Chapter 3

88 3 0
                                    

NAKANGITING tumayo si Drew nang tawagin ng emcee ang pangalan niya upang umawit para sa mga bagong kasal. Hiniling kasi ng Tita Eva niya na umawit siya sa reception ng kasal nito at kantahin niya ang paboritong awitin nito. Nagpaunlak naman siya dahil kabisado niya ang awiting iyon.

Siya ang tumayong maid of honor ng tita niya at ang nag-iisang anak ni Tito Phil na may asawa na ang tumayong best man. Umuwi rin para sa okasyong iyon ang mommy niya kasama sina Tito Edgar at Rupert. Nang makarating siya sa stage kung saan naroroon ang banda ay nagulat siya nang i-announce ng emcee na duet iyon. Hindi niya alam kung naitago ba niya ang labis na pagkabigla nang tawagin ang pangalan ni Riley bilang makaka-duet niya. Napatingin siya kay Tita Eva. Hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa nakangiting lalaking palapit na sa stage.

Sa Tagaytay Highlands ginanap ang garden wedding na iyon. Doon na rin ginanap ang reception. Sinagot ng pamilya Agustin ang venue dahil miyembro ang mga ito sa Highlands.

Isang ngiti ang isinalubong sa kanya ni Riley nang makaakyat na ito sa stage. Gusto man niya itong simangutan ay hindi niya maaaring gawin iyon. Bukod sa bisita ito ng tita niya at maraming tao roon ay ito pa ang future boss niya. Sa Lunes ay official first day niya bilang executive secretary nito.

Hindi rin niya natiis ang kanyang Tita Eva. Hindi niya gustong ma-postpone ang kasal nito at ni Tito Phil dahil lamang sa wala pang sekretarya ang lalaking ngayon ay nasa tabi niya. Alam niyang seryoso ang tita niya na ipo-postpone ang nakatakdang kasal nito kung hindi siya pumayag.

Kaya kahit ayaw niya ay napilitan pa rin siyang pagbigyan ang kahilingan nito. At worth it naman iyon sa nakikita niyang kaligayahan sa mukha nito. Matagal na panahon nang kinalimutan nito ang sarili para sa mga kapatid nito. Karapatan naman nitong lumigaya nang lubos. At kaya niyang magsakripisyo nang isang taon para lamang mabigyan ng katuparan ang nakatakdang kasal nito.

"Well, I won't do this if not for my very special Tita Eva. I know the song Drew is going to sing so I told myself why not sing with her. So, I'm here," narinig niyang pahayag ni Riley habang nakaharap sa mga bisita. "That is if it's okay with you, Drew?" Nakangiti ito nang balingan siya.

Mabuti na lamang at agad na nagawa niyang ngumiti rito. Malakas na malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Kung bakit ay hindi niya rin alam. Hindi niya maitatangging may dahilan ang mga babae upang agad na mag-swoon dito. Bukod sa guwapo ito ay malakas pa ang karisma nito. Hindi katulad ng ibang mga CEO's na karaniwan na ay seryoso at kunot ang noo, palagi itong nakangiti at pleasant sa mga tao.

Hmp! At ginagamit naman niya iyon para makapambola at makapanloko ng mga babae, singit ng isang bahagi ng isip niya.

"I'm no singer so you have to bear with me," wika pa nito sa microphone. "And I am glad beautiful Mary Drew is here to accompany me," dugtong pa nito, saka bumaling sa kanya.

Hindi niya akalaing natatandaan nito ang buong pangalan niya.

Narinig niyang nagtawanan naman ang mga naroroon sa sinabi ng binata. Kamuntik pa siyang mapaigtad nang walang babalang idampi nito ang kamay nito sa likod niya. Tila may kung anong kuryente na agad kumalat sa bawat himaymay ng katawan niya.

Hindi niya mapaniwalaan kung bakit ganoon na lamang ang epekto sa kanya ng simpleng paghawak nito sa likod niya. At bakit ba naman kasi kailangan pang gawin iyon ng lalaking ito?

"To our dear Tita Eva, we will miss you in the office. And I, especially, will surely miss you. I will miss your lectures and sermons too," patuloy ni Riley.

Muli ay umani ito ng tawanan sa mga taong naroon. Nakikita niyang enjoy na enjoy ang mga iyon sa tila pagpapakuwela ng CEO ng Agustin Group of Companies.

"I wish you the best, Tita Eva. And in behalf of my family, we would like to thank you for your devotion and great concern not just for the company but most especially for our family. And you know we will always love you. We can sleep at night in peace because we know you're in good hands. Tito Phil, take care of our Tita Eva," pagtatapos nito.

Napaluha ang Tita Eva niya. Niyakap ito ni Tito Phil. Sa kabila ng disgusto niya kay Riley ay na-touch siya sa mensahe nitong iyon sa tita niya. Dama niya ang sincere concern nito sa tiyahin.

Pero kahit ano pang ganda ng message niya, babaero pa rin 'yan, Drew, katulad ng iyong ama, piping paalala niya sa sarili.

Pagkatapos niyon ay nagsimulang tumugtog ang banda. Nginitian siya ni Riley bago pa ito maunang kumanta. At ewan ba niya kung bakit tila saglit na huminto sa pagtibok ang puso niya nang ngitian siya nito.

"Lookin' in your eyes I see a paradise... This world that I found is too good to be true... Standing here beside you... Want so much to give you... This love in my heart that I'm feeling for you..."

 I'm Addicted to Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon