C H A P T E R 1

2 0 0
                                    

I'm inside a room filled with lots of people, may mga nag-sasayawan, may mga umiinom, yung iba naman nakikipagkwentuhan sa kaniya-kaniya nilang mga kaibigan habang ako nandito sa sulok at hinihintay si Jaz na bumalik kung saan man sya nagpunta.

I hate parties, lalo na kapag ang lakas ng volume ng mga tugtog na sinasabayan pa ng iba't ibang kulay ng neon lights na talagang ang sakit sa ulo at mata, mas gugustuhin ko pang manatili sa condo ko at magbasa lang ng libro, pero dahil kay Jaz na nagpumilit na isama ako sa party dahil nanalo raw ang mga varsity players ng campus namin ay wala naman akong magawa, kahit ilang beses ko na syang tinanggihan ay ayaw nya parin akong lubayan.

'dapat nag-stay nalang talaga ako sa bahay'

After a while, bumalik si Jaz na may kasamang apat na tao, dalawang lalaki at dalawang babae. I got a little bit curious kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at sinalubong sila, binungaran naman ako ng ngiti ni Jaz na para bang alam nyang maiintriga ako sa mga taong kasama nya.

"I know you're curious, this is Liam, kababata ng pinsan ko, this is Traven, Team Captain ng basketball team, tapos ito naman si Maxine, kapatid ni Traven sa tatay, and lastly si Haya, Libero ng Volleyball club." sabi nito sabay isa-isang itinuro ang mga tao sa likod nya. Isa-isa ko rin namang kinilatis ang mga ito.

Liam has a small face, matangkad ito at moreno na mayroong salamin. Si Traven naman ay isa rin matangkad pero di maipagkakailang mas matangkad sya kay Liam, mala kulay tsokolate ang buhok nito at kitang-kita ang mga nunal nito sa braso at leeg. Si Maxine naman ay isang chinitang babae, payat ito at may maha at pulang buhok, kapansin-pansin rin ang mga nunal nito na similarities nila ng kapatid nyang si Traven, at si Haya na may mala prinsesang mukha, hindi sya ganoong kaliitan pero hindi rin naman sya matangkad, may maiksi itong buhok at payat ang katawan, unang-unang mapapansin sakanya ang mga mata nyang kulay kastanyo na malamang na kaaakitan ng lahat.

"Hi, i'm Valentina, Val for short" i greeted them with a smile dahil mukha naman silang mababait at mapagkakatiwalaan. Ewan ko ba kasi dito kay Jaz napaka lapitin ng tao, napapaisip na nga ako minsan kung saan nya nakukuha yung mga nagiging kaibigan nya eh.

"Yow, nice meeting you Val, madalas kita makita around the News Club office.. member ka don?" Nagsalita si Traven para basagin ang namumuong awkwardness.

"Ito, halatang walang paki sa nangyayari sa Campus, puro ka kasi basketball kaya pati simpleng info 'di mo alam. Presidente yan ng News Club at ng buong Campus." Sumabat naman si Maxine na may naiinis na mukha. 

Parang hindi pa makapaniwala ang itsura ni Traven atsaka maraharang napakamot sa batok dahil siguro sa kahihiyan. Nilapitan naman ako ni Haya atsaka kumaway sakin at sandaling tumawa.

"Pagpasensiyahan mo na si Ten, masyado kasi yang baliw sa kaka-basketball kaya wala na syang pakialam sa announcement tuwing monday, nice meeting you pala sana 'di ka mainis sa kabaliwan namin."  Ngumiti ito sa pagkakasabing mayroon silang 'kabaliwan', masaya ako dahil may bago nanaman kaming mga kaibigan ni Jaz, mahirap kasi gumawa ng kaibigan sa Campus dahil puno ito ng mga yayamaning tao at ayaw sa low class na gaya 'raw' namin kaya ilap kami ni Jaz sakanila.

The night went well dahil nag enjoy ako kahit papaano sa presence ng apat na bagong nilalang sa paligid namin ni Jaz, sinigurado kasi nila na hindi raw kami mab-bored dahil nga may sari-sariling mundo ang mga kabataan sa party na yon. Nakilala ko rin ng husto sila Liam at Maxine na tila nahihiya pa sa una naming interactions. Napag alaman kong mas matanda pala saakin sila Traven at Liam ng isang taon habang si Maxine naman ay mas bata saakin ng isang taon, si Haya naman ay kaedad lang namin kaya mas komportable ang loob ko sakanya. Naikwento rin nila Traven at Maxine na noong unang beses na malaman nilang magkapatid sila sa ama ay lubos raw ang galit nila sa isat'isa pero ng yumao raw ang tatay nila ay saka naman sila nag kaayos at sabay nilang tinanggap ang nangyari.

