I am getting ready for very big event, intrams ng campus ngayon and bilang parte ng news club kailangan naming mag interview ng mga tao para makapag publish kami ng newspaper sa loob ng campus. Hindi madali ang maging journalist dahil kailangan naming kapalan ang mukha namin para kumausap ng tao, but since I mastered my confidence sa loob ng 3 years ko bilang isang campus journalist, basic nalang sakin yan. People always ask, bakit journalism ang napili ko? that is because i am a woman na may kakaibang skills pagdating sa memorization, kaya kong maalala ang bawat ditalye ng mga bagay na sinabi, ipinakita o kahit mga kilos ng isang tao, madali rin na maalala ng utak ko ang mga bagay sa paligid, at ditalyado ko itong maikukuwento sa iba, ipakita mo nga lang ang litrato ng isang tao ay madali kong maalala ang bawat kurba, mga hugis at guhit ng mukha nito.
Noong bata pa lang ako, kaya ko na itong gawen, at habang lumalaki ako saka ko lang narealize na kakaiba pala ako mula sa ibang bata, dahil extreme ang way ko ng pag-alala ng mga bagay-bagay, ginagamit ko pa nga ito dati para baliktarin ang statement ng iba para lang manalo ako sa isang argument, at yon ang pinaka ayaw ng mga kaibigan ko saakin dahil lagi raw silang talo kapag ako ang nakakalaban nila sa debate or kung hindi naman ay may friendly talk kami na nahaluan ng politics.
"Val! matagal ka pa ba dyan sa loob? 6:43 na, mal-late tayo sa call time!" a person outside yelled, sinabayan pa ito ng katok kaya naman mas binilisan ko pa ang kilos ko para hindi na mataranta ang kasama ko.
Hindi na baleng wala akong almusal basta ba kumpleto lahat ng gamit ko para sa event mamaya. Wala narin naman kaming time para kumain dahil abala talaga kami at maraming kailangan asikasuhin sa campus. Buti na nga lang at nandito si Jaz para tulungan ako sa pagbubuhat ng mga gamit ko.
Kasama ko si Jaz sa club na kinabibilangan ko, makaiba nga lang kami ng catergory dahil isa akong news writer habang sya ay photographer. Jaz is my female bestfriend simula pa elementary, kami yung tipo ng duo na mahirap paghiwalayin dahil yung mga kaibigan nya ay kaibigan ko rin and vise-versa. Bukod sa pagiging journalist, isa rin akong officer ng Supreme Student Goverment at nasa katayuan ako bilang Presidente, hindi naman mahirap ang mag multitask dahil naha-handle ko naman ng maayos ang mga oras ko at hindi ko hinahayaang matambakan ako ng gawain.
"Kumpleto na ba lahat? Wala tayong dapat makalimutan dahil ayokong magpabalik-balik sa condo ko para lang kunin ang mga naiwan, siguraduhin mong kumpleto yan ha?" i stated bago pa ako pumasok ng sasakyan.
"Aye aye President, masyado ka naman stress ngayon Val dapat enjoyin mo lang ang mga nangyayari kasi soon ibang stress naman ang haharapin mo!" sabi nito sabay tawa ng malakas, alam na alam talaga nya kung paano ako iinisin sa mabuting paraan.
'kung di lang kita kaibigan baka nasapak na kita'
We drove all the way from my condo unit up to the campus and settled everything. Lahat ng member ng club ay nasa office na at hinihintay nalang kami para mabigyan sila ng instructions sa kung paano at sino ang mga taong kailangan interviewhin at kuhaan ng litrato.
As i was explaining, I heard my phone ringing pero hindi ko muna ito pinansin at tuloy-tuloy parin ako sa pagsasalita. When i got the chance to take and answer the call saka naman ito tumigil sa pag ring and hindi ko na nakita king sino ang nasa caller ID.
'lah, buang'
Habang abala ang mga campus journalist sa mga task na binigay ko sa kanila, binisita ko naman ang SSG office para tignan ang ang ganap ng mga officers sa Intrams sa campus mamaya, base sa napagplanuhan ay binigyan ng task ang mga napiling studyente ng campus para panatilihin ang kaayusan sa oras ng Intrams, pinayagan din ang mga studyante na magsama ng outsiders para mas mag-enjoy raw ang mga tao sa loob ng campus.
Wala naman akong tutol sa mga suhestiyon ng mga officers ko dahil una sa lahat ay wala nmng naibalita saakin na may mali kaming nagagawa bilang mga opisyales ng campus, inuuna rin namin ang kaligtasan at kasiyahan ng mga kapwa namin studyante dahil dapat lang naman na maging masaya kami at di puro stress ang nararamdaman.
Maya-maya pa ay tumunog muli ang cellphone ko kaya naman sinagot ko ito agad kahit hindi ko alam kung sino ang tumatawag.
"Hello?"[Hello, is this Valentina Villarosa?]
"Yes po, sino po sila?"
[We are calling from Saint Luke's Hospital, kayo po ang guardian ni Mrs. Veran Villarosa diba po?]
"Opo, ano pong meron? kakabisita ko lang po sakanya noong isang araw, ano pong nangyare?"
[We would like to inform you po na hindi na tumatalab ang mga gamot na inireseta sakanya ng Doktor nya, mas lumala narin po ang sakit nya at mukhang malabo po na makaalala syang muli, kung free po kayo, gusto po kayong makausap ni Dr. Mendez for more informations about Mrs. Villarosa's condition, mas maganda raw po kasi na harap-harapan nyang maipaliwanag sa inyo kung ano ang nangyayari at posibleng mangyari.]
"Sure, papunta na po ako"
I ended the call at sandaling napatulala sa kawalan. My mom has an Alzheimer's disease, kaya kailangan ko na syang ipa-confine sa hospital dahil wala sa mga kamag-anak namin ang gustong mag alaga sakanya dahil busy rin sa trabaho at hindi sya mabigyan ng oras. Wala narin ang tatay ko dahil matagal na itong pumanaw, at ako naman ay busy rin sa pag-aaral. I visit her twice a week para kamustahin sya at kahit hindi sabihin ng doktor alam kong araw-araw ay lalong tumitindi at lumalala ang kalagayan nya, minsan nga kailangan ko pang ipakilala ang sarili ko ng mga limang ulit para lang maalala nya ako.
Hindi ko parin inaalis sa isip ko na balang araw, magiging ako nalang laban sa lahat ng bagay, darating ang panahon na ako nalang mag isa at ako lang din ang tutulong sa sarili ko dahil wala ang mga pader na pwede kong masandalan bawat oras.
YOU ARE READING
Take a Trip Down Memory Lane
Tiểu Thuyết ChungA girl that is called "smart" due to her skill of detailed memorization met a boy who somehow became a part of her journey as a known campus journalist. As memories became the line of her life, how can it stay straight if it forgets one by one what...