1

60 4 0
                                    

[Leo's Pov]

Isa akong 3rd year highschool student, at mula nung lumipat sina mama't papa sa america. Pinili ko na lang na manirahan sa isang boarding house, sa totoo lang mahirap rin expenses dito kaya sa ngayon nag hahanap ako ng pwedeng roommate. Para na rin may maka-sama ako at may katulong na rin sa mga bayarin, mahirap ring manirahan mag isa kaya't kailangan ko rin ng makakatulong.

Isang typical na araw parin para sa'kin, papasok uli sa school para matuto ng mga bagong topics at para mag submit na rin ng mga homeworks na kailangan i-submit.

Class president ako ng section namin kaya obligation kong i-handle ang buong section namin kapag walang teachers, medyo mahirap pero madali naman silang mapaki-usapan.

Meanwhile, habang nag susulat kami ng lectures na in-assign ng isa naming subject teacher. May kumatok na isang student na lalake. “ section Shakespeare po ba ‘to tama po ba? ”

Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya.

“ Yes po, section Shakespeare po ito. Ano pong hanap nila? ” tanong ko sa kaniya.

“ Lesther Dela Cruz po name ko and transferee student po ako, and ditong section po ako na assign. Nakapag pasa na po ako ng mga kailangan and sabi po na ngayon ang start ko. " sagot niya sa'kin.

“ nice to meet you Lesther, ako ‘yung class president dito sa section Shakespeare tara pasok ka na. ”

“ classmates, may panibago tayong kaklase dito sa'tin, i hope na maganda pakikitungo niyo sa kaniya and sana maging friendly kayo sa kaniya.” Sabay tingin kay Lesther

“ pakilala ka na sa kanila, para naman mafeel mo na safe ka dito ” Sabay ngiti sa kaniya.

Tumayo sa tabi ko si Lesther at nag simulang mag pakilala.

“ Good afternoon every one, my name is Lesther Dela Cruz. You can call me Lesther nalang and I'm 16y.o, turning 17. I'm friendly naman don't worry, and i'm a former student sa US pero mas pinili kong mag study rito since dito ako sanay and mas madali makipag cooperate sa Filipinos. And thats about it.”

“ Welcome sa Shakespeare, and dun ka nalang umupo sa tabi ko since ayun nalang ang available seat. ” Ngumiti siya sa'kin sabay sabi ng “ sige po, thank you. ” At umupo sa bakanteng upuan.

[Leo's Pov]
Ano ba itong nadarama oh shucks ito ba'y pag-ibig na?!
totoo ba ang dinarama 'cause boy it feels so good

Bakit ganon?? Nahuhulog na agad ako sa kaniya, ang pogi niya huhuu like matangkad, matangos ilong, maputi, mabait jusko NA SA KANIYA NA ANG LAHAT!!!

Nang matapos na ang klase, at nagsisiuwian na lahat. Nakita ko si Lesther na nag lalakad sa daan, medyo delikado na rin kase gabi na't wala na masyadong masasakyan. (limited lang rin kase ang sakayan rito).

“Uy Lesther!” sabay kalabit sa kaniya.

“ay, hello po.”

“ d-diretso ka na ba sainyo?” tanong ko sa kaniya

“ oo eh, ikaw ba? ”

“ sana, kaso ‘di pa ako nag d-dinner e. Wala rin ako sa mood mag luto. ”

“ ah ganon ba? ”

“ oo, tara sabay na tayo umuwi. Don't worry mabait akong tao, ”

“ alam ko naman po ‘yun, halata naman po sainyo na wala kayong masamang balak ”

“ tara dinner tayo, libre na kita. ”

SEMINARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon