❝KADENA AT KAMATAYAN❞

4 1 0
                                    


(READ AT YOUR OWN RISK ‼️)
(ONE-SHOT-STORY)

Tahimik akong naglalakad sa medyo madilim na eskinita, habang ang mga poste ng ilaw at buwan ang nagbibigay liwanag sa daang tinatahak ko. Mga 10 na ng gabi ng matapos kong gawin ang trabaho ko sa museum.

Habang naglalakad papauwi ay bigla akong napadaan sa isang napakalaking simbahan rito sa lungsod, medyo madilim ito ngunit ng dahil sa mga poste ng ilaw at ng buwan ay hindi ito tuluyang binalot ng dilim.

May nakita naman akong tindahan sa gilid nito at bukas pa rin ito hanggang sa mga oras na ito kaya naglakad ako papunta roon at bumili ng dalawang kandila, balak ko kasing magsindi ng kandila sa simbahan, upang humingi ng gabay sa pag-uwi ko, malayo kasi ang amin, at wala na rin masyadong masakyan.

Papalapit na ako sa simbahan nang bigla nalang may malamig na hanging humipos sa katawan ko kaya napakibit balikat ako sa pagtataka.

Nasa gilid na ako ng simbahan, nagsisindi ng kandila.

Habang nagsisindi ay medyo nagulat pa ako ng makarinig ako ng kakaibang tunog sa loob, para itong kadena na hinihila na ewan.

Basta napakasakit nito sa tenga. Parang nanggagaling ito sa loob nitong simbahan.

Napakibit balikat nalang ako ulit baka kong ano lang yon.

Ngunit nang malapit konang matapos sindihan ang dalawang kandila ay tila'y mas lumakas ang tunog, kumikirot na ito sa tenga ko, nakakahindik.

Matapos kong ayusin ang mga kandila ay napansin ko nalamang ang mga paang lumapit sa malaking metal na pinto ng simbahan.

Nang makalapit ako ay tiningnan ko naman ang looban nito, hindi siya masyadong madilim dahil sa repleksyon ng liwanag ng buwan.

Nilibot ko naman ang paningin sa paligid hanggang sa huminto ang mga mata ko sa gitna ng simbahan sa may altar, at biglang nakaramdam ng kakaibang kilabot sa nakita.

May... May isang tao.

Tinitigan ko ito ng maayos at tuluyan na ngang nanigas sa kinatatayuan buhat ng matinding takot at panginginig.

Hindi ko wari kong tao ba ito o... Demonyo.

Napakalaki nito, mataas, kong susumahin ay mga 8 foot ang taas nito, napaka-itim rin nito at... At umuusok ang ulo maging ang balat, habang... Habang may malalaking kadenang sumasakal rito napakahaba ng kadena abot hanggang sa sahig.

Maging ang kaliwang paa ay may malaking kadena at sa dulo nito ay meron ring napakalaking bato, hindi ako sigurado kong bato ba talaga iyon o metal, hugis parisukat ito.

Napakabagal nitong maglakad, bawat hakbang ay may kaugnay na napakasakit sa tengang tunog, kumikiskis sa sahig ang kadena't hinihilang bato.

Hindi ako makagalaw, pilitin man ang sariling tumakbo papalayo sa lugar na ito, ngunit ayaw.

Pinagpapawisan narin ako buhat ng kilabot habang nakatingin sa nilalang na ito na mahinang naglalakad sa gitna ng simbahan.

Ilang minuto ang nakalipas ay bigla itong napahinto sa paglalakad at napalingon sa dereksyon ko, mga mababangis at mamula-mulang mata ang nakatitig sa mga mata ko kaya napa-atras na ako sa takot.

At napansin ko nalang ulit ang sariling mabilis na tumakbo papalayo sa lugar na iyon, habang nakatatak parin sa isipan ko ang wangis maging ang mga mababangis nitong mata.

Nang makalabas na ako sa simbahang iyon ay humihingal akong napahinto sa tapat ng tindahang binilhan ko ng kandila kanina.

“oh ineng ano ang nangyari sayo at natakbo ka?.” biglang tanong ng tindera nang makita ako sa harapan ng tindahan nito. Ngunit wala akong masabi, purong takot parin ang nararamdaman ko ngayon.

Nararamdaman ko parin ang mga matang iyon na sigurado akong nakatingin parin sa dereksyon ko.

Ano iyon? Anong klaseng nilalang yon!!!.

“nakita mo ang taong iyon, yung may kadena hano?”. Biglang tanong nito, kaya napabaling sa kanya ang atensyon ko.

“Kagaya karin nong mga naunang nakakita sa isinumpang nilalang na iyon iha”. Patango-tango nitong sambit.

“po?” mahina kong sambit.

“base sa nalalaman ko ay isinumpa iyon na habang buhay na maglalakad habang dala-dala ang napakabigat na kadena, katumbas ng kadena ang kasalanang ginawa nito, at isa pa base rin sa nakalap kong impormasyon, ang mga nakakita sa nilalang na iyon ay namatay, patay na sila iha, kaya mag-iingat ka, walang ni isa sa kanila ang nabubuhay.” seryosong sambit nito, kaya nakaramdam nanga ako ng matinding takot.

Ibig sabihin ay mamamatay ako?.

Hindi maaari.

“nasumpa ka na rin iha, wala nang kawala roon.” Huling sambit nito at umalis sa harapan ko.

“teka...” Magsasalita pa sana ako ngunit wala na ito, naka-alis na.

Napabuntong hininga nalang ako at pinilit ang sarili na hindi iyon totoo, nagmamalikmata lang ako, wala akong nakita!.

Mabilis na akong naglakad papauwi.

Habang naglalakad papauwi ay bigla naman akong nakarinig ng napakalakas na busina, kaya napalingon ako roon.

Saktong paglingon ko ay naramdaman ko nalamang ang sariling tumilapon sa magaspang na pader ng kantong ito at malakas na bumagsak sa sahig.

Naramdaman ko nalang ang pag-agos ng sariling dugo sa sahig at ang mga sigawang hindi ko maintindihan.

Mamamatay ako, kagaya ng sinabi nong babae.

_____________
(Plagiarism is a crime)
(Grammatical errors ahead)
Note: THIS IS BASED ON TRUE STORY ‼️ SOMEONE SHARES THIS STORY TO ME WHEN I WAS A KID, SHE'S ALREADY A GRANDMA AND SHE EXPERIENCE IT BUT NO ONE DIES OK? I JUST PUT A BIT OF FICTION TO THIS STORY‼️.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CREEPY ONE SHOT STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon