"Tita, iba nalang ho ang hilingin ninyo sa akin. Kahit ano ho, pagbibigyan ko kayo, maliban lang ho riyan. Alam na alam naman ho ninyo kung ano ang stand ko pagdating sa bagay na Yan. Ayuko naman hong kainin yong mga salita ko," nagsusumamong apela ni Drew sa kanyang Tita Eva.
Pagkatapos ay uminom siya ng lemon iced tea mula sa matangkad na basong hawak niya para pawiin ang kanyang tensiyon na dulot ng topic na ibinungad nito sa kanya.
"I'm begging you, Drew. Do this for me, please," ganting-pagsusumamo nito sa kanya. "Wala lang talaga akong mapili sa lahat ng mga aplikante dahil kitang-kita ko kung ano ang tanging intension nila sa pag-a-apply ng trabaho bilang executive secretary. And that's to flirt with the boss and do all they can to trap and hook him."
Ang tinutukoy ng Tita Eva niya na 'boss' ay walang iba kundi ang ubod ng palikerong CEO ng Agustin Group of Companies na si Riley Agustin. Ito ang nag-iisang anak ng may Ari ng kompanya na unang naging boss ng Tita Eva niya bago nagretiro at palitan ni Riley bilang CEO.
The company dealt with acquiring properties and turning them into commercial establishments like hotels, condos, resorts, etc. Kaya may sarili ring engineering and architecture firm ang kompanya.
Isang matagumpay at makapangyarihang kompanya ang AGC na buung-buong mamanahin ni Riley pagdating ng araw. Kaya maraming babae ang gustong masilo ito. Pero mukhang sinasamantala iyon ng magaling na lalaki dahil ayon sa nababasa niya ay paiba-iba ang babaeng nauugnay rito.
Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya mapagbigyan ang ipinakiusap ni Tita Eva. In 2 weeks time ay ikakasal na ito sa biyudong Amerikanong si Tito Philip. Pagkatapos ay aalis na ang mga ito papunta sa San Francisco upang Doon manirahan. 3 months ago lamang napagpasyahan ng mga ito ang pagpapakasal kaya naging mabilisan ang preparation.
Sa edad na singkwenta y kwatro ay nakatagpo rin ang tiyahin niya ng lalaking makakasama nito sa buhay. Panganay ito sa limang magkakapatid. Sumunod Dito ang mommy niya na sinundan pa ng tatlong mga tiyuhin niya.
Beinte anyos pa lang noon si Tita Eva nang maulila ang mga ito sa mga magulang kaya ito na ang tumayong Ina at ama sa mga Kapatid nito. Dahil Doon ay nakalimutan nito ang sarili.
Hindi nakapaghintay ang lalaking minahal nito ay nagpakasal sa ibang babae. Dinamdam iyon ng husto ng tiyahin niya kaya itinuon na lamang nito ang panahon at atensiyon sa pagtatrabaho at pagsuporta sa mga Kapatid hanggang sa ipakilala nga rito ng mommy niya si Tito Phil. Sa internet nabuo ang pag-ibig ng mga ito.
Matagal nang nakabase sa San Francisco ang mommy niya Kasama ang pangalawang Asawa nitong si Tito Edgar, Isang Filipino-American at kaibigan ni Tito Phil. Isa ang naging anak ng mommy niya at Tito Edgar, si Rupert.
She was a product of a broken family
Babaero Kasi ang daddy niya at saksi siya sa paghihirap na pinagdaanan noon ng mommy niya sa piling nito. Nang tuluyang ma-annul ang kasal ng mga ito ay nagtrabaho ang mommy niya sa San Francisco bilang Nurse sa Isang ospital Doon. First year high school siya nang maiwan sa pangangalaga ng Tita Eva niya."Pansamantala lang naman, hija," ani Tita Eva. "After a year, babalik na si Mimi na dating sekretarya niya."
Isang taon na buhat ng palitan ni Riley ang papa nito bilang CEO. Noon pa sana magreretiro ang Tita Eva niya ngunit pinakiusapan ito ni Riley at ng papa nito na manatili Muna Hanggang sa maging CEO ang binata. Nang maging CEO naman ito ay nagkataong nag-leave si Mimi dahil nanganak ito at humingi ng Isang taong leave hanggang sa pwede nang Iwan nito sa Yaya ang bunso nito.
Pumayag ang Tita Eva niya kaya na extend pa ng mahigit isang taon ang balak nitong maagang pagreretiro.At ngayon ay hindi na nito matatapos ang natitirang isang taon dahil magpapakasal na ito kay Tito Phil.
"Besides, kapos na ako sa panahon. Maraming nag- apply pero hindi ko talaga magawang ipagkaloob isa man sa mga iyon ang trabaho bilang executive secretary ni Riley. Ang gusto ko ay maiiwan ko ang batang iyon sa mabubuting kamay at hindi roon sa walang ibang gagawin kundi ang akitin siya nang akitin."
"Tita, sa dinami-rami ng mga empleyado riyan sa inyo, wala man lamang bang puwedeng mahugot para pansamantalang tumayong sekretarya niya hanggang sa makabalik si Mimi?"
"Wala," tugon nito. "Drew, ikaw na lang ang pag- asa ko. Sa iyo ay makatitiyak akong hindi mahihirapan si Riley kapag ikaw ang pansamantalang naging sekretarya niya."
Dahil matagal na panahon nang nagtrabaho ang Tita Eva niya sa kompanya ay napalapit na ang buong pamilya Agustin sa puso nito kaya ganoon na lamang ang pagmamalasakit nito sa mga iyon. Ang matandang Agustin ang nagpaaral sa tita niya sa kolehiyo sa ilalim ng scholarship program ng kompanya. Halos treinta anyos na noon ang tita niya kaya malaki ang utang-na-loob nito sa pamilya.
"Tita, pa'no ang bookstore?" nawika niya sa kawalan ng maidadahilan dito. Ginabi siya sa bookstore at nang umuwi siya sa bahay ay nadatnan niyang naghihintay sa kanya si Tita Eva sa sala. Ang inakala niyang tapos napagdidiskusyon nila tungkol sa kahilingan nitong maging sekretarya siya ni Riley ay hindi pa pala. And this time, mas nakikiusap at nagsusumamo ito. Ito pa mismo ang naghanda ng lemon iced tea para sa kanya.
"You have competent staff, Drew. Maaasahan mo naman si Lima." Ang tinutukoy nito ay ang assistant niya. "And you have experience dahil apat na taon ka ring naging secretary sa isang sikat na law firm bago ka pa maging manunulat ng children's stories at magmay-ari ng isang bookstore."
Political Science ang tinapos niya. Pagka-graduate ay nakapagtrabaho siya sa isang law firm. Nang ma-realize niyang pagsusulat ng mga children's stories ang calling niya, bukod pa sa masakit na karanasan niya sa dating trabaho, ay nagpasya siyang mag-resign. Nanghiram siya ng kapital sa tita at mommy niya upang maitayo ang Drew's Bookstore na ngayon ay may dalawang branch na. Isinabay niya roon ang pagsusulat. And she was really happy with the state of her career.
"Tita—"
"Drew, matitiis mo ba ang tita mo?" paglalambing pa nito sa kanya.
Kapag ganoon na ang strategy nito ay alam na alam nitong mahihirapan na siyang tumanggi pa rito. Madalang kung makapagbakasyon noon ang mommy niya kaya ito talaga ang nakasama niya. At kailanman ay hindi niya ito matitiis. Pero iba naman kasi ang hinihiling nito ngayon. May kinalaman na iyon sa prinsipyo niya.
BINABASA MO ANG
I'm Addicted to Your Love
Romansa|Complete| CEO × Secretary Mary Drew Antonio "How can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa? Sa isang taong mapaglaro sa damdamin ng mga babae at napakapalikero?" Iyon ang sentimyento ni Drew ngunit napilitan pa rin siyang magtrabaho bilan...