Mga town houses daw ang balak na itayo nina Riley roon, pagkatapos ay ipagbibili ang mga iyon.
Wala pang makikita roon maliban sa inga i-d-in-eliver na gamit para sa construction ng mga town houses. Inikot nila ang buong lugar. Sa bandang gitna niyon ay may ginawang shade na anyong kubo. Ginawa marahil iyon upang masilungan kapag mainit. Alas-kuwatro iyon ng hapon. Walang araw at makulimlim ang panahon.
"What do you think of the place?" tanong nito habang naglalakad sila.
"Maganda. Good investment. Siguradong marami ang magugustuhang tumira sa lugar na to."
"I thought so, too," tumangu-tangong sabi nito. Halos sabay pa silang napatingala sa langit nang marinig nila ang pagkulog. Lalo pang kumulimlim ang langit at bahagyang dumilim na ang paligid. Tila nagbabanta ang malakas na ulan.
At bago pa man sila makahuma ay bumuhos na ang malakas na ulan. Tiyak na mababasa na sila nang husto bago pa sila makarating sa kinapaparadahan ng sasakyan. Mas malapit ang kubo kaya doon sila tumakbo upang sumilong.
Nang makarating sila roon ay malakas na malakas na ang ulan. Medyo nabasa sila. Pinunasan niya ang kanyang mukha at braso gamit ang kanyang panyo. Ganoon din ang ginawa ni Riley.
"Kanina ay tirik ang sikat ng araw, tapos ngayon biglang bumuhos ang malakas na ulan," anito. "Are you okay?" kapagkuwa'y tanong nito sa kanya .
Tumango siya. "Yeah." Lalo pang nadagdagan ang lamig sa Tagaytay dahil sa malakas na pag-ulan. Wala siyang blazer at hindi mahaba ang mga manggas ng blouse niya na itinerno niya sa suot na palda.
"You're cold," wika ni Riley. "Here..."
Bago pa siya makapagtanong kung ano ang nais nitong tukuyin ay naibalabal na nito sa kanya ang puting jacket na hinubad nito.
"Salamat." Pinigilan niyang mapapikit nang malanghap ang mabangong amoy nito na naiwan sa jacket nito.
Mabango talaga. Another pogi points, sa loob-loob niya. Palagi ring presko ang hitsura nito.
Pareho silang nagtanggal ng sapatos at sumampa sila sa maliit na papag na naroon sa kubo upang hindi mabasa at marumihan ang mga paa nila. Laking pasasalamat nila at hindi sila nababasa kahit open ang kubo. Wala ring tulo roon.
"It's a good thing na naisip magtayo ng foreman ng ganito rito. Tayo pa yata ang unang nag-benefit," anito, pagkaraang pareho na silang nakaupo sa ibabaw ng papag. "Minalas tayo, ah. Na-stranded pa tayo dahil sa ulan. Hindi naman magandang idea na takbuhin natin mula rito hanggang sa kotse dahil siguradong basang-basa tayo pagdating natin doon. Mas mabuti na iyong patilain muna natin ang ulan."
"Yeah," sang-ayon niya.
Mahaba-habang katahimikan ang namagitan sa kanila pagkatapos. Tila pareho silang napako sa pakikinig sa malalakas na patak ng ulan. Sa kabila kasi ng pag-ulan ay napakaganda pa ring pagmasdan ng paligid.
"Did you know my mother has six sisters and only one brother?" basag ni Riley sa pananahimik nila.
Nagtatanong ang tinging ipinukol niya rito. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla ay nabanggit nito ang tungkol doon. "I didn't," sagot niya.
"Now you know," nakangiting sabi nito. "While my dad, he has two sisters. So, I have a total of eight aunts."
"Why are you telling me that?" puzzled na tanong niya.
"You'll see my point later," nakangiting wika nito. "Sina Tita Karen at Tita Susan ay mga kapatid ni Papa. Sina Tita Annie, Tita Lourdes, Tita Tanya, Tita Belen, Tita Guada at Tita Isabel naman ang mga kapatid na babae ni Mama."
Napakunot-noo siya dahil tila pamilyar sa kanya ang mga pangalang binanggit nito.
"Natatandaan mo ba ang mga pangalang iyon, Drew?" tanong nito sa kanya.
"Familiar. Pero hindi ko matandaan kung saan ko narinig ang mga pangalang iyon."
"Ang mga pangalang iyon ay ibinigay ko sa iyo. Sila iyong nakatanggap ng mga bulaklak na ipinapadala ko sa iyo. Remember now?"
Yeah, right. Kaya pamilyar sa kanya ang mga pangalang iyon ay dahil iyon nga ang mga pangalang ibinigay sa kanya ni Riley na padadalhan niya ng mga bulaklak. Ibinilin pa nitong gusto nitong maging espesyal ang arrangement ng mga bulaklak na ibibigay sa mga iyon. At natatandaan niyang iba-ibang bulaklak ang ibinilin nito sa bawat pangalang iyon. Mga pangalang inakala niyang pagmamay-ari ng mga babae nito.
Lumipad ang tingin niya rito. Nakita niya ang makahulugang ngiti sa mga labi nito.
"Mga auntie mo ang mga iyon?" pabiglang bulalas niya.
Ngingiti-ngiting tumango ito. "Yup. You can ask Tita Eva. Kilala niya ang mga kapatid ng mga magulang ko. You'll find out I'm telling the truth."
"Those flowers were not for your wom-" Muling ngumiti ito. "No, Ma'am."
Nag-init ang mukha niya.
""See my point, Drew? Nag-conclude ka na agad tungkol sa akin gayong hindi mo pa naman ako lubos na kilala. Napatunayan ko ba kahit paano that I'm not as bad as you thought me to be?"
Napatitig siya rito habang tila amused na amused na nakatingin ito sa kanya. "You didn't prove anything." Ngunit ang totoo ay talagang nagulat siya. All the while ay buo sa isip niya na ang napakaraming pangalan ng mga babaeng iyon ay idine-date nito. "Dahil nakausap ko si Alicia at ilan pa na walang ibang tanong kung kailan mo sila dadalawin at kung kailan masusundan ang date ninyo. Dumudugo na nga ang tainga ko sa kakapakinig sa kanila."
Natawa ito sa term na ginamit niya. "Lahat iyon ay hindi ko naman girlfriends o naging girlfriends, okay? Yes, I dated them but it was nothing serious."
"Iyon nga, eh. Wala kang sineseryosong babae. Bawat picture mo na makikita sa diyaryo o sa mga magazines ay iba-ibang babae ang kasama mo. Mula noon hanggang ngayon, gano'n ka pa rin."
"I didn't know na sinusundan mo pala ang buhay ko. That is a total revelation."
"Kung anuman ang tumatakbo riyan sa utak mo, eh, walang katotohanan iyon," agad na wika niya
"Bakit, ano ba sa tingin mo ang tumatakbo ngayon sa utak ko?"
"Malay ko ba?" Sa klase ng pakikipag-usap niya rito ay parang hindi niya ito boss. "Malay ko kung iniisip mo na palang baka interesado ako sa iyo kaya nasusundan ko ang nangyayari sa buhay mo."
Jeez, am I making any sense at all? Bakit ba parang masyado naman akong defensive?
"Hindi nga ba?" anito.
"Hindi nga ba ano?"
"Hindi ka nga ba interesado sa akin kaya sinusundan mo ang nangyayari sa personal life ko?" nakangiting wika pa nito na ikinalaki ng mga mata niya. Inayos pa nito ang pag-upo at nagde-kuwatro. "Come to think of it, sa bawat pagkikita natin noon ay napapansin kong parang galit ka Sakin. Na parang may nagawa akong kasalan sa iyo. Don't tell me nagseselos ka sa mga babaeng napapaugnay sa akin?"
BINABASA MO ANG
I'm Addicted to Your Love
Romance|Complete| CEO × Secretary Mary Drew Antonio "How can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa? Sa isang taong mapaglaro sa damdamin ng mga babae at napakapalikero?" Iyon ang sentimyento ni Drew ngunit napilitan pa rin siyang magtrabaho bilan...