03

6 2 57
                                    

Chapter 03

A/N: Long chapter ahead! I apologize for prolonged reading time due to this long chapter, I'll try to be more exact in writing, soon. Thank you for understanding !

Graduate

"H-HELLO? Precious... napatawag ka yata?" bati ko sa kanya habang malayo kay papa.

[Uy! Naistorbo ba kita, Elle? Ask ko lang kasi kung may toga ka na para sa graduation?] tanong niya.

"Ah, wala pa... sapatos nga wala pa rin, e." sagot ko at sinundan din ng tawa.

[Hala, gano'n ba? Sabay na tayong kumuha bukas! Tsaka sasama ka rin ba sa graduation party na'tin?] usisa niya.

"Ewan, siguro?" walang ganang sagot ko.

[Sumama ka na! Narinig ko sasama daw 'yung nagkakagusto sa'yong taga-ABM!] kwento niya.

Kumunot naman ang noo ko. "Ayan ka na naman sa kagagahan mo. Pero sige, bahala na." ani ko.

[Aabangan kita doon, ah!] pagpupursigi niya bago patayin ang tawag.

Sa halip na bumalik sa loob ay nanatili mun ako rito sa labas. Natahimik ako't nagpakawala ng malalim na hininga.

Kung iisipin, oo, naihip na ang singaw ng mga pag-aalala sa utak ko pero hindi ko pa ring maiwasang isipin ang mga nagawa ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay malalim ang itinanim kong bala sa katawan niya nang akusahan ko siya at sigaw-sigawan ang pagmumukha niya.

Pero bakit siya sumang-ayon? Bakit niya inako ang problema kung gayong hindi naman pala siya ang may kasalanan? Bakit hindi niya pinaglaban ang panig niya? Marahil ay napagod na siya. I forget that people get tired too. 

Mali pa rin na ginawa ko 'yon kahit na alam kong walang katiyakan at mas maling hindi muna ako nanigurado, masyado akong nagpadala sa emosyon ko.

Natakot ako na baka kapag nahipo niya ang mga taong mahahalaga sa'kin—na siyang kahinaan ko, baka masilayan niya ang butas sa sarili ko at malamang wala akong pang-depensa. I might depend on him—and that's a nightmare for me which I cannot escape. 

Bwisit na side effects 'to.

Tsaka lang ako natigilan sa pag-iisip nang tawagan ako ni Calli na agad ko ring sinagot.

"Oh? Bakit?" bungad ko.

[Tara kape! May bagong stall dito ng coffee shop!] si Calli ang tumatawag pero boses ni Rie ang naririnig ko.

"Nasa ospital ako kasama si papa, shunga lang, 'te?" biro ko.

[Ay, inaaway mo ba kami ni Calli? Sumbong kita kay tita kasama namin siya!] ani ni Rie.

"Huh? Bakit? Siguro palaboy-laboy lang kayo d'yan kaya pinulot niya na kayo. Maawain talaga 'tong si mama." asar ko.

[Kapal mo, sis!] depensa ni Rie, narinig ko namang nagsasalita si Cali.

[Hello? Elle, what's your order? Take out ka nalang namin and we'll eat there.] pagbibigay-alam ni Calli.

"Cookies n' cream! Kung wala 'wag nalang muna." sagot ko.

[Huwag na, 'wag mo na bilhan 'yan! Inaapi tayo, oh!] asar ni Rie.

[Hay nako, pumila ka nalang, Rie. We'll just buy you meds nalang, sorry, ah. Ba-bye na!] paalam ni Cali bago ibaba ang tawag.

Kahit papaano ay nawala sa utak ko iyong mga iniisip ko kanina kaya bumalik na 'ko sa loob para ibilin kay papa na darating dito si mama at ang mga kaibigan ko.

To be Loved is to be Seen (2Be Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon