15

11 5 0
                                    


CHAPTER 15
Reunited

Buong biyahe kami walang imikan ni Dada. May kung anong bumabalot na malamig na hangin sa'min.

The hospital was a 20-minute drive from my school. Hindi ito masyadong pamilyar sa'kin dahil hindi ko napupuntahan ang lugar na ito.

Mabibigat ang hakbang ko na sumunod kay Dada. Punong-puno ng pangamba ang puso ko, takot, alinlangan, at sakit. Hindi ko maisiksik sa utak ko na nangyayari ito.

Nasa third floor ang room ni Mommy. Private hospital ata 'to, wala kasi masyadong tao na nakakalat at iilan lang ang nurse at doctor na naglalakad sa pasilyo.

Binigyan ako ni Dada ng matamis ngunit malungkot na ngiti bago tuluyang buksan ang pinto. Pigil hininga kong inihakbang ang mga paa ko. Nakayuko ako at dahan-dahan na iniangat ang ulo ko.

But... I still haven't seen the situation when I received a sudden slap that immediately burned my face.

I froze... unable to process what had happened.

"Walang hiya ka! You still have the audacity to show your face here?!" umalingawngaw sa buong silid ang boses nk Ate Lope.

Tinignan ko siya nang may takot, nagpupuyos siya sa galit na ngayon ay hawak ni Kuya Hency. Nangingig siya na para bang ako na ang pinakamakasalanan na taong nakita niya.

"A-ate--"

"Stop calling me Ate! Wala akong kapatid!"

Napapikit ako nang umagos ang mga luha ko. Ramdam ko ang mga kamay ni Dada na nakasuporta sa'kin.

"At sino ang may sabing dalhin mo 'yang babaeng 'yan dito Dad?! Nang dahil sa kanya lumala ang sitwasyon ni Mommy!" nilingon niya si Mommy na nakahiga sa likod, mahimbing na natutulog at may hose sa ilong.

Napalunok ako. I can't bear to look at her in that kind of situation.

"Lope anak, she just wanted to check your mother--"

"MY MOTHER! HINDI NA 'YAN KASAMA SA PAMILYA NATIN!" sigaw ulit niya na ikinahina ko.

Nanghihina ako, nahihirapan ako huminga dahil sa pag-iyak at sa nararamdaman kong sakit.

"ANO MASAYA KANA?! NAKUHA MO YUNG KALAYAAN NA GUSTO MO?!" akmang susugurin niya ako pero napigilan siya ni Kuya Hency. "ANO BA?! BITAWAN MO NGA AKO!"

Galit si Ate, sobrang galit.

Umiling si Kuya Hency at nag-iwas tingin. Alam niyang wala siyang magagawa para pigilan si Ate.

"YOU PUT MY MOTHER'S LIFE IN DANGER! KUNG SANA LANG DATI PA AY NAGING MABUTI KANG ANAK AT SINUNOD ANG MGA PAYO NAMIN, HINDI AABOT SA GANITO!" dinuro-duro niya ako at wala akong magawa kung hind yumuko, umiyak, at tanggapin lahat ng sinasabi niya dahil totoo naman. "YOU'RE NOTHING BUT A WORTHLESS, ANNOYING PEST INFESTING OUR LIVES!

"Stop it, Lope!" si Dada na nadala na rin sa tensiyon.

"BAKIT? TOTOO NAMAN! KASALANAN NIYA, DAHIL SA KATIGASAN NG ULO AT SARILI LANG ANG INIISIP NIYA!" napatakip ako sa bibig dahil sobra na ang sakit na nararamdaman ko. Hindi na ako makahinga sa kakaiyak. "AND WHY ARE YOU EVEN DEFENDING HER? SABAGAY..."

"NOCRESIA!"

Sigaw ni Dada na ikinatahimik namin. Napa upo ako sa sahig dahil hindi na kaya ng mga paa ko suportahan ang bigat ng damdamin ko. Iyak lang ako nang iyak at dinadamdam lahat.

Pagod na ako, pagod na pagod na ako.

Itinayo ako ni Dada at kita ko ang galit na expression niya. Kinuha niya ang panyo sa bulsa at maingat na pinunasan ang basang-basa kong mukha dahil sa luha.

Seeking the Wellspring of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon