Chapter 37

14 5 0
                                    

Kabanata 37: Lake of Hope

“Gising kana pala ma'am Lize, magandang umaga po” bungad ni manang Lourdes pagkapasok ko sa kusina.

Kakagising ko lang at kakatapos lang rin maglinis sa sarili.
Si Manang Lourdes lang ang naabutan ko dito sa bahay.

“Magandang umaga rin po 'nay at saka huwag na pong ma'am Lize nalang po o di kaya Felize” nakangiting ani ko at saka kumuha ng tubig.

“Sige Lize, pasensya na na-ugalian na kasi naming gumalang sa mas nakakataas sa amin” paliwanag pa nito na nagpakunot ng noo ko.

“Sa susunod po i-ayon niyo po sa ugali dahil may ibang mas mataas na walang modo at walang galang kaya hindi rin sila dapat nirerespeto pero nasa sa inyo pa rin naman po iyon” Nakangiting tugon ko na ikinangiti lang rin ni 'nay Lourdes.

“Salamat Lize, aalahanin ko yan” tugon nito at nagpatuloy sa paghugas habang nakasandal naman ako sa semento nilang lababo at ininom ang tubig ko.

“Nasaan po pala sila 'nay?” tanong ko sa totoong pakay ko.

Kami lang kasi ang tao dito sa bahay.

“Ang mga bata ay pumasok na sa paaralan kaninang alas sais habang si Ramon at Xander naman ay umalis kaninang alas kwatro para pumalaot. Mas maganda kasing madaling umaga mag-umpisa dahil wala kang masyadong kaagaw sa mga isda” pagpapaliwanag ni 'nay Lourdes na ikinagulat ko. Nangingisda ang boyfriend ko?! That's new.

“Sumasama po pala sa pangingisda si Xander 'nay?” manghang tanong ko at masaya naman siyang tumango.

“Hindi niya ba nabanggit sayo?” tanong ni nanay Lourdes na nagpanguso sa akin. Parang marami pa akong dapat alamin tungkol sa baby ko.

“Hindi po e. Maaari po ba kayong magkwento tungkol kay Xander?” tanong ko pa at tumango naman si nanay kaya kaagad akong humigit ng upuan para maupo pero kaagad akong pinigilan ni nanay.

“Hephep, kain muna Lize at baka malagot ako sa mister mo pag malaman niyang inuna nating magchismis kaysa pagkain mo” ani ni 'nay Lourdes na nagpanguso sa akin at saka ako kumain.

Miswa at bagoong na may itlog ang ulam. Hindi naman na bago sa akin ang mga ulam na ito dahil naulam ko rin naman ito noon. Hindi naman kasi kami mayaman ni Nanay Flor.

“Ayon nga, unang uwi ng mga Frayles n'on dito sa pilipinas at dise otso palang si Xander noon nang bilhin niya ang beach house niya na regular na inaalagan ng asawa ko at iyon ang naging dahilan upang maging malapit ang loob ni Xander sa pamilya namin” nakangiting kwento ni manang Lourdes habang nakatanaw sa dalampasigan.

Mataas ang sikat ng araw ngunit hindi kami naiinitan dahil may malaking sanga ng mangga ang gilid ng lantay kung saan kami nakaupo ngayon.

“Pitong taon na rin pala ang nakalipas 'nay ano?” ani ko na ikinatango ni nanay, “Binilang mo pa talaga” natatawang tugon ni nanay kaya napatawa na rin ako.

“Kay Ramon natuto si Xander mangisda at kumayod pero mas marami pa rin siyang natutunan sa pangagalaga nina ate Emelda at kuya Rolly” pagpatuloy ni 'nay Lourdes na nagpagulat sa akin.

“Kilala niyo po si nanay Emelda at 'tay Rolly?” gulat na tanong ko at tumango naman siya.

“Syempre, nakakatandang kapatid ko iyon na nawalay sa amin dahil maaga siyang naninilbihan sa mga Frayles at doon niya nakilala si kuya Rolly” sagot nito na mas lalo kong ikinamangha grabe may bago nanaman akong kaalaman.

“Sa totoo lang lima kaming magkakapatid at ako ang ikalawa sa huli. Apat kaming babae at isa lang ang lalake namin iyon ay ang pinakamatanda sa amin ngunit namatay siya dekada na ang nakalipas” malungkot na pagkwento ni 'nay Lourdes.

I Have Found the Almond Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon