Noon din ay ibinaon niya sa pinakatagong bahagi ng kanyang puso ang paghangang naramdaman niya para kay Riley dahil napagtanto niyang katulad din ito ng daddy niya na babaero.
"I can see your memory is very sharp," wika ni Riley, "You need that in your line of work."
"So, tell me, Sir, ano ba ang nangyari sa dalawang girlfriends n'yo noon pagkatapos ng pagsasabunutan nila?" tanong niya rito.
"Well... they both dumped me," anito.
"Serves you right," bulong niya.
"Come again?" anito.
"H-ha? Ahm, wala, Sir. Ang sabi ko, it's a good thing na naisip nilang walang patutunguhan ang pakikipagrelasyon nila sa isang two-timer," diretsong wika niya. Magiging boss niya ito sa loob ng isang taon. Dapat ay mangimi siya sa bawat sasabihin dito. Ngunit hindi niya alam kung bakit hindi niya napigilan ang sariling sabihin iyon.
Ngunit sa halip na mapahiya o mainis sa kanya ay tumawa pa ito. "Aside from your memory, I didn't know you possess a sharp tongue as well. I like that."
Isang sarkastikong ngiti ang ibinigay niya rito, pagkatapos ay hindi na siya muli pang kumibo.
"Why do I have a feeling you don't like me?"
"I didn't know I was that obvious," tugon niyang hindi na nagkaila pa.
"You will be working for me, Drew. Araw-araw ay magkikita at magkakasama tayo. Hindi ba dapat ay makasundo mo ang boss mo?" anito. He seemed not in the least offended by her remarks, much to her dismay.
"The truth is, I don't want to work for you, Mr. Agustin," diretsa nang pag-amin niya rito. "I'm only doing this for Tita Eva. I just want that clear. Pero hindi mo kailangang mag-alala because I am efficient. At pipilitin kong hindi makaapekto sa trabaho ko ang kung anumang tingin ko sa iyo."
"At ano ba ang tingin mo sa akin?" nakangiti pa ring tanong nito.
"Hindi na importante iyon," aniya. Huminto na rin ang musika kaya nagkaroon siya ng dahilan upang bumitaw na rito.
"Riley," wika nito bago siya humiwalay rito. Kumunot ang noo niya. "Huh?"
"Call me 'Riley.' Not 'Mr. Agustin' or 'Sir.' That's my first order as your boss." Iyon lang at tumalikod na ito. Tinungo nito ang mesa nito.
Tinungo na rin niya ang mesa niya. Nang makaupo ay saka pa lamang niya natantong nanginginig ang mga tuhod niya. Hindi pa man siya nagsisimula sa trabaho ay mukhang nagkabanggaan na sila ng boss niya.
Oh, God, kaya ko bang tiisin at panindigan ang isang taon?
NATUKLASAN ni Drew na nakakapagod din palang maging sekretarya ng isang CEO, lalo pa't kung ang CEO na iyon ay si Riley Agustin na hindi lamang hectic ang schedule sa trabaho kundi maging ang social life nito. Marami itong meetings pagkatapos ng office hours. At kadalasan ay gusto nitong naroon at kasama nito ang sekretarya nito kaya pagod na pagod siya.
Wala naman siyang natatandaang pati sa bar ay isinasama nito ang Tita Eva niya. May kutob siyang sinusubukan ni Riley ang pasensiya niya.
Ngunit kung inaakala nitong magrereklamo siya ay nagkakamali ito. Sinusunod lamang niya ang bawat ipagawa nito sa kanya. Araw-araw ay may kailangan siyang padalhan ng bulaklak. At bawat araw ay iba-ibang pangalan ng babae ang ibinibigay nito sa kanya.
Magdadalawang buwan pa lamang siya sa trabaho ngunit pakiramdam niya ay katumbas na iyon ng sampung taon. Kahit sa gitna ng gabi at nasa bahay na siya, maraming pagkakataong tatawagan siya ni Riley para lang magtanong ng isang bagay na wala namang kinalaman sa trabaho niya.
"I just called up to ask you if you've seen the latest sequel of Rambo? I enjoyed the prequels but not the latest addition to the sequel? I don't know I found it... lacking. What do you think, Drew?"
"You called me up at this hour just to ask me about Stallone's latest film?" hindi makapaniwalang bulalas niya habang inaantok pa rin.
"Well... yeah."
Sinipat niya ang alarm clock na nasa ibabaw ng bedside table. It was three o'clock in the morning!
"My God! Riley, it's three in the morning and you're still awake watching a movie?"
"I can't sleep."
"Kaya nang-iistorbo ka ngayon, gano'n ba?"
"I just want to know kung ano'ng tingin mo sa bagong pelikula ni Stallone."
"First of all, hindi ko pa napapanood ang Rambo na 'yan. Second, I'm not a fan of Stallone. And third, kung gusto mong humingi ng opinyon tungkol diyan, iba na lang ang istorbuhin mo. Sa dinami-rami ng mga kaibigan mong babae, I'm sure maraming makikipag- usap sa iyo kahit magdamagan. Goodnight, Riley." Iyon lang at agad na niyang pinindot ang End call button ng cell phone niya.
Isa lamang iyon sa mga insidenteng tinawagan siya ni Riley para sa isang walang kakuwenta-kuwentang bagay.
"Kung ikaw ang makakatanggap ng bulaklak, which would you prefer, white roses or red roses?" tanong nito sa kanya nang lumabas ito mula sa private office nito at walang paalam na naupo sa mesa niya habang abala siya sa ine-encode.
"Does it matter?" aniyang hindi tumitingin dito. Nanatiling nakatuon ang tingin niya sa monitor ng computer.
"You're a woman. And I'll sending flowers to a woman. That's why I'm asking your opinion."
"Neither," aniya para huwag nang humaba pa ang usapan. Alam na alam naman nito ang disgusto niya rito ngunit patuloy pa rin ito sa tila pakikipag-kaibigan sa kanya sa kabila ng aloofness na ipinapakita niya rito.
"Oh? Why is that?" tanong nito.
"I like pink roses," aniya.
"Oh, really?" tatangu-tangong sabi pa nito. Muling pumasok na ito sa silid nito. Tila hindi makokompleto ang araw nito nang hindi siya nito tipong iniinis at pinipilit na ubusin ang pasensiya niya.
Nang makapasok na ito sa opisina nito ay saka pa lamang siya huminto sa pag-e-encode. Unti-unti nang bumalik sa normal ang tibok ng kanyang puso. Kung bakit palaging nawawala sa normal na bilis ang tibok niyon ay hindi niya alam.
BINABASA MO ANG
I'm Addicted to Your Love
Romance|Complete| CEO × Secretary Mary Drew Antonio "How can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa? Sa isang taong mapaglaro sa damdamin ng mga babae at napakapalikero?" Iyon ang sentimyento ni Drew ngunit napilitan pa rin siyang magtrabaho bilan...