Halos dalawang buwan na siyang nagtatrabaho para kay Riley at hanggang nang mga sandaling iyon ay pinipilit pa rin niyang panatilihin ang pagiging aloof niya rito. Pilit na nakikipaglapit at nakikipagkaibigan ito sa kanya ngunit civil lang ang ginagawa niyang pakikitungo rito.
Hindi niya ito gusto kaya ginagawa niya iyon. Hindi ang pamamahala nito sa kompanya o pagiging boss nito ang inaayawan niya rito dahil wala siyang maipipintas pagdating sa dedikasyon nito sa trabaho. And he was a good boss. Nakikita niyang satisfied ang mga empleyado sa pamamalakad nito sa kompanya lalung-lalo na sa magandang pagtrato nito sa lahat ng empleyado. May pagkakataon pa ngang huminto ito upang saglit na makipag-usap sa janitor na si Mang Renato. Kinumusta nito ang anak ni Mang Renato na na-confine sa ospital. Later on, she found out that he paid the hospital bills of Mang Renato's son. Hanga siya sa bahaging iyon ng pagkatao ni Riley.
Ang inaayawan niya rito ay ang pagiging ladies' man nito at pag-astang akala nito, lahat ng babae ay magkukumahog na mapalapit dito.
Nasa ganoong pag-iisip siya nang tumunog ang telepono. Agad na iniangat niya ang receiver at magalang na sinagot ang caller.
"Alicia?" paglilinaw niya sa pangalang ibinigay ng babaeng caller. Ang Alicia na tumatawag ay walang kinalaman sa kompanya. Isa lang naman ito sa mga babaeng tumatawag at hinahanap si Riley.
"Yes, Alicia. Please tell Riley I would like to talk to him. Hindi kasi siya sumasagot sa cell phone niya."
Hindi ba nakakahalata ang babaeng ito na kung hindi sinasagot ni Riley ang tawag nito sa cell phone ay malamang na ayaw itong kausapin ng binata? Hay, napakarami talagang tangang babaeng nahuhu-maling sa playboy kong boss.
"Okay, please, wait a sec, Ma'am. I'll just check on Mr. Agustin if he's available." Tinakpan niya ang mouthpiece ng telepono at pinindot ang intercom.
"Yes, Drew?" ani Riley mula sa loob ng opisina nito. "Riley, a certain Alicia wants to talk to you." aniya.
"Please tell her I'm not available and that I'm busy and shouldn't be disturbed."
"Okay," aniya. Ginawa pa akong mensahero sa mga babae niya, sa loob-loob niya.
"Hello, Ma'am, Mr. Agustin is busy at the moment. He doesn't want to be disturbed," aniya kay Alicia.
"Who is this? Are you his secretary?"
"Yes, Ma'am. This is Drew."
"Drew, can you please ask him if he could come to my unit tonight?"
Isa pang pasaway, aniya sa isip. "But-"
"Please, please..." pakiusap ng babae.
Bumuntong-hininga siya. "Okay, I'll try." Muli niyang pinindot ang intercom. "Alicia wanted to know if you could come to her unit tonight, Riley," diretso nang sabi niya.
"No," sagot naman ng binata. "Tell her I will be busy for the whole week. No, make that for the whole month."
"Bakit ba kasi hindi mo pa diretsuhin 'yong pobre na nagsawa ka na sa kanya at tapos na ang lahat sa inyo? Para hindi na umasa pa at tatawag-tawag dito, tapos ay iiwasan mo naman," hindi na napigilang kastigo niya rito.
"I don't want to hurt her feelings, Drew," anito na ikinasalubong ng mga kilay niya.
"At sa palagay mo ba ay hindi mo pa ginagawa iyon ngayon?" hirit pa niya. Wala siyang pakialam kung sesantehin man siya nito o anuman. Basta gusto niyang sabihin dito ang nasa isip niya.
"Besides, we only dated twice. At matagal-tagal na iyon. She'll realize it's over if I keep ignoring her calls."
Naiinis na binalikan uli niya si Alicia. Kung bakit kasi nagkakagusto pa ang mga tulad nito sa katulad ni Riley gayong wala namang respeto o pakundangan sa mararamdaman ng mga babae para dito.
"Riley said he can't come tonight or any night for that matter."
"He said that?"
"Look, I know this is not my business at all but... c'mon, forget the guy. Marami pang matitinong lalaking natitira diyan. Don't waste your time on him. He's not worth it. He doesn't know a thing about respecting a woman. All he ever wants is to have fun, play around with his flavor of the month. And when he's done with her, that's it. Good-bye. Adios. See you when I see you- " Bago pa man niya matapos ang mahabang litanya ay busy tone na lamang ang narinig niya mula sa kabilang linya.
"That was quite a speech, Drew."
Sa labis na pagkagulat ay napaigtad siya sa kinauupuan nang marinig ang boses ni Riley. Saka pa lamang niya natantong hindi pala niya napatay ang ntercom at nanatiling naka-on iyon kaya narinig nito ang lahat ng mga sinabi niya kay Alicia.
You're so careless, Drew! kastigo niya sa sarili. "I have to thank you though," dugtong nito nang wala itong marinig na reaksiyon mula sa kanya. "Dahil sa mga sinabi mo, I'm sure hindi na ako tatawagan o iistorbuhin ni Alicia. I owe you one, Drew. Kayang-kaya mo naman palang i-handle ang mga ganoong problema, eh. Nice, Drew," sabi pa nito bago pinatay ang intercom.
Natitiyak niyang pinagtatawanan siya nito hanggang nang mga sandaling iyon. At hindi niya maintindihan iyon. Sa halip na magalit at sitahin siya ay ikinatuwa pa nito ang mga sinabi niya tungkol dito gayong pawang pang- iinsulto ang mga salitang binitiwan niya.
Timang talaga, naiinis na wika niya sa isip.
BINABASA MO ANG
I'm Addicted to Your Love
Romans|Complete| CEO × Secretary Mary Drew Antonio "How can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa? Sa isang taong mapaglaro sa damdamin ng mga babae at napakapalikero?" Iyon ang sentimyento ni Drew ngunit napilitan pa rin siyang magtrabaho bilan...