A/N: Intindihin niyo na lang hihi.
Stress week. Exam week.
Wala na akong masyadong time para sa sarili ko. Todo pag-aaral na ako ngayon dahil papalapit na ang midterm.
Ibig sabihin lang rin ay mataas na naman ang expectations ni Dad. He always pressure me. Hindi lang sa acads ko pati na rin kay Apollo.
Kapag talaga ako bumagsak. Kasalanan niya.
Naiinis na talaga ako.
Understanding the self ang klase namin ngayon. Dinadali na ni Miss Galante ang pagtuturo dahil gagawa pa raw siya ng exam.
Matapos ang pang-umagang klase ay nagligpit na ako ng gamit. Sabay pa kami ni Apollo lumabas ng classroom.
May inabot siya sa 'kin. Tinaasan ko naman 'yon ng kilay.
"What's this?" masungit kong tanong.
Kahit alam ko namang kape 'yon. Hindi ako bobo 'no, slow lang.
"Coffee. I know you're sleepy." sabi niya.
Hindi kape kailangan ko. Tulog. Hindi ko 'yon kinuha. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad at sumunod naman siya sa likod ko.
Ano ba itong lalaking 'to hindi ba siya makaintindi. Ayoko nga, e.
"Kunin mo na. Umaarte pa." bulong niya pero umabot sa pandinig ko.
Nakakunot ang noo kong nilingon siya.
"Excuse me? FYI, wala akong sinabing gusto ko ng kape. I'm not maarte".
Nagkibit-balikat siya.
"If you say so. Bigay ko nalang 'to kay Maxine. Sayang naman." parinig niya pa sakin. Nang-aasar.
Doon na ako nainis. Kailangan pa talagang sabihin sa 'kin?
"Ibigay mo, pakealam ko!" sound offended.
Tumawa siya hindi na makita 'yong mata.
"Joke lang sa'yo talaga 'to. Si Heve pa nga ang bumili nito dahil sabi niya nagpapabili ka raw." he reasoned out.
What the hell? Wala nga akong naalala na nagpapabili ako sa kapatid ko ng kape.
Hindi ko pinansin ang biro niya at tinalikuran siya.
"Nagtatampo 'yan. Sa'yo nga 'to." pagsusunod niya pa sa'kin.
Pigilan niyo 'ko! Ayokong maging marupok galit dapat ako.
"Doon ka na nga lang sa girlfriend mo!" pagsusungit ko.
"She's not my girlfriend."
Payag ka non Maxine tinatanggi ka. Ako 'yan, kaso hindi ako.
"Sa tingin mo ano kayang mararamdaman ng girlfriend mo na tinatanggi mo siya."
Hindi siya nagpaawat.
"I said she's not my girlfriend. Never. Magkaibigan lang kami."
Hindi ako naniniwala. Ganyan rin ako dati. Kaya nga naghiwalay kami ni Roen dahil sa kanya.
Friends with benefits ganoon ba 'yon?
"Huwag mo na ngang itanggi. Hiniwalayan nga kita dahil niloko mo ako para sa kanya." natigilan siya at huminga ng malalim bago nagsalita. Nauubusan na rin ng pasensya.
"Hindi kita niloko Helena. I was drunk that night." mahinahon niyang sabi.
"That's bullshit excuse, Apollo! Kahit ang pinakabobo na tao hindi mo maloloko. Lalong hindi ako naging class valedictorian nong highschool para maging tanga. Tama na. Hindi ko kayang tanggapin mga excuse mo."
tumaas ang boses ko may iilang studyante ang nakarinig kaya kumalma ako."No I'm not making excus–." pinigilan ko siya sa pagsasalita.
"Sabihin mo dyan sa itlog mo Apollo! Wala akong pakealam sa mga rason mo. Pwede ba layuan mo muna ako. Nasusuka ako kapag nakikita ko 'yang pagmumukha mo!" tinulak ko siya natapon naman'yong hawak niyang kape.
That's not my concern anymore. Pumasok ako ng banyo at doon tuloy-tuloy bumuhos ang mga luha ko. Naalala ko na naman ang mga panahon na maayos pa kami. Kahit may kunting tampuhan naging magkaibigan pa rin.
"Bakit bigla ka na lang hindi nagparamdam? Matapos noong huli na 'ting pagkikita sa coffee shop?" isang araw ay nakasalubong ko siya sa daan papasok ng mall.
Mag-isa siya tulad ko walang kasama. May bibilhin lang akong project namin sa Arts. Nang makita ko siya na papasok rin sa hilera ng school supplies.
Niyaya ko si Roen pero sabi niya marami pa raw siyang gagawin kaya hindi ko na lang kinulit. Palagi na kaming walang time sa isa't isa. Kung meron man tuwing Saturday lang pero limited lang ang oras namin dahil sa mga unending assignment and projects.
Hindi siya sumagot. Nanatili lang siya nakatayo sa harap ko mga mata niya ay nakabaling sa mga studyanteng bumibili rin.
"Pansinin mo naman ako."
"Hindi kita iniiwasan sadyang busy lang talaga ako sa school." walang emosyon ang mga mata niyang pagkakasabi.
"Kahit nga sa Instagram hindi ka na rin nagpaparamdam. May nagawa ba ako?"
Dahil kung may nagawa man ako ay hindi ko 'yon alam.
"N-no... it's just.. ayoko ko lang makagulo."
Makagulo saan?
"Sa...?" kuryosidad kong tanong.
Hinarap niya ako.
"S-sa... relasyon niyo.. hindi kasi magandang manatiling nag-uusap pa tayo gayon' may boyfriend ka na."
Ito lang pala ang rason niya.
"Hindi naman ganyan mag-isip si Roen. Mabait 'yon kung makikilala mo lang siya."
Hindi siya kumibo.
"Alam mo ikinikwento nga kita sa kanya minsan. Natutuwa pa nga siya dahil may bago raw akong kaibigan. Huwag mo na akong iwasan, please. Tara na nga sa loob. Ano ba ang bibilihin mo?" pag-iiba ko na lang sa usapan para hindi naman maging akward.
"Hmm.. it's just.. colored paper for my art project."
Tumango ako. "Same pala tayo ng bibilhin."
Sabay na kaming pumunta doon sa mga papel.
Pagkatapos kong umiyak ay inayos ko ang sarili ko at lumabas. Medyo mugto pa ang mata ko ng bumalik sa classroom.
Nakaupo na siya katabi ng upuan ko. Hindi ko nalang siya pinansin at nakinig na lang sa klase.
YOU ARE READING
Hili
Teen FictionHelena, a young woman who constantly feels like she's never the choice. Cheated on her first boyfriend-her second boyfriend also cheated on her. Struggling with the feeling of always being an option in her relationships, friendships, and family, Hel...