Kabanata 12

2.5K 171 129
                                    

KABANATA 12

Napakapit sa upuan ng kotse si Sandra. Lalong lumakas ang buhos ng ulan sa labas. Nanatili ring nakapaling sa kanya si Estefan at hindi pa inumpisahan ang pagmamaneho.

Marahan siyang lumunok at pinaglapat ang mga labi. Pilit niyang pinipigil ang panginginig ng kalamnan.

"Ang tanging salaysay lang ng taong iyon ang hawak namin sa ngayon," pagpapatuloy ni Estefan pagkatapos ng animo'y napakahabang isang minutong katahimikan sa pagitan nila.

"Sandra, kahit na itinanggi ng tauhang wala nang kinalaman ang kampo ng mga Honradez sa kaguluhan noong miting de avance, patuloy ko siyang pasusundan. Susuriing mabuti ng imbestigador ang tauhan at ang binitawang salaysay.

"Kung nagawa na nilang saktan noon si Uriah, kahit gaano kaliit, hindi imposibleng magawa nilang muli iyon para makalikom ng boto. Ang tinitingnang anggulo ngayon ay baka aksidente ang pagtama ng baril, at hindi inaasahang napuruhan si Uriah... kung siya nga ang balak paslangin noong araw na iyon."

Napapikit siya at nahirapang gumalaw ng ilang segundo. To be reminded that Uriah was unjustly murdered would never ever be easy for Sandra.

Tumahimik din si Estefan at ibinigay siguro sa kanya ang oras upang tumanim sa kanyang isipan ang bago at delikadong impormasyon.

Bumuga siya ng hangin. "Estefan, napakabigat na akusasyon iyan. Paano kung nagtuturo lang ng kung sino ang nahuli niyong tao?

"At sinong ama ang hahayaang masaktan ang anak, kahit sabihing maliit lamang iyon? Hindi ko maisip kung paanong makakaya ni Tiyo Manolo na saktan si Uriah kahit pagdaplis lang ng bala!"

She saw how sorrowful Tiyo Manolo was upon his son's death!

Napadilat siya. Estefan shifted his sit. Nakatingin na itong deretso sa harapan ng auto, habang ang isang braso'y nakapatong sa manibela.

"Sigurado ka ba sa imbestigador na kinuha mo, Estefan? Paano kung... kung g-gumagawa lamang iyon ng kuwento? Hinding-hindi ako maniniwalang pababayaan ng mga magulang ni Uriah na masaktan siya!"

Hindi gumalaw si Estefan sa puwesto nito. Subalit nakita niya ang pagkapit na nito sa manibela at mariing pagkuyom ng kamay roon.

Natigilan saglit si Sandra at pilit ibinalik ang hinahon.

Baka kung ano pang gawin sa kanya ni Estefan kung mahalata nitong tila mas pumapanig siya sa mga Honradez...

The plan was for him to always think that she was on his side.

"E-Estefan, ang ibig kong sabihin, hindi diyata't kaparis ng taong nahuli ng imbestigador ng mga Honradez ay nagtuturo lang din ng kung sino-sino ang natagpuang tao ng sarili mong imbestigador?"

"Madali lamang magturo, Sandra, sang-ayon ako. Subalit upang makapagbitiw ng tiyak na mga pangalan sa gitna ng kagipitan, walang maiisip pang makapagsinungaling. Or there's at least a hint of truth in that detailed information.

Bumaling na muli sa kanya si Estefan. Hinanda niya ang sarili kung galit na ito, subalit bumalik lang ulit sa hinahon ang buong dagway nito!

His eyes were looking at her with a mixture of understanding and... pleading. "Sandra, I told you this because you need to be careful around the Honradez."

Napakurap siya. "I-I don't get close to them, Estefan. Batid mo ring galit sila sa 'kin dahil pinili kong mas kumampi sa 'yo. Wala namang pagkakataong makakalapit ako sa kanila. Nasa loob lang din ako ng bahay palagi kung hindi mo 'ko aayaing lumabas katulad ngayon."

Inabot nito ang kanyang kamay na hindi na pala nakakapit sa upuan. Nanatiling nakatingin sa kanya ito, masuyo.

"Kahit na. Kahit pa," bulong nito. "Panlabas lang ang lagi nating makikita sa tao. Hindi ang kanilang iniisip, ni ang tunay na intensyon."

Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon