Kakasimula lang ng 2022 at nararamdaman kong napaka-boring ng buhay ko. Paggising sa umaga, cellphone agad ang hawak ko. Tapos buong araw, sa cellphone at computer na lang umiikot ang oras ko. Mobile games, live streams, online shopping, scroll ng scroll. Hay nako! Pagod na ako sa ganitong buhay, pero dahil nga sa pagod na ako, wala akong motibasyon para magbago.
Noong February, parang tumawag si God. Sinagot ko na rin baka maubos load niya. Ginamit ni Lord yung dati kong kaklase at si mama para anyayahan akong maglingkod sa dambana ng Panginoon. Una, ayaw ko talaga kasi ako? Tatawagin? Eh nakahilata nga lang ako maghapon! Ni hindi ko nga alam ano na nangyayari sa labas ng bahay namin, kaya litong-lito ako kung bakit ako pa ang pinili. Special ko pala!
Pero sabi nga nila, YOLO. Para naman mabigyan ng kulay itong malamaya kong buhay, sinagot ko na yung tawag Niya. Tapos yun, dami kong nakilalang tao. Hindi ako makapaniwala na nakikipag-usap na ako sa mga tao ng harap-harapan. Medyo utal-utal nga ako, kasi you know, nasanay makipag-usap sa harap ng monitor.
Isang araw, out of nowhere, nagpatawag ng biglaang meeting. Medyo excited na medyo kabado ako. Takot na takot ako, baka ibang jeep ang masakyan ko, pero salamat sa Diyos, tama naman ang jeep na nasakyan ko. Hindi ko alam kung excited ako o natatakot akong malate, pero 40 minutes before the meeting ako dumating, kaya ayun, nakabilad lang ako sa araw habang naghihintay. Buti naman, may dumating na ibang sakristan.
Wala akong ideya sa agenda namin, pero nagstart kami with the rosary. Jusko! Hiyang-hiya ako kasi hindi ko alam ang gagawin, kahit na nag-rosary na kami dati ni mama. Still, bumabalik sa isip ko na hindi ko talaga deserve maparito. Pagkatapos ng pagdadasal sa banal na rosaryo, sinabi sa amin ng Sakristan Major na kailangan naming mag-share ng experience namin kung bakit kami naging sakristan. THIS IS MY GREATEST FEAR! Sa lahat ng bagay, ayaw ko talaga yung nakikipag-interact sa ibang tao kasi pakiramdam ko, baka jinujudge na nila ako. By the way, partner naman yung pag-share, tyL.
Who would expect na, Francis Mateo C. Ramos, will face his fears? Sa totoo lang, di ko naimagine sarili ko to be here 5 years ago. Ang naging partner ko si Marco, ang puti at kinis niya, plus! Mabait din siya. "Hello po, I am Francis Mateo C. Ramos..." hiyang-hiya akong sinabi 'yan! "Marco o kuya Marco, pwede na, tsaka wag ka na mag-po! 'Di ako nangangagat, nananampal lang. Nice to meet you, Matthew!" sabi sa'kin ni kuya Marco na parang pinagtitripan ako. "Actually, Mateo po-" sabi ko, pero bigla-bigla niya naman sinabing "Imposibleng walang tumatawag sa'yong Matthew, tsaka ang daming syllables ng Mateo. Ma-te-o, Matthew na lang!"
Imagine nakikipagkaibigan ka, tapos ganito yung first interaction niyo, nakakahiya! Pagkatapos naming magpakilala sa isa't isa, pinauna niya akong magbahagi ng aking karanasan. "Hindi ko talaga gusto maging sakristan, ni paglabas nga ayaw ko rin eh, pero simula nung ang daming nag-aaya sa'kin mag sakristan, parang napagtanto ko na, uy belong pala ako dito, deserve ko pala maparito sa tahanan ng Diyos. Simula nung tingalain ko siya, parang ang gaan na ng dibdib ko, tapos yung mga sinasabi ko dating fears ko, parang tinanggal niya."
Pagkatapos ko, ningitian niya ako. Sinabi niya naman yung sa kanya, tapos dun ko na-realize na medyo pareho kami. "Hindi ko rin naramdaman yung calling niya sa'kin, siguro tumatawag siya pero naka Airplane mode ako. Ako mismo yung lumapit sa kanya eh, kasi gusto ko magkaroon ng relationship sa kanya, tapos konti-konting nagbuild up hanggang sa maging sakristan ako ngayon." tugon niya. Pinagkaiba lang talaga namin ay never kong sinubukan makipag-usap kay Lord.
Pagkatapos ng araw na ito, hindi ko na ulit alam kung paano ako kikilos, pero... Sa wakas! Mabibigyan na rin ng kulay itong napakalungkot kong buhay, dahil pinili kong maglingkod sa kanyang dambana.
BINABASA MO ANG
Eternal Barriers
RomanceTheir hearts beat as one, but their faiths kept them apart. In every prayer, they found each other, yet they remained worlds away. *** Francis is a Catholic boy who finds his boring life getting more colorful when he meets Sitti. As an altar server...