EPILOGUE
Paeng’s POV
Eto na. The moment I’ve been waiting for. Finally. Dumating din. Hindi niya lang alam kung gano kahirap ang dinaanan ko para magawa ang dream wedding niya. Kinausap ko si Rosie. Kaming dalawa ang nagplano ng mabilisang kasal na to. Nakakatuwa nga kasi akala ng coordinator, kaming dalawa ang ikakasal. Nung inamin naming na surprise wedding to, lalo siyang nahilo.
“Uso na pala ngayon na pinipikot ang bride!”, natatandaan ko pa yung expression nung coordinator namin.
Sinabi sa kin ni Rosie na dream ni Tin ang beach wedding. Kaya eto, andito kami ngayon. Ang dami kong taong pina-check in sa Resort. Lahat kasi ng suppliers naming galling sa Manila. Konti lang kasi ang choices ng mga wedding suppliers ditto. Plus, I want the best wedding for my wife. Natural lang! isang beses lang siya ikakasal. At wala akong balak na maging disaster ang kasal naming.
Naaliw ako sa kanya kanina nung hinatak ko siya papasok sa suite. Kala siguro niya reraypin ko na siya. Nakakatawa talaga ang ichura niya pag iniisip ko. My bride is the most beautiful and sexy woman on earth. Ang saya ko!!!
Tin’s POV
Hayup na lalake yun. Di man lang nag propose! Inassume na lang agad na magpapakasal ako sa kanya! Sabagay, halata naman. Ano pa ba ang iaangal ko? Siya na lahat nag asikaso. Siya na lahat gumastos. Obvious naman na mahal ko siya. Kahit naman dati pa. gwapo naman kasi ng gung gung nay un! Ang macho pa! shet. Excited ako sa honeymoon!
“Tagal pa ba?”, sumilip si Paeng sa kwarto kung san ako inaayusan ng make up artist.
“Ano ba! Di ka makapaghintay?”, tanong ko sa kanya habang nilalagyan ako ng sandamukal ng blush on sa pisngi.
“Chinecheck ko lang kung anjan ka pa. baka kasi tumakas ka na!”, tatawa tawa naman siya.
Pagkatapos ako lagyan ng lipstick, tumayo na ko. “Okay na po. Gusto ko kasi natural look lang.”, sinabi ko sa make up artist na parang gusto akong gawing cover ng magazine.
Linapitan ko si Paeng. Nakatitig lang siya sa akin.
“Ang ganda mo talaga!”, hinawakan niya yung muka ko ng dalawang kamay niya at ikikiss ako.
“Hep!! Mamaya na. Baka kainin mo yung lipstick ko.”
Natawa lang siya sa akin.
“I love you Tin. I’ll see you at the altar.”, niyakap niya ako bago lumabas ng kwarto.
“This is it!”, huminga ako ng malalim. Ganun pala talaga pag ikakasal, hindi lang butterflies in the stomach, pati sa ngalangala ko ata meron.
Bumukas yung pinto at tinawag na ako ng coordinator. Ang andun na lang, ang parents ko. Wala na lahat ng tao. Niyakap nila ako ng mahigpit.
“Were so happy for you anak.”, sabi ni mommy.
“Basta anak, pag may ginawang kalokohan yang Paeng nay an sayo, sumbong mo sa first boy friend mo ha!”, sabi ni daddy.
“Ha? Eh siya din yun eh.”, sabi ko.
“Hindi ah. Nakalimutan mo na? Diba ako ang first boy friend mo?”, hinalikan ako ni daddy sa noo. Muntik na ako maiyak.
“I love you dad.”, I kissed him back sa cheeks. Then I kissed my mom too. “I love you mom.”
“We love you.”, sabay na sabi nila and one last hug bago nila ako hinayaan makalakad palabas ng room.
***
Paeng’s POV
Paglabas ko sa beach kung saan gagawin yung wedding rites, nakita ko mejo puno na ang mga upuan. One hundred fifty lang ang ininvite ko. Gusto ko sobrang close friends and family lang talaga naming ang makapunta. Wala naman kasing saysay kung madami ngang tao, pero makikichibog lang. wala naman silang pakialam sa nangyayari.
Ang tagal. Kanina pa ko excited pero ang tagal tagal. Parang feeling ko, 8 hours na ko naghihintay kahit na 3 hours pa lang naman nakalipas nung hinatak ko siya sa room.
Nilapitan ako ng coordinator, finally. Anjan na daw si Tin, magstastart na daw kami sa wakas.
Nang turn ko na maglakad, nakita ko yung araw, malapit na siya lumubog. Perfect. Sakto, tinaon ko talaga na ang wedding rites naming, sakto sa sunset. Alam niyo na kung bakit.
Isa isa ng naglakad ang mga entourage naming at talaga naman sobra akong excited na Makita na si Tin na naglalakad papunta sa akin. As if hindi ko siya nakita kanina. Pero bakit ba! I just cant take my eyes off my wife. Natawa ako dun. Excited talaga! Wife agad eh.
Nakita ko na siya. Nakatayo sa dulo ng isle na ginawa naming dito sa sand. Nagstart na tumunog yung instrumental ng IKAW. Alam ko yun ang gusto niyang kanta sa paglakad niya sa isle, hindi yung traditional wedding march. Thank you kay Rosie.
Napasmile ako nung Makita ko na tumingala na siya. Nakita ko yung expression niya sa muka. Gulat siya na ang kanta ay ang kantang gusting gusto niya para sa kasal niya. Nung mag umpisa siyang maglakad, nakita ko na naman ang surprise sa mga mata niya ng mag umpisang paliparin ang mga paru paro. Isa yun sa mga dream niya.
Tinitigan ko lang siya. Ang ganda niya talaga. Nakatakip man ng putting belo ang muka niya, kitang kita na maluha luha ang mga mata niya. Gusto ko na siyang salubungin sa gitna ng isle. Gusto ko na siyang hatakin palapit sa altar at umpisahan ang mga I do namin.
Pero habang nakatingin ako sa kanya, nakita ko unti unti na din siyang tumingin sa akin. Nag smile siya tapos nag stop sa gitna. Tapos gumigilid yung katawan niya na parang balak niyang tumakbo. Muntik na talaga akong tumakbo papunta sa kanya para pigilan siyang umalis.
Pero tumawa siya ng mas malaki at nagpatuloy sa paglakad. Walang hiyang babae to. Tinatakot ako! Patay ka sakin mamyang gabi!
Sa wakas, after ten years, katabi ko na siya sa altar. Di ko na namalayan ang mga sinasabi nung pare. Alam ko na lumulutang lang ako. Eto na yung moment na ang tagal kong pinagdasal. Di ko mapigilan na hindi tumitig sa kanya.
Napatingin din siya sakin nung maramdaman niya na nakatitig ako sa kanya. Tapos istorbo yung pare, kinalabit ako, tinatanong na pala kami.
“Yes Father, I do.”, sagot ko.
Si Tin naman ang tinanong. Tumingin siya sakin. Parang umiiling na mahina tapos yumuko. Bumulong ako sa kanya.
“Pag di mo sinagot ng I do si Father, kikidnapin pa rin kita. Hindi ka na makakawala sakin.”, tinakot ko siya ng pabiro. Pero tototohanin ko talaga yun pag di siya sumagot.
“Yes Father, I do.”, sumagot din. Salamat naman!
After ilang minutes, natapos na at narinig naming sinabi ni Father, “May I present to you Mr. and Mrs. Carvajal.”
Umikot naman sila ni Tin para humarap sa mga bisita at pamilya nila. Nagulat siya nung biglang tumalikod si Tin at kinausap yung pare na nag aayos na ng gamit.
“Father? San po yung you may now kiss the bride?”
Natawa ko nung narining ko yung sinabi niya. Hinatak ko siya paharap sakin tapos hinalikan ng madiiin.
“Hindi mo na kailangan hingin kay Father yun. Don’t worry, mamaya, magsawa ka.”, sabi ko sa kanya bago ko siya hinalikan ulit.
“I love you.”, narinig kong sabi niya habang hinahalikan ko siya.
“I love you too.”, sabi ko naman pagtapos ko siya halikan. “Halika na, para matapos na agad yung reception.”, sabi ko tapos kinindatan ko siya. Nakita ko siyang nag blush.
“Gusto mo wag na tayo umattend ng reception eh.”, sagot niya sa akin.
“Huwag mo ko hamunin!”, sabi ko sa kanya.
“Ayaw mo ata eh?”
Hindi na ko sumagot, hinatak ko na lang siya diredirecho sa isle.
“Hey, where are you going?”, narinig ko si Rosie.
“Uhm, I forgot to tell you, we have a private party upstairs. No guests allowed.”
Lumapit si Tin kay Rosie at inabot ang boquet sa kanya. “Youre next!”
Tumakbo na sila papasok sa resort.
*NOTE*
sorry natagalan ang update. hope this ending is better. ;)
dedicated to Lenitahdimaanodimaan
BINABASA MO ANG
Meant to Be
RomanceFILIPINO. A story on two teenagers, Tin Tin and Paeng, taking off at the wrong foot, and reunited after a few years. Rafael (Paeng's real name) realizes what a jerk he has been, but still continues on becoming one by not letting Cris (Tin Tin's sho...