"Move, I want this seat." tinaasan ako ng kilay ni Amoralia nang sabihan ko noon ang katabi niya.
Nalaman kong Amoralia Denise Levarez ang pangalan niya and she's the current President of the Student Council of this school.
"What do you think you're doing?" tanong nito sa akin.
"I want to sit beside you. Is there a problem with that?" I folded my arms in front of me. She looked away.
"There are plenty of vacant seats. Take one of 'em." she said.
I glared at the girl sitting beside her. Nakuha naman ito sa tingin at mabilis nang tumayo't lumipat sa likurang bahagi ng classroom.
"I don't like what you did." she said.
"I didn't say you should like it." hindi na siya umimik pa, tila nagpipigil. Iyon na ba 'yon? I expected much.
Boring ang naging klaseng iyon. Hindi ko kaklase rito si Prian dahil nalaman kong iba pala ang strand na kinukuha niya. HUMSS ang strand niya samantalang ABM naman ang sa amin ni Amoralia. Mabuti na lang din dahil hindi ko naman talaga gusto ang paraan ng pagtingin sa akin ng pinsan kong iyon. Kung tumingin kasi siya'y parang may gusto siyang agawin sa akin na hindi ko alam.
Nang matapos ang ilang klase'y akmang aalis na si Amoralia para siguro magtanghalian pero mabilis kong itinaas ang paa ko sa upuan sa harapan ko upang harangan ang dadaanan niya. Sinadya ko pa ang paglilis ng palda ng uniform ko para ibalandra sa kaniya ang hita ko.
"Move." malamig ang tinig niya na nakapagpangisi sa akin.
"Paano kung ayaw ko?" I asked.
Hindi siya umimik at umikot sa kabila para doon dumaan. Walang lingon siyang lumabas ng silid. Inis kong ibinaba ang paa ko at lumabas na rin ng classroom. Nakakainis, akala ko ba'y maglalaro kami ng babaeng iyon? Bakit napakailap naman niya?
Napabagal ang paglalakad ko nang makita siyang may kausap na mga babae. Nakakunot ang kaniyang noo at tila hindi nagugustuhan ang kanilang pinag-uusapan. Hindi ba maalam ngumiti ang isang ito? Napakasungit.
Kung pagmamasdan siya'y kitang kitang mas matangkad siya sa akin, mas maputi, at halatang mas respetado ang estado niya sa buhay.
"Ang lala mo namang tumitig." napalingon ako sa tabi ko nang may magsalita. Tinaasan ko siya ng kilay, sino ba siya?
Tumawa siya nang tila nabasa ang iniisip ko.
"I'm Yuei. I'm the current student council Vice President. Bago ka?" tumango naman ako. Hindi ko alam kung pareho kami ng strand nito dahil hindi ko siya nakita sa classroom kanina pero hindi ko rin sigurado kung nasa ibang section lamang siya ng ABM Strand.
"Trip mo ba si Presi?" ngumiwi ako. Trip paglaruan siguro.
"From the looks of it, mukhang hindi naman." tumawa siyang muli. Halatang masaya naman ang tawa niya pero hindi umaabot sa mata ang ngiti niya, napakahinhin niyang tumawa.
"So bakit kinailangan mong lumipat dito e graduating ka na?" sinabayan niya ako sa paglalakad nang magsimula na akong maglakad muli.
"I killed someone, my parents threw me here." I said. Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako't napalingon sa kaniya.
"You're kidding... right?" She tilted her head. I smirked before walking back to her.
"Are you scared, Ms. VP?" I asked, napaatras ang isa niyang paa. Seryoso ba siya?
"I'm kidding." I said with a straight face. Tila bumalik ang kulay ng mukha niya.
"I just sent someone to the ER." I said and turned my back at her and continued walking.
BINABASA MO ANG
Loving Her Was Red (RD #1)
RomanceRed Duology 1: Loving Her Was Red They say an all-girls boarding school is the usual prison for delinquent girls, but Reddiah Puhllie Crinzon took the opportunity to play with President Amoralia Denise Levarez. (GL)