PAGKATAPOS alisin ang pagkakapindot sa button ng intercom ay isinandal ni Riley ang katawan sa kinauupuang swivel chair. Hindi maalis-alis ang ngiti sa kanyang mga labi. At iisang tao lamang ang nagdulot ng ngiting iyon. It was none other than Mary Drew Antonio.
Gusto niyang tumawa nang malakas nang marinig niya ang ipinayo nito kay Alicia patungkol sa kanya. Halatang-halata ang malaking disgusto nito sa kanya. Iyon din ang dahilan kaya mahigit isang buwan na itong nagtatrabaho sa kanya ay aloof pa rin ito. Iyon ay sa kabila ng katotohanang matagal na silang magkakilala dahil hindi naman na iba sa kanila ang pamilya ni Tita Eva.
Sa bawat okasyong nagkikita sila ni Drew ay halata niya ang tila pagtalim ng tingin nito kapag aksidenteng magkakatinginan sila. May pagkakataon pa ngang pakiramdam niya ay inirapan siya nito noon. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang pakikitungo nito sa kanya. Para bang may nagawa siyang malaking kasalanan dito. Kung ano iyon ay wala siyang kahit anong ideya.
Nang muling sumalit sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Drew tungkol sa kanya ay unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi pa rin niya maitatangging tila nakaramdam din siya ng sakit sa dibdib dulot ng kaalamang mababa pala ang tingin nito sa kanya.
Hindi rin naman niya maipaliwanag kung bakit tila naapektuhan siya ng mga salitang iyon ng dalaga. Bigla siyang napaisip. Para bang pagkatapos niyang maanalisa ang mga narinig ay napagtanto niyang hindi niya gustong ganoon ang tingin nito sa kanya. Na gusto niyang baguhin ang pangit na tingin nito sa kanya.
Normally, he didn't care a bit about what other people would think about him. Ang katwiran niya ay hindi niya obligasyong ipaliwanag ang sarili sa ibang tao. But now, he wanted to explain and depend himself to Drew. He wanted to show her and prove to her he wasn't as bad as she thought of him.
Kung bakit gusto niyang gawin iyon ay hindi rin niya alam.
PAGKATAPOS ng meeting ni Riley sa mga tauhan nito para sa gagawing project sa property na na-acquire ng kompanya sa Tagaytay ay nagpasya itong bisitahin nila ang property na iyon. Dala ang kotse nito ay kasama nito si Drew na bumiyahe patungo sa Tagaytay.
Pagkatapos ng insidente na narinig nito ang sinabi niyang hindi maganda ukol dito ay lalo pa niyang pinagbuti ang pagpapakita rito na hanggang trabaho lang ang koneksiyon nilang dalawa. Na hindi siya tulad nina Tita Eva at Mimi na makukuha nito ang loob.
"Why did you say I don't respect women?" biglang tanong nito sa kanya.
"Ha?" wala sa loob na naibulalas niya. Hindi niya iyon inaasahan dahil lumipas ang halos isang oras na hindi sila nagkikibuan. Mahinang music lamang mula sa CD na isinalang nito ang tanging naririnig nila sa loob ng sasakyan.
"Bakit mo nasabi na wala akong respeto sa babae?" ulit nito.
Hindi makapaniwalang napatingin siya rito habang diretso ang tingin nito sa daan. Hindi siya agad nakakibo.
"C'mon, hindi ako magagalit kung anuman ang sabihin mo. I've already accepted the fact that nobody could stop you from speaking your mind so..." anito sa kanya.
"Believe me, you don't want to hear it," mahinang sabi niya.
"Oh, but I do. I really do."
Hindi niya alam kung sasagutin o hahayaan na lamang ang tanong na iyon nito.
"Well?" anito.
Saglit na napapikit siya nang mariin bago muling nagmulat at inayos niya ang pagkakaupo upang mapaharap dito. "You really want to know?"
"Yes," walang gatol na sagot nito.
"All right." Humugot muna siya ng malalim na hininga. "It's because you don't know how to treat women properly," simula niya.
"But-"
"I didn't mean all those fancy dinners and expensive gifts because you're good at that," agad na wika niya upang mapigilan ito sa pagsasalita. "I mean, you play with their feelings. When you're done with them, basta mo na lang sila ibinabasura. I mean, alam kong dalawang buwan pa lang akong nagtatrabaho sa iyo pero iba-ibang babae na ang tumatawag sa iyo at pinapadalhan mo ng mga bulaklak at regalo. Pagkatapos ay ano? Pag sawa ka na, good-bye na. Walang dahilan o kahit anong explanation. I don't get it. You don't have the right to do that. Guwapo ka nga siguro pero hello? Hindi lang ikaw ang guwapo rito sa mundo, na mayaman pa, matikas ang katawan, at magaling magsalita. At saka-" Napahinto siya nang makitang maluwang ang pagkakangiti ni Riley habang palipat-lipat ang tingin nito sa daan at sa kanya. "What's funny?" nakasimangot na tanong niya rito.
"Wala naman. Kasasabi mo lang kasi na guwapo ako at matikas ang katawan. A compliment coming from you, Drew?"
Napahalukipkip na tumuwid siya sa pagkakaupo at idiniretso ang tingin sa daan. "There's no sense in talking to you," aniya.
Tumawa ito nang mahina. "I can see na nakapag- conclude ka na kung ano nga ba akong klase ng tao. Kahit anong paliwanag pa ang gawin ko ay mananatili na ang mababang tingin mo sa akin. Hindi ko pa man naipagtatanggol ang sarili ko ay natanggap ko na agad ang verdict mo, na guilty ako."
"Mabuti alam mo," mahinang wika niya.
Hindi na ito muli pang nagsalita. Hindi na rin siya kumibo pa. Pagdating nila sa Tagaytay kung saan naroon ang property na ngayon ay pag-aari na ng Agustin Group of Companies ay namangha siya sa laki at luwang niyon. At maganda ang lokasyon ng naturang lugar. Naka- elevate iyon kaya kitang-kita ang magandang tanawin.
BINABASA MO ANG
I'm Addicted to Your Love
Romance|Complete| CEO × Secretary Mary Drew Antonio "How can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa? Sa isang taong mapaglaro sa damdamin ng mga babae at napakapalikero?" Iyon ang sentimyento ni Drew ngunit napilitan pa rin siyang magtrabaho bilan...