. Sila ang kasabay kong nangarap sa loob ng isang tahanan na aming naging tambayan.

Pangarap.

Marami ako niyan. MARAMING-MARAMI.

Mga pangarap na naglayo sa akin sa mga natatanging liwanag ng buhay ko.

Mga panagarap na huli na nang maisip ko… na ang mga iyon ay punong-puno ng pagpapanggap.

Ginusto kong maabot ang mundo. Sa kolehiyo, sinubukan kong ihalo ang sarili ko sa mga taong sikat, hinahangaan at kinikilala sa unibersidad. Dahil kilala sila, naging kilala rin ako.

Gimik dito, cutting classes doon. Inom dito, inom doon. Yosi dito, weeds doon. Drugs dito, ecstasy doon. Wooo! Heaven! Lutang na lutang pakiramdam ko. Ang daming boys na humahabol sa kagandahan ko, ang daming gusto tumikim, ang dami ko nang pinatikim!

Yes, I become the school slut. Nang-aagaw ako ng mga lalaking tingin ko ay mga uto-uto para patulan ako.

I slept with different fraternity guys to maintain my popularity, status and reputation. Reputation? Pft! C’mon! Sinong niloko ko? Walang-wala ako niyan! Putang ina. Sinira ko ang sarili kong buhay. Tinalikuran ko ang totoong masayang buhay para sa kasikatang tinatamasa ko ngayon. Tinalikuran ko ang masayang buhay para sa ka-miserablehang kinasasadlakan ko ngayon.

Hindi ko sila sinisisi. Sinubukan nila akong ilayo pero nasarapan ako sa bawat paghithit ng marijuana, sa bawat lagok ng mapait na alak at sa bawat pagbuka ng mga hita ko para sa mga lalaking nagnanasang magtampisaw sa panandaliang kaligayahan na inaalok ng katawang kong dinaig pa si Katrina Halili. Hindi ko sila sinisisi na ngayon ay nilalangoy ko ang sarili kong kalungkutan at pagpapanggap.

“Tang ina, Nikki! Ang sarap mo!” sabi ng lalaking hindi ko matandaan ang pangalan na tuloy-tuloy lang sa pagkayod sa kandungan ko. Nakahiga ako, nakatali ang mga kamay ko sa headboard ng kama at ang mga paa ko sa bakal sa paanan ng kama.

Sinunggaban naman ng isa ang mga dibdib ko at pinagsawa ang sarili sa pagmasahe sa dalwang bundok ko. Oo, dalawa silang nagpapakasarap sa katawan ko. Ganyan talaga ako. Minsan pa nga group sex ‘to. Wala lang, trip lang nila. Trip ko na din, baka mawala ako sa uso eh.

Nang matapos sila sa katawan ko, naiwan akong sobrang miserable, galit sa mundo at sa sarili. Nagbihis ako nang parang walang nangyari at umalis sa lugar na iyon nang parang walang nangyari.

Sex. Drugs. Alcohol. Yan ang buhay ko. Nawala na ang bakas ng inosenteng babae na nakikipagtawanan sa kanyang mga kaibigan sa harap ng silid-aralan. Nawala na ang babaeng naglalakad sa gilid ng kalsada habang humahalakhak.

“Nicole?”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nicole? Wala nang tumatawag sa akin sa pangalan kong iyon.

Patawad, KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon