Chapter 58

164 1 0
                                    

CHAPTER 58

Akin


Kumalas ako kay Karim at nginitian siya nang maliit. Pinunasan ko yung pisngi niya at sinapo ang kanyang panga para i-angat sa akin ang kanyang tingin.

"T-That was how I lived... for five years. You still love me and I love you, walang katapusan 'yon. But... we aren't meant for each other, right? Tapos na yung kwento natin at natanggap mo na 'yon. Karim, baby, I'll be happy as long as you're happy. At tanggap ko nang hanggang alaala na lang kita, yung... tayo... kasi doon, hindi na kita masasaktan—"

"Fuck that!" Tumalim ang tingin niya sa akin at binawi ang isa kong kamay sa pisngi niya, hinaplos ang singsing na suot ko pa rin, at ganoon din siya—suot na ulit niya ang singsing namin. "Akala ko ba tutuparin mo pa yung pangako mo sa akin at kay Kat? Na sa huli, tayo pa rin?"

Umiling ako. "Ayaw na kitang masaktan."

"Nasasaktan mo ako kasi mahal kita. At nasasaktan din kita kasi mahal mo ako, 'di ba? And what did I tell you, hmm? I will love you so damn much, you'll regret leaving me. Sa huli, babalik ka rin. Are you done chasing me?"

Dahan dahan akong tumango. "Kasi ayaw kong ipilit kung ayaw mo na talaga."

Even with his unshed tears, he managed to pull up a small smile. "Gustong gusto ko. But if you're done, then leave the chasing to me, Celestine. Hahabulin kita, kahit umabot ka pa sa kalawakan."

"Pero baka masaktan ulit kita. I'm... too broken—"

"Then I'll love you even with your broken pieces, baby. I'll be with you while you mend and make yourself whole again. We can replace our bad memories with good ones."

"A-Akala ko ba ayaw mo nang... makita, marinig, o makasama ako? Ayaw mo nang mahalin ako—"

"I'm sorry. I was just mad... I was confused. Kasi palagi mong sinasabi na mahal mo ako, mahal mo pa rin ako, pero sa utak ko noon na hindi mo naman talaga ako mahal dahil ginamit mo lang ako at may nangyari na sa inyo ni Stephen. I was... damn jealous and mad. I'm sorry, baby. I didn't mean any of that. I'm sorry, Phoebe. Gusto kitang makita. Gusto kitang marinig. Hanggang sa pagtanda, gusto kitang makasama. At mahal na mahal kita."

"But... I have to heal first. Ayaw kong maulit yung dati na masyado akong durog na masasaktan ka pa ng bubog ko."

Unti unti nang sumilay ang ngiti niya at tumango. "We'll do what my baby says."

Sinapo niya ang pisngi ko at hinaplos iyon bago ako sinandal muli sa dibdib niya.

"I'm sorry, I wasn't there to protect you... I'm sorry, baby..." Paulit ulit na sabi niya habang nakayakap nang mahigpit at hinahaplos ang likod ko.

My tears fell, a mixture of pain and happiness. I could still feel their touch but like years ago, it's replaced by Karim's. Yung nag-iisang taong gusto ko at binibigyan ko ng permiso na hawakan at tingnan ako sa ganoong paraan.

"You weren't there but you saved me..." Mahinang sabi ko.

"Hmm?"

Kumalas siya nang kaunti at kinuha ang kamay ko bago ipatong sa kanyang dibdib. Bumaba muli ang kamay niya sa gilid ng hita ko at humaplos.

"What did you say?"

"You weren't there but you saved me," I repeated. "When mama died, you were the reason why I tried to live longer. Kasi sa oras na makalaya ako roon, ikaw ang gusto kong balikan."

"And you're here now... and you'll never leave again, right?"

Kinagat ko ang ibaba kong labi at umiling. Kumunot ang noo niya at bumagsak ang balikat.

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon