"Pa'no kita iiwan kung lahat ng mata ng mga lalaking nandito ay nakatuon na sayo?", aniya noong pinapaalis ko siya. Kanina pa ako binabantayan eh! Hindi ako makainom!"So?", taas ang kilay kong tanong.
"Anong so? Tignan mo ang ikli-ikli niyang suot mo at titig na titig sayo ang mga lalaking mula sa kabilang section.", pagrereklamo pa nito.
"Anong iniuungot mo dyan? Wala naman akong paki alam sa kanila kahit magdamag nila akong titigan. At isa pa bakit ganiyan ka kung makapagreact?", nagdududang tanong ko dito. Deretsahan na, ayokong mag-assume.
"Bawal? Tsk! Wear this at huwag mong tatanggalin.", aniya at ipinasuot ng sapilitan sa akin ang jacket niya kaya wala akong nagawa kundi isuot to. "Go and enjoy yourself but please not with the boys specially from the other sections. I get jealous easily.", aniya at tinalikuran ako. Bahagya pa akong natulala sa sinabi niya. Ano daw?
"Hoy Hansel!", narinig ko ang boses ni Sasha kaya napailing nalang ako sa isiping iyon.
Kakaiba ang trip ng alien na iyon.
"Yan ang hindi daw iinom!", bulyaw ko agad sa kanya nang mahalata kong may tama na ito at may hawak pang bote.
Inalalayan ko na siyang umupo sa tabi ko at sabay kaming sumandal sa sofang kinauupuan namin. "You look sad.", pansin ko dito.
"We talked. I and Raijan.", mahinahong aniya pero ramdam ko ang lungkot niya.
"Bakit ba parang sobra apektado ka sa presensya niya? I mean look at you now! Sobrang ganda at sexy mo at alam kong pinaghandaan mo ito para sa kanya.", mula nung dumating ang bandang ito, parang may nag-iba sa kanya.
"I and Raijan...", panimula niya na binitin naman niya at nanatiling tahimik kaya hinayaan ko lamang.
"We're childhood best friends.", aniya pagkatapos ng ilang sandali at ikinagulat ko ang sagot niya kaya umayos ako ng upo at tinitigan ang mukha niya ng ngayon ay nakatingalang nakasandal sa sofa. Hindi niya kailanman nabanggit sa akin ang tungkol sa bagay na ito.
"We're so happy back then. Wala na akong hihilingin pang iba dahil nasa kanya na lahat, para siyang kapatid ko, best friend ko at lalaking mamahalin ko.", aniya at kita ko ang pangingilid ng mga mata niya.
"I'm sorry I didn't know what you've been through.", tanging nasabi ko. Nawawalan ako ng sasabihin, hindi niya kailangan kasi ito nabanggit.
"Nah, it's okay. Sobrang saya namin noon pati nung highschool na kasama na niya yung banda nila, hindi niya ako binalewala at marami pa rin siyang oras sa akin noon. Hanggang sa bigla nalang akong nagising sa hospital noon dahil sa isang aksidente at ni minsan hindi siya dumalaw sa akin noon at pagbalik ko nalang sa school na'to ay parang hindi na ako nag-iexist sa buhay niya. Hinabol ko siya noon pero wala talaga, para na'kong hangin sa buhay niya at huli na nang marealize kong tuluyan na'kong nahulog sa kanya.",aniya at pinunasan niya ang mga luha niyang naglandas sa kanilang pisngi.
"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko Sasha pero naiintindihan kita.", tanging nasabi ko at niyakap siya nang patagilid.
"Ngek! Wala dapat dramahan eh pshh!",aniya at kunwareng natatawa habang nagpapahid ng kaniyang pisngi kaya humiwalay ako at tinitigan siya.
"Huwag kang maawa sa'kin! Ngayon lang kasi niya ako kinausap kaya medyo emotional tayo ngayon. Hindi ko na rin kinukwento kasi naging okay naman ako nung wala pa sila, hindi ko lang expect na ganito ang magiging reaksiyon ko sa pagbabalik nila."
"Pero bakit parang inaasar ka nila kay Vincent?", naalala ko yung mga mukha nila nung nagbobotohan pa kami.
"Wala silang alam tungkol sa buhay namin ni Raijan noon. Ang tanging alam nila ay magkaibigan lang kami at nag-iwasan dahil nagkagusto ako kay Raijan.", napatango na lang ako sa sagot nito.