Chapter 2

110 3 0
                                    

At Isa sa prinsipyo niya ay hinding-hindi siya magtatrabaho sa isang kompanya o sa isang employer na hindi siya pabor sa pinaggagagawa. Maraming law firms ang nagpa-pirate sa kanya ngunit nanatili siya sa unang pinasukan niya noon dahil kilala niya ang integridad ng employer niyang si Atty. Mendrez.

Mas magiging madali sana ang pagkumbinsi sa kanya ni Tita Eva kung hindi malaki ang disgusto niya sa Riley Agustin na iyon. Alam niya ang pagiging palikero nito dahil nasaksihan mismo niya ang pagiging two-timer nito noon. Bukod pa sa bukas sa publiko ang social at personal life nito. Naibabalita sa TV at diyaryo kung sino ang latest prospect nito.

Bata pa siya ay nagtatrabaho na ang Tita Eva niya sa kompanya nina Riley, hanggang sa tumaas ang posisyon nito. Ilang beses na siyang naisama nito sa mga gatherings ng mga Agustin. At hindi iilang beses na nakadaupang- palad niya si Riley. And in her eyes, he really looked like a ladies' man.

Alam na alam din niya na hindi lamang basta executive secretary ang trabaho ng Tita Eva niya at ni Mimi pagdating kay Riley kundi nagiging personal assistant pa ang mga ito ng lalaking iyon. Pati bulaklak at regalong ipapadala sa mga babae nito ay ang tita pa niya o si Mimi ang gumagawa.

Kaya paano siya mapapapayag na magtrabaho sa isang katulad nito na kaparehung-kapareho ng kanyang ama na hanggang ngayon ay papalit-palit pa rin ng girlfriends? Muli siyang napainom ng lemon iced tea.

"Drew, please...?" narinig pa niyang pakiusap ni Tita Eva.

Mabibilang lamang sa mga daliri ang mga pagkakataong humingi ito ng pabor sa kanya kaya ganoon na lamang ang hirap niya na paulit-ulit itong tanggihan.

"Tita, how can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa at hindi magagawang makuha ang respeto ko?" nahihirapang wika niya.

Nakita niyang tila nasaktan ito sa sinabi niya.

"I'm speaking for myself," agad na dagdag niya. "At alam na alam n'yo naman ang tingin ko kay Riley. Wala siyang ipinagkaiba sa daddy—"

"Drew, Riley isn't like your dad. Hindi rin siya katulad ni Albert. Ako mismo ang nagsasabi niyan sa iyo. Karamihan sa mga write-ups tungkol sa kanya ay hindi totoo. Hindi iyon ang personalidad niya."

Bahagya siyang natigilan nang mabanggit ng tita niya ang kanyang naging first and only boyfriend na si Albert. Tatlong taon ang itinagal ng relasyon nila. Isa ito sa mga abogado sa law firm kung saan siya nagtrabaho. Ipinagpalit siya nito sa kapwa abogado rin nitong si Katrina. She found out they had been sleeping together behind her back for almost a year. Isa iyon sa mabibigat na dahilan kung bakit nag-resign siya sa trabaho.

Pinalis niya iyon sa isipan. "And those women? Don't tell me hindi totoong palikero ang Riley na iyon?"aniya sa tiyahin.

"Well... I would say he's a little naughty. But he's not married and not even committed to any woman,"

"And that gives him an excuse to play with those women's emotions?" nanlalaki ang mga matang bulalas niya.

Sa una pa lang ay batid na nitong hindi maganda ang tingin niya kay Riley.

"Ang mga babaeng tinutukoy mo, Drew, ay iyon mismo ang hinahanap," pagtatanggol pa rin nito kay Riley. "Akala mo ba, sincere ang intensiyon ng mga iyon sa pakikipaglapit kay Riley? Of course not. All they want are to be seen with one of the richest and hottest bachelors in town. It's not like Riley's playing with their emotions."

"I can't believe this," naiiling na wika niya at muling napaupo sa mahabang sofa. "Ipinagtatanggol ninyo ang pagiging babaero ng lalaking iyon?"

"Ang gusto ko lang namang sabihin, you have to know Riley. When you get to know him, you'll find out he's not that bad after all," mahinahong wika nito.

"Tita, the problem is I don't want to know him. I'm sorry. Tama na isang ang katulad ni Daddy sa buhay ko. I don't want to say 'no' to you. Please understand this is hard for me. But I really don't want to work for the likes of that man. I don't even want to be near him."

Kung kaya nga lamang ba niyang magtrabaho sa isang katulad ni Riley ay ginawa na niya. Pero si RileyAgustin ang pinag-uusapan dito. Ang lalaking ni hindi niya magawang ngitian sa bawat pagkikita nila dahil wala siyang ibang naiisip kundi ang mga babaeng niloko at pinaiyak na nito. Sa tuwina ay civil lamang siya rito.

Pagkatapos, makakasama at makikita pa niya ito araw-araw kung sakali? Masasaksihan niya ang mga kalokohan nito sa babae? Mahirap iyon.

"Tita, you know I love you and I'll do anything for you but I'm really sorry. I really, really can't do it. I can't even stand to be in the same room with Riley Agustin. He is the exact man I have been avoiding all my life."

Bumuntong-hininga ito pagkatapos ng litanya niyang iyon. Naroon ang resignation sa mukha nito. Sa wakas ay natanggap nitong hindi talaga siya mapapapayag nito.

"Imposibleng walang mabunot na empleyado para maging secretary niya at saka..." Napahinto siya nang makita ang pananahimik ni Tita Eva. "Oh, please, Tita, don't get mad at me," aniya, sabay lapit sa single sofa na kinauupuan nito.

"I'm not mad at you, Drew," nakangiting wika nito. "I understand, really."

Napangiti siya. "Oh, thanks, Tita. Tell me kung paano ako makakabawi at gagawin ko."

"You don't have to."

Nakahinga siya nang maluwag ngayong sarado na ang usapang iyon.

"Hindi ko naman puwedeng iwan si Riley na walang maaasahang mapagkakatiwalaan. But the wedding is just two weeks away," namomroblemang wika nito. "Well, I guess, I would have to postpone the wedding. Maybe in a month ay makakahanap na rin ako ng papalit sa akin. I would just have to talk to Phil."

"W-what? Three days na lang ay darating na si Tito Phil. You can't postpone an important event in your life just like that, Tita Eva," hindi makapaniwalang bulalas niya.

"But I have to do it, Drew," anito sa kanya. "I owe so much to Riley's family. I can't let them down. Maiintindihan naman siguro ni Phil ang gagawin ko. I don't have a choice..."

Tulalang napatitig na lamang siya rito nang matiyak na seryoso nga ito na ipo-postpone nito ang kasal para lamang makahanap ng executive secretary para kay Riley Agustin.

I can't believe this! This is not happening! Dahil doon ay natungga niya ang natitirang iced tea sa hawak na baso.

 I'm Addicted to Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon