Kamuntik pa siyang mahuli sa pagkanta nang ma-realize niyang maganda ang boses nito.
"They say we're crazy... I don't care about that... Put your hand in my hand... Baby, don't ever look back..... Let the world around us just fall apart... Baby, we can make it if we're heart to heart..."
Pagdating sa chorus ay sabay na silang kumanta. Maya't maya ay humaharap ito sa kanya habang kumakanta kaya muntik-muntikan na niyang makalimutan ang lyrics na para sa kanya.
Kailan ka pa nagkaganyan sa lalaking yan, ha, Drew? kastigo niya sa sarili habang kumakanta.
"And we can build this dream together... Standing strong forever... Nothing's gonna stop us now... And if this world runs out of lovers... We'll still have each other... Nothing's gonna stop us... Nothing's gonna stop us... now... Oh-oh..."
Nang matapos ang pag-awit nila ay malakas na palakpakan ang ibinigay sa kanila ng mga tao. Nang hawakan ni Riley ang kamay niya upang alalayan siya sa pagbaba mula sa stage ay wala sa loob na mabilis na naiiwas niya ang kamay.
Nakakunot ang noong napatingin ito sa kanya. Siya man ay hindi malaman kung paano ipaliliwanag ang naging reaksiyon niya. Mabuti na lamang at nagsimula nang muling tumugtog ang banda at inimbitahan ang mga bisita upang sumayaw. Nilapitan na rin sila nina Tita Eva at Tito Phil upang batiin.
Pagkatapos ay nagkahiwalay na sila ni Riley. Laking pasasalamat niya dahil hindi na ito nagkaroon pa ng pagkakataong tanungin siya kung bakit ganoon ang naging reaksiyon niya dahil hindi rin niya alam kung paano sasagutin iyon.
Nang mga sumunod na sandali ay pinilit na niyang huwag silang magkasalubong ni Riley. Ni ang tumingin sa gawi nito ay hindi niya ginawa. Nagsisimula na siyang muling ma-relax habang iniinom ang paborito niyang lemon iced tea nang lapitan siya nito.
"May I have this dance?" tanong nito sa kanya kasabay ng paglalahad nito ng kamay sa kanya.
Bumaba ang tingin niya sa nakalahad na kamay nito, Hindi niya namalayang napatagal pala ang pagkakatitig niya sa kamay nito dahil yumukod ito at nagsalita malapit sa kanyang tainga.
"I hope hindi mo naman ipapahiya ang boss mo," bulong nito sa kanya.
Wala na siyang nagawa kundi ibigay ang kamay niya rito at hayaan itong igiya siya sa dance floor. May mga nagsasayaw na roon. Inilagay nito ang kanang kamay niya sa balikat nito habang pumaikot naman sa baywang niya ang isang braso nito. Magkahawak ang malayang mga kamay nila.
Ilang sandaling nagsayaw lamang sila. Ilang na ilang siya. Gusto na niyang matapos ang kanta upang matigil na ang pagsasayaw nila.
"I think we'll make a good team," wika nito habang nakatingin sa kanya.
Hindi siya kumibo. Napatingin lamang siya rito. "Nasimulan na natin iyon sa pagdu-duet kanina," patuloy nito habang nakapagkit ang matamis na ngiti sa mga labi nito. "I believe we will be good together."
Nanlaki ang mga matang napatitig siya rito.
mean, we will be good working together," nakangiting pagtatama nito. "Don't you think so?" "Well, pagdating sa trabaho ay pipilitin kong wala
kayong masabi, Mr. Agustin. I will try to live up to Tita
Eva's and your expectation," tanging nasabi niya. "That's good to hear. But you can drop the 'Mr. Agustin,' Drew."
"Sorry, Sir."
""Sir' naman ngayon," ngingiti-ngiting sabi nito.
"You're my boss now."
"But we're not inside the office," agad na sabi nito. "You can always call me 'Riley,' dahil ganoon lang ang tawag sa akin ni Tita Eva."
"But not Mimi."
"You're considered a family friend. Besides, it's not like we haven't known each other for years now. If I remember it correctly, I've known you since you were just fifteen, right? Isinama ka noon ni Tita Eva sa birthday party ni Mama."
Saglit na natigilan siya nang marinig ang sinabing iyon ni Riley. Natatandaan niya ang unang pagkakataong nakita at nakilala niya ito. At sa birthday party nga iyon ng mama nito. Graduating na ito noon sa kolehiyo. Hindi siya makapaniwalang natatandaan din nito iyon. Alam niyang apat na taon ang tanda nito sa kanya. She was twenty-eight now and Riley was thirty-two.
Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay tinubuan ng paghanga ang puso niya para sa isang lalaki. Noong unang makita niya ito ay agad na nagka-crush siya rito. Ngunit nang araw ding iyon ay pinilit niyang patayin ang paghangang iyon pagkatapos niyang malaman na isa itong manloloko at salawahan.
"Oh, how can I forget," kunwa'y napangiting wika niya. "Yeah, I was fifteen then. Isinama ako ni Tita Eva sa party sa bahay ninyo. That's when I met you, you and your two girlfriends. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon dahil nasaksihan ko kung paanong magsabunutan ang dalawang babae dahil sa iyo sa mismong party pa ng mama mo."
Sa halip na mapahiya o mailang man lang sa kanya ay lumuwang pa ang pagkakangisi nito. Mukhang hindi man lang ito naapektuhan at natuwa pa yata ito na naaalala pa rin niya ang pangyayaring iyon.
Nang ipakilala siya ni Tita Eva rito ay nginitian siya nito nang matamis na pakiramdam niya noon ay siya lamang ang pinagkalooban nito ng ganoon. Nakita niya sa mukha nito na nagandahan ito sa kanya at talaga namang kilig na kilig siya.
"Hindi ko alam na may itinatago palang napakagandang pamangkin si Tita Eva," anito sa kanya pagkatapos kunin ang kamay niya at dampian iyon ng halik.
Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa na sa unang pagkakataon ay natagpuan na ang prinsipeng nakatakda para sa kanya. Ngunit nawala ang ngiti sa mga labi niya nang may lumapit ditong magandang babae. Nag-excuse sa kanila si Riley dahil niyaya na ito ng babae.
Sinundan niya ng tingin ang mga ito. Hindi niya alintana kahit magkandangawit at magkandahaba ang leeg niya sa pagsunod ng tingin sa mga ito. Inggit na inggit siya sa babaeng iyon na nakaangkla sa braso ni Riley.
Ngunit ilang sandali pa ay may lumapit sa mga ito na isa pang babae. Tulad ng babaeng kasama kanina ni Riley ay maganda at sopistikada rin iyon. Galit na galit ang bagong dating na babae. Pasimpleng lumakad siya malapit sa puwesto ng mga ito kaya narinig niya ang usapan ng mga ito.
Napag-alaman niyang girlfriend din pala ni Riley ang pangalawang babae. Kitang-kita niya ang pagkataranta ng binata habang pilit na pina-pacify ang dalawang babae. Hanggang sa papiliin ng mga ito si Riley kung sino ang pipiliin sa dalawa. Ngunit bago pa man makasagot ang salawahang binata ay nagsabunutan na ang dalawang babae at doon na natuon ang pansin ng mga bisita.
BINABASA MO ANG
I'm Addicted to Your Love
Romance|Complete| CEO × Secretary Mary Drew Antonio "How can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa? Sa isang taong mapaglaro sa damdamin ng mga babae at napakapalikero?" Iyon ang sentimyento ni Drew ngunit napilitan pa rin siyang magtrabaho bilan...