CHAPTER 2 - FAVOR

7 1 0
                                    

Ryelle’s POV

Hanggang pag-uwi ko, hindi ko pa rin makalimutan yung naging huli naming pag-uusap ni Ma'am Ledezma.

Akalain mong shit daw ako?!

Maraming pumupuri sa ganda ng pag-ngiti ko, pero bakit siya????

Kaunti na lang talaga bibingo na sakin itong teacher na ’to, eh.

"Elle, anak, may tumatawag sa phone mo, bakit hindi mo sinasagot?" Napalingon agad ako sa nanay ko na nakaupo sa tabi ko habang nakain.

Nasa dining kami ngayon at nakain, ngunit hindi talaga maalis sa isip ko yon!

Napatingin ako sa cellphone kong nag-iingay sa loob ng bulsa ko. Agad ko iyong nilabas at tiningnan kung sino’ng tumatawag.

"Hello? Oh, bakit ka napa-tawag?" Sinagot ko ito at agad na tumayo para lumabas ng dining area nang makitang si Yoona ang tumatawag.

"Punta ka rito bukas sa bahay, birthday ng kapatid ko." Napakunot ang noo ko. Aba, birthday ng kapatid niya pero siya ang nang-i-invite?

"Hindi mo naman birthday e, kapal talaga ng mukha mo." Natatawa akong nag-salita.

"Sinabihan ko na kapatid ko, be, sabi niya, okay lang daw since tatlo lang kaibigan niya. Sama mo na rin ang kapatid mo, para makilala nitong si Lia." Sumagot na lang ako ng okay dahil wala naman akong magagawa. Besides, pagkain na rin yun. Sama ko kaya sina mama? Charot! Kapal muks amputa.

Bumalik na ako sa dining at tinuloy ang pag kain.

"Elle, pupunta rito ang tiya Ria mo, dito raw muna siya maninirahan sa cavite, mag hahanap daw siya work kasama si Lily, pinsan niyo." Agad naman akong natuwa.

Buti naman at nang maka-gala na itong si Rhianna. Lagi siyang naiiwan kapag aalis ako e. Wala na kasi ang tatay namin, sumakabilang bahay na.

Ayoko siyang makita, hindi ko na nga maalala mukha non, eh.

"Talaga, Ma? Edi makakagala na ako kapag wala si ate?!" Lumiliwanag ang mukha nito nang mag tanong.

"Kapag wala kang pasok, Yanna." Sagot ko agad.

"Galang-gala, Rhianna, ha? Mag tigil ka sa bahay, baka masampal kita." Natawa naman agad kami sa sagot ng nanay namin. Hindi naman kasi kami niyan napag-bubuhatan ng kamay. Sinasabi niya lang yon pero hindi niya ginagawa. Kung biro, oo, pero kung totoo, ayaw niya. Mabuti raw siyang ina kahit lagi niya kaming sinisigawan, hahahaha.

"Pero wait, kasama ba si tito pag pumunta rito sina tita?" Agad nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig iyon. Nabitawan ko rin ang kutsara at tinidor.

"Ryelle, bakit? Anong nangyari, anak?" Napatingin ako nang saglit kay mama pero iniwas ko agad.

"M-ma, I-i have to go. Gagawa pa ako lesson plan. Ibigay na lang yung tirang pagkain ko kay Summer. " Shit.

BAKIT KAILANGANG BANGGITIN PA YON?!

Nanginginig akong tumayo at umakyat para pumasok sa kwarto ko.

Fuck, Akala ko okay na?

Shit shit! Sana hindi siya kasama! Putangina, mag-wawala ako!

Agad akong nag text kay tita, tinatanong kung kasama ba yung asawa niya.

And thank God, hindi! Thankyou, Lord. Thankyou so much.

Napahawak ako sa dibdib ko habang nanatili akong nakatayo sa likuran ng pinto ko pag-tapos ko itong i-lock.

What's wrong with my Co-Teacher? ( ON - GOING )Where stories live. Discover now