CHAPTER 4

14 7 3
                                    


Is there a reason for us to live? For us to still want to exist in this cruel world?

Most say, there is. Some people are still grateful for our existence. For us to keep living even if we no more reasons to live.

I also agree.

Sometimes if I have no more reasons to think, on why should I be living, I think of God, Jaia, and my Lola. Hindi ko man piliting isipin sila, ay kusa silang lumalabas sa aking isip tuwing makaka-isip ako ng ganoon.

And now, I think I have one more reason to live.

I have realized na some people aren't half bad. Na kahit ayaw sa 'yo ng karahima'y, may mga tao paring nanatiling gusto ka, at gugustuhin pa.

"Ack! Why is he here?"

A loud shout or scream catched my attention. Mabilis ko naman inilingon ang aking paningin sa mga kaklase kong nagtitilian at naghahampasan pa.

There eyes were on someone outside the room. And by their actions, mukhang sikat na katauhan ang nakatayo sa labas.

Kuryoso rin akong napalingon sa labas dahil gusto kong makita ang dahilan ng kanilang mga tili. Napako ang aking tingin sa isang lalaki, at tiningnan ito mula ulo hanggang paa.

Prente itong nakatayo at may hawak-hawak ng isang folder na may laman. Malinis ang kanyang uniporme, at nakangising sumilip sa loob.

Noong mabaling ang kanyang tingin sa gawi ko ay aksidenteng nagtama ang aming mga tingin. Ngunit mabilis kong naialis ang aking atensyon sa kanya at nagpanggap na walang nangyari.

Even if my eyes were on some place, ramdam ko parin ang kanyang malagkit na titig sa akin. Matagal iyon at parang hindi talaga niya inaalis ang kanyang paningin sa akin.

Bakit?

"May kailangan ka?" Ramdam ko ang paglapit ni Trina, ang aming homeroom president.

"Yeah. May ipapabigay lang si Ma'am."

Palihim naman akong sumulyap sa kanya at nakita ko pa ang paglahad nito ng folder, sabay ang malanding pagtanggap ni Trina noon. Nakatagilid pa nga ang kanyang ulo at may pakagat labi pang nalalaman.

Tsk. Tsk.

Ilang sandali ay umalis na si Isaiah roon at hindi na pinansin pa ang mga malanding tilian ng mga kaklase ko.

Isaiah, is said to be one of the most hottest and famous guys in our school. Hindi lamang dahil sa taglay niyang pisikal na katangian, ngunit pati na rin sa kanyang ugali.

As I said earlier, mabait, palatawa, at madalang siyang magalit . He is even considered as the clown in their group. Bet niya talaga kase ang magpatawa, dahil sabi niya pampahaba mg buhay ang tumawa.

Kaya ganoon na lamang talaga ang aking gulat sa naging reaksyon niya kahapon. He only gets angry if it is something he cherish or something important to him was hurt.

So that means, I am special to him?

Hindi ko talaga maisip kung bakit ganoon lang talaga ang kanyang ginawa sa kaibigan. Sa pagkaka-alam ko ay close sila ni Luke, or even considered as best friends. Isaiah never got angry at him like that. Ever. At sadyang kataka-taka rin naman talaga.

"Ayos ka lang?" Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Jaia.

Kakarating pa lamang niya, habang ako nama'y kanina pa rito nakatambay. Nasa kanan ang aking pwesto habang sa kanya naman ay nasa kaliwa.

I smiled as I looked at her, reassuringly. "Oo."

Tango-tango siyang napasinghap, at naupo na. "Mabuti. Nabalitaan ko kase yung nangyari kahapon."

Embracing Imperfections (JHS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon