Kabanata 11

125 5 0
                                    

11 | Distracted

Sa first quarter ay nanguna ang kalaban namin, ang kaba na nararamdaman ko kanina ay bumabalik ngayon.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngayon at tila wala ako sa mood. Finals 'to, Jandria! Finals! Hindi ito basta-basta lang na akala mo'y laro sa liga. Unfortunately, nag change ang game system ngayong season. Imbes na Game of 3 ang finals ay diretso na ito sa Game 1 Finale. Kung matalo kami ay talo, kung panalo naman, kami ang champion.

"Moreta! Defense naman. Nilulusutan ka lang noong kalaban, oh. Bantayan mo, mag focus ka sa game." ani coach, seryoso ang mukha. Nag-sorry ako sakanya at sinabing babawi. Hindi ako pwedeng panghinaan nang loob.

After nang timeout namin, bago ako bumalik ulit sa court ay tinapik-tapik ni Demi ang braso ko. Si Ate Kori naman niyayakap ako.

"Kalmahan mo lang, Captain." si Ate Kori ang nagsabi nito habang ang naka-thumbs up sa akin. Kahit naghiwalay na sila ni kuya ay hindi ko nagawang pagbuntungan ito nang galit kahit pa ginawang rebound si kuya, parehas naman silang red flag sa relasyon nila. Babaero rin kasi yung kapatid ko.

Ginawa ko ang best kong habulin ang score, lamang ang kalaban namin ngayon nang walong puntos. Nasa amin ang bola ngayon kaya kinuha ko ang oportunidad na ito para makapuntos. Game on, Jandria. Game on.

Nakapuntos ako nang tres, dati pa man ang position ko talaga ay umiikot lang sa shooting guard o center. Nilapitan ako ni Jordan nang mapasok ko iyon.

"Consistency lang, is-screen ko yung Cap nila. Ikaw pinupunterya, eh." Tinanguan ko siya, pumunta kami sa kabilang side nang korte at nag-abang sa papalapit na kalaban. Sa banda ni Jordan pumunta ang may hawak ng bola. Akmang ipapasa nito sa kalaban pero tinalunan ito ni Jordan kaya napunta ang bola sa side namin. Hinabol namin ito parehas, nakuha ko ito at itinakbo sa aming korte.

May humabol sa aming kalaban, mukhang matutumba ako kaya shinoot ko ang bola kahit mukhang malabo itong pumasok, pero si tinalonan ito ni Jordan, kinuha ang bola gamit ang isang kamay at dinunk sa ring.

"Moreta's exceptional steal right there, but oh no! Natumba ito, but flying Jordan back at it again with her one hand reach and COUNTED!!"

"Wow! We are not even halfway through the game yet Murray is showing us how it is done. Time out from the opposing team and hear the arena cheer for their team and players, I see a lot of waving banners and even a tarpaulin right there, partner, for Captain J of Murray University." sabi nang commentator. I didn't put much attention on it at kailangan kong mag focus.

"Ganyan dapat Jordan. Ipakita mo kung sino ka!" pang-aasar ni Demi. I opened the water in my hand, tumingala ako at uminom dito nang makita ko ang pagmumukha ko sa screen, sumigaw ulit ang arena. Amp! Umiinom ako nang mahinahon dito tapos biglang ganun, dogshow lang ang trip.

Natapos namin ang first quarter nang kahit papano'y nakalamang nang ilang puntos. Alisto pa rin ang lahat para mapalaki ang agwat ng score, lamang kami ngayon nang siyam na puntos.

Sa second quarter ay hindi na muna ako pinapasok, ang mga scores namin ay naghahabulan lang. Ang tanging sinisigurado namin ngayon ay hindi malagapsan nang kalaban ang score namin. Lumapit si Jordan sa akin at inabutan ako nang tubig, kinuha ko ito.

"Anyare kanina?" tanong nito habang naka-focus ako sa naglalaro sa court.

"Badtrip, hindi ko rin alam." sabi ko nang hindi ito nililingon.

Inakbayan ako nito, kaya tinignan ko siya.

"Selos ka 'no? Ipakita mo kung sino ka aba'y ngayon ka magpakitang gilas, boi." seryoso nitong tigon at sinuntok pa nang pabiro ang braso ko. Inalis ko ang akbay niya sakin.

"Hindi ako nagse-selos. Anong pake ko kahit magsama pa siya nang isang barangay niyang mga babae. Hindi ko hahayaang maging isa sa mga babae niya." sabi ko rito nang prangka at tinignan ulit ang naglalaro sa court.

"May binaggit ba akong pangalan? Ikaw nakaisip niyan ah." Tawa nito, humirit pa talaga ito ulit.

"May tiwala ako sayo, Cap. Ipapanalo natin ito." tapik nito sa balikat ko bago pinapasok ni coach sa court.

Author's Note: I edited some parts of the story kasi na messed up ko yung school names huhu, nagsusulat kasi nang lutang. Sorry po 😔

Foulish Love | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon