Natapos ang araw na iyon na hindi ko na nakausap pa si Amoralia. Diretso rin ako sa dorm ko. Ito ang unang gabi ko rito kaya hindi ko pa nakikita ang dorm. Nang dumating ako rito kanina'y inihatid ang mga gamit ko rito at pinadiretso na ako sa office ng Principal, pagkatapos ay sa office ng student council, at sa classroom.
"Hi! Ikaw pala 'yung bago naming makakasama. I'm Einie. What's your name?" A girl in cute perms welcomed me.
"Red." Simpleng sagot ko at isinara ang pinto.
"Oh! Cute, 'yung isa pa nating kasama, Blue 'yung name." Napalingon akong muli sa kaniya.
"Are you serious?" Someone was named Blue?
"Yeah her real name is Ferblue." Napanganga ako. Totoo nga?
"Ang OP ko roon ha. Sana pala Pink pinangalan sa akin ng Mommy ko." She said. Seriously?
"Wait, real name mo 'yung Red? As in Red lang? By the way, here 'yung bed mo." Ang daldal naman nito.
"Reddiah." Sagot ko sa kaniya at hinila na ang mga gamit ko patungo roon sa dulong kama.
Marami siyang mga sinasabi tungkol sa curfew, paggamit ng CR at kung ano-ano pa. Ang iba'y hindi ko na rin nasundan.
"Will you shut up? I'm trying to rest here." Napuno ako sa kadaldalan niya, kasabay ng pagbukas ng pinto. Narito na pala iyong si Blue. Nagulat siya sa bigla kong pagsigaw.
Tumaas lamang ang kilay niya sa akin at nagdirediretso na sa kaniyang higaan, sa gitna naming dalawa ni Einie. Mukhang tahimik ang isang ito't walang pakialam sa mundo, mabuti naman.
Nang maayos ko ang mga gamit ko't makapagpahinga ng kaunti, lumabas ako para bumili ng makakain. Nakasalubong ko pa si Yuei.
"Saan ka pupunta?" She asked.
"Bibili ng pagkain." I said.
"Sama ako! Baka mahuli ka ng uwi, mapapagalitan ka." She said. Hindi na ako umangal pa. Makulit din kasi ang isang ito pero mas maayos siyang kausap kaysa kay Einie.
"It's late, where are you going?" Lumabas din sa nilabasang kwarto ni Yuei si Amoralia. Dorm Mates pala sila.
"Bibili kaming food Denise. Kumain ka na ba?" Umiling si Amoralia.
"May 1hr pa naman bago magcurfew. Aabot naman siguro kami. Sama ka ba?" Yuei asked.
Namulsang naglakad patungo sa amin si Amoralia at hindi na nagsalita kaya naglakad na rin kami ni Yuei.
Pinagmasdan ko ang bawat galaw ni Amoralia habang patungo kami sa isang fast food.
"Laki ng pwet mo 'no?" I blurted out. Natigilan sila. Si Yuei ay gulat na napatingin sa akin.
"What?" Nakakunot nanaman ang maganda niyang noo.
"Walang ulitan sa bingi." I said and continued walking.
"Gaga ka, ano'ng sinasabi mo? Akala ko hindi mo trip si Denise?" Bulong sa akin ni Yuei nang makasunod siya sa akin.
"Hindi nga." I chuckled. Kumunot ang noo niya, halatang naguguluhan sa akin.
"I told you my game hasn't started yet." I smirked.
"Gaga edi trip mo nga! Nako Red sinasabi ko sa'yo, huwag si Denise!" I raised an eyebrow. Kontroladong kontrolado ang boses ni Yuei, sinisiguradong hindi siya maririnig ni Amoralia sa likuran.
"Why? What's wrong with playing with her?" Kalmadong tanong ko.
"Hindi mo siya kilala, bato ang puso ng babaeng 'yan." She said.
BINABASA MO ANG
Loving Her Was Red (RD #1)
RomantizmRed Duology 1: Loving Her Was Red They say an all-girls boarding school is the usual prison for delinquent girls, but Reddiah Puhllie Crinzon took the opportunity to play with President Amoralia Denise Levarez. (GL)