It was fun meeting such lovely individuals, akala ko kasi ay magiging bilang lang sa daliri ang mga magiging kaibigan ko, buti nalang at nandyan si Jaz para maging tulay sa iba pang tao para mapalapit saakin.

"Akala ko talaga masungit ka, kasi kapag napapatingin ako sayo wala manlang expression sa mukha mo, ang hirap mo tuloy lapitan" Sabi ni Maxine kay Jaz sabay malakas na tawa habang nakaupo kami sa garden ng bahay na dinadausan ng party. The crowd inside the house is really getting out of control, kaya nandito kami para kahit papaano ay may kaunting katahimikan.

"Hindi kaya, resting face ko lang yon kaya mukhang masungit, pero yang si Val naku masungit talaga yan" Ngumisi ito sabay tumingin saakin, lahat tuloy sila ay lumingon saakin at parang hinihintay na depensahan ko ang sarili ko, ngumiti lang ako at tumango.

'tignan mo 'tong taong 'to, lowkey nga lang dapat eh!'

"I won't deny it, totoo naman kasi lalo na kapag mag-isa akong nasa public place tas lalapitan mo ako, aba! hindi kita iimikin dyan" Sabay-sabay na tumawa ang mga kasama ko dahil sa paraan ko ng pagsangayon kay Jaz.

"Pero mabait naman ako, depende nga lang sa taong makakasalamuha ko, you know? kapag mabait sakin, mabait rin ako pero kapag hinde, edi hindi rin" Dagdag ko na sinang-ayunan naman nila. Nagtuloy-tuloy pa ang kwentuhan namin, syempre hindi nagpahule sila Liam at Traven dahil nagbangayan pa sila sa harap namin kung sinong mas matalino sakanila. Sila Maxine at Haya naman ay chill lang sa gilid kahit parang magsusuntukan na yung dalawa, parang sanay na sanay na sila sa ginagawa ng dalawa nilang kasama.

"Awatin ko na ba? parang personalan na eh" Bulong ni Jaz sa tabi ko na narinig ni Maxine.

"Hayaan nyo lang yan, love language nila yan, normal lang yan para sakanilang dalawa at maya-maya lang titigil din yan" Nilingon namin to at nakitang nakatuon lang ito sa cellphone nya habang si Haya naman ay naka hilig sa balikat nito at mukhang busy rin sa cellphone nya.

Matapos ang ilang minuto ay natigil rin ang bangayan nila Liam at Traven at para na silang nagmamahalang magkaptid sa way nila ng pagyakap sa isa't isa, si Haya naman na kaninang busy sa cellphone ay mahimbing na ang pagkakatulog sa balikat ni Maxine. 

"Malapit na mag ala-una, tara na uwi na tayo" Sigaw ni Maxine sa dalawang lalaki na naghaharutan malapit sa pintuan ng bahay. Malakas parin ang tugtugan sa loob ng bahay at puno parin ito ng mga studyanteng mukhang di pa pagod mag-party.

"Sige, mag papaalam lang sa mga teammates ko sa loob, una na kayo sa labas" Sabi naman ni Traven at saka pumasok sa loob. 

"Kayo? hindi pa ba kayo uuwe?" Lumapit saamin si Liam saka kinuha ang bag ni Haya sa tabi ko.

"Uuwe narin kami, sabay na kami sainyo palabas" Sabi ko sabay tayo at kinuha narin ang mga gamit namin, ginising narin ni Maxine si Haya atsaka namin hinintay si Traven sa labas para sabay-sabay na kaming makaalis. Paglabas ni Traven ay sya namang pagpapaalam namin ni Jaz sa apat at saka sumakay ng kotse, ihinatid ko si Jaz sa bahay nila at umuwi narin ako sa unit ko.

Bago ako tuluyang magpahinga ay nakatanggap ako ng notification mula kay Haya at Liam na masaya raw sila sa bonding namin kanina at sana raw ay maulit ito. Ngumiti ako at nireplyan ang mga message nila at saka ako nagpahinga.

'Happy me, another friendship I have'


Take a Trip Down Memory LaneWhere stories live. Discover now