Chapter 35

14 5 0
                                    

Kabanata 35: Trip

“Anong lugar to?” manghang tanong ko habang nakatanaw sa nagtataasang mga puno ng niyog at sa hindi kalayuan ay natanaw namin ang parang isang cave na tubig ang laman.

“This is the reason why I bought this place. It seems like it is its own tinatagong yaman kung tawagin nila and since then, this place became my comfort place kaya dinala kita dito” he uttered as he kissed my hand multiple times na hawak-hawak niya.

“Ang ganda dito Xander!” buong ngiting ani ko na ikinangiti niya rin, “Punta tayo doon oh! parang cave” aliw na aliw na ani ko at saka siya hinila papalit sa cave na nasa hindi kalayuan.

“I've only explore this place once” ani niya nang makarating kami sa hambaan ng cave. Rumerepleka ang tubig sa bawat bubong ng cave. Ang silaw ng paligid. There are also  corals and rocks around the place but what attracts me more is the color of the ocean. It's clear but blue.

“A-ang ganda!” Ani ko at sa hindi kalayuan ay tanaw ko ang isang bangka, “Bakit may bangka? Are you the one who put it there?” I asked as I look up to him.

“Yeah, I bought it so that I can wander around the cave without getting wet” he answered and I nodded. Nice plan.

“Ang linis ng paligid, do you clean it?” I asked once again. Mukha na akong inspector nito.

“No, mang Ramon did” he uttered kaya kunot noo akong napatingin sa kanya, “Sino si mang Ramon?” I asked at ngumuso naman siya sa likod ko kaya napabaling ako roon.

May matandang lalake probably on his 50s na papunta sa amin.

“Magandang hapon ser Xander, mabuti po at nakadalaw kayo ser” bati ni tatay, “Magandang happn rin po 'tay. Naisipan ko po talagang dumalaw dahil balak ko pong dalhin dito ang girlfriend ko” Xander muttered na nagpagulat sa akin.

Kaagad na nanlaki ang mata ko at tiningala siya but nakangiti lang siya kay mang Ramon. Ramdam ko rin ang bahagyang pag-init ng pisnge ko.

Wala namang mali sa sinabi niya dahil totoo naman but I'm still not used to it. Kinikilig pa rin talaga ang buong sistema ko sa tuwing sinasabi niya iyon. Like finally! Nagkatitulo rin ay choss hahaha

“Girlfriend po ser?” tugon ni mang Ramon kaya sa kanya naman na ako napabaling and he is looking at me from head to toe at nang magtama ang tingin namin ay ginawaran ko siya ng pilit na ngiti dahil sa hiya.

“Magandang umaga ma'am” bati nito na ikinangiti ko lalo.

“Magandang umaga rin po, Felize po pala” I muttered as I extended my hand and he eventually took it, “Ramon po ang pangalan ko. Ikinagagalak ko pong makilala kayo” Ani ni tatay.

“Ang ganda ni ma'am ser! Bagay na bagay po kayo” nakangiting ani ni tatay na ikinatawa nilang dalawa ni Xander habang ako dito mukhang natatae na kakapilit ng ngiti.

“Salamat po manong” sayang-sayang ani ni Xander at saka hinapit ang bewang ko. “Oh sya ser, una na po ako. Maglilinis pa po kasi ako” paalam ni manong Ramon na tinanguan naman ni Xander.

“Sa bahay na po tayo maghapunan 'tay, dalhin niyo po sina manang Lourdes” sambit ni Xander na ikinatango ni tatay bago siya bumaling sa akin, “Una na po ako ma'am Felize” paalam nito sa akin.

“Huwag na pong ma'am 'tay. Lize nalang po. Ingat po kayo” ngiting ani ko na ikinatango ni tatay saka siya tuluyang umalis.

“His family is living here?” I asked Xander while we are walking and wandering around habang naka-akbay siya sa akin at nakaikot naman ang braso ko sa bewang niya.

I Have Found the Almond Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon