CHAPTER 3

25 10 4
                                    


They say, if someone really loves you, they wouldn't care of how you look.

Some people agree and say, you are to love the heart and not the appearance. That was true, your heart doesn't choose on how they'd look like, but how beautiful and pure their heart is.

But these days? I guess things had changed. You are not to be respected if you look hideous, or unattractive. Hindi na nga nila ako kayang respetuhin at pakisamahan, mahalin pa kaya?

"What are you doing, Isaiah!?"

A loud groan was heard, that made me return to reality. Takot akong minulat ang nakasarado kong mga mata, at nilingon si Luke mula sa likod ni Isaiah.

Ramdam ko ang unti-unting pagkalas ni Isaiah sa akin, at seryosong hinarap si Luke na mukhang naiinis sa kanyang ginawa.

Naguguluhan ako sa mga akto ni Isaiah. Dahil he ain't like this. Palabiro, palatawa ito, at madalang lang magalit. Pero kung tingnan ko ngayon ang nakatagilid niyang mukha, ay parang nag-iba na siya. Na parang, hindi na siya ang kilala kong si Isaiah.

Hindi kami close ni Isa. Schoolmates lamang kami, dahil na sa higher grade level siya. I am in the eighth grade, while he is in the ninth grade. Hindi din naman siya snob, pero pansin kong masungit siya kapag nasa paligid niya ako. Kaya, pilit ko na lamang iniiwas ang aking sarili sa kanya.

But seeing and feeling his presence near me, was so confusing. Dati-rati'y ayaw niyang dumikit man lang sa akin. Pero ngayon ay sobrang lapit na niya, at niyakap pa talaga ako!

"Alam mo ako, Luke," he slowly uttered, and gritted his teeth."Ang ayaw ko sa lahat ay ang may sinasaktang babae."  seryoso nitong sambit at kumpirmado na ngang galit na talaga siya. Galit na galit.

Mabilis na lumapit na man sa kanya si Luke at mahigpit na hinawakan ang kanyang kwelyo. "At alam mo naman, na ayaw kong pinakikielaman ako sa mga ginagawa ko." nag-aalab din sa galit na ani ni Luke sa kanya.

Ngunit kita kong hindi man lang natakot si Isaiah sa kanya, at sarkastiko pa itong ngumisi-ngisi. Na para bang gusto niyang magalit sa kanya si Luke.

"Pero alam mong sa lahat ng babaeng pwede mong saktan, ay bawal si Eli..."

Mabilis na inangat ni Luke ang kanyang nakakuyom na kamay at susuntukin na sana niya ito. Ngunit hindi pa man niya ito nasuntok, ay pinigilan na agad siya ni Isaiah.

"I don't want any trouble. Alam mo yan," he sheepishly smiled despite of the tension. "Kaya wag mo siyang galawin, kung ayaw mong magkagulo tayo." pahabol na sabi ni Isaiah at tsaka mabilis akong hinila papalayo.

Seryoso si Isaiah sa kanyang mga sinabi, at parang may halong pagkairita. Ngunit pagdating sa akin, ay parang ang sweet ng mga sinabi niya. He was dead serious, and nothing was nice about it. While me, I felt like those serious words was showered with lots of sugar and sweets.

Wait, why did I think of that!?

Naramdaman ko ang paghinto namin ni Isaiah. It seems like we had stopped somewhere. Mabilis kong inilingon ang aking mga mata sa buong lugar.

Malinis at puro puno at halaman lamang ang aking nakikita sa lugar. Maaliwalas, at walang bahid ng ingay. Wala ring mga tao, at parang kami lamang ang naroroon.

Nasa garden kami ng school.

Sa lahat ng school grounds, ay ang garden ang pinakamadalang na binibisita ng nga students. Sabi kasi nila boring rito, at walang pwedeng gawin. Wala ring magandang makikita at puro hilamon lamang ang naroroon.

So I wonder, why did Isaiah bring me here?

"This is my favorite place." biglang paliwanag ni Isaiah habang nakatingin sa kawalan. Hawak-hawak parin niya ang aking kamay, kaya medyo nailang ako bigla.

"I love nature," He amusingly uttered as his eyes were still fixated at the sky. "It's so peaceful."

I saw how his eyes slowly closed as the air suddenly passed us. I smiled. He looks peaceful. He looks so happy, like a boy who was given his favorite candy. A smile suddenly appeared on his face. And I may not have noticed, but I did also.

I cannot help it. Sadyang ang kanyang mga ngiti ay nakakahawa. Nakakpaligaya. At nakakapagbigay ng payapa.

"Are you okay now?" Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa akin, kaya nagtagpo ang aming mga tingin.

"O-Oo." Napatungo ako sa hiya dahil baka iba ang kanyang maisip.

Baka maisip niyang gusto ko siyang pagmasdan!

"Mabuti naman." He smiled again, and slowly pulled me.

Napaupo ako bigla dahil roon, at ganoon din naman siya. He crossed his legs and slowly let go of my hand that he has been holding earlier.

We both remained speechless, as we looked and embraced the warmth of the atmosphere around us.

The leaves were as green as it should. The flowers were blooming like it was overjoyed. The silence between us spoked peace and harmony.

"Thank y-you..." wala sa sariling usal ko habang nakatingin pa din sa kawalan.

Ramdam ko naman ang pagsulyap niya sa akin, kaya nilingon ko siya.

"Why?" he asked.

Napapahiya akong tumungo, dahil parang hindi niya alam kung anong tinulong niya sa akin. He saved me from humiliation. "K-Kanina. Salamat."

He slowly nodded. "Oh. No need to thank me," ngisi-ngisi siyang ibinalik ang tingin sa kawalan. "I did that, because I want to protect you."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"I want to protect someone special..." aniya. "That's why I want to protect you..."

"Ha?"

"You are the 'someone' special to me..." Ngayon ay lumingon na siya sa akin. "That 's why I want to protect you..." He smiled.

"A-Anong ibig m-mong sabihin?"

Ano ba ang ibig niyang sabihin?

"Kayo, kayong mga sinasaktan at inaabuso. I don't want you guys to suffer more. That's why I want to protect you." he clarified.

Parang napahiyang akong tumango at nanlumong tumitig sa kawalan. Bigla na lamang akong nakaramdam ng lungkot sa kanyang pagbawi. Na parang itinanggi o iniba niya ang ibig niyang sabihin.

Nanatili pa kami roon ng ilan pang mga sandali. Pilit ko namang in-e-enjoy ang kapaligiran, ngunit hindi ko maiwasang mailang. Kanina pa niya iyon sinabi, ngunit hindi iyon naalis sa aking isipan. Pilit na bumabalik, at binabalik sa aking isipan.

Pabalik-balik akong napapatingin ng kusa kay Isaiah. Kahit ayaw ko ay hindi ko maiiwasan. Kusa na lang akong napapsulyap sa kanya. Nabother talaga ako sa kanyang sinabi. Pero kung siya ang tingnan ay, parang wala sa lang sa kaniya. At ngisi-ngisi pa ito sa tuwing nakakaramdam siyang nakatingin ako sa kanya.

"Do you feel bothered about it?" he suddenly said, while his eyes are still fixated at somewhere. "If that's the case, feel free to think that what you think is right."

Iniliko niya ang kanyang paningin sa direksiyon ko, at tumama ang aming mga tingin. Ngumiti siyang pinagmasdan ako, habang ako naman ay naiilang.

"And maybe what you thought was right." he added.

_ _ _ _

Embracing Imperfections (JHS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon