3

13 1 0
                                    

CLAIR

Ngumiti si Erica habang nakatingin sa mga mata ko.

"Thank you talaga, Clair" she said cheerfully. "I think we'll be great friends!"

"Naku! Wala 'yon! Basta yung pinag-usapan natin ha.." Tinignan ko siya sa kanyang masayang mga mata, naghihintay sa magiging sagot niya.

"Sure! I'll lakad you kay Karl, I gotcha!" Sabay kaming umupo sa upuan sa may lamesa sa tapat ng CapiKo Food Cart nang may maliwanag na mga mukha. Mukhang sumasang-ayon talaga sa akin ang diyos.

"So, tell me about Jk..." She leaned forward. Kitang kita sa kanyang mga mata ang hindi niya matagong excitement. "What is he like? Is he mabait? or matalino? or very explicit magsalita?"

"Wala namang interesting sa taong 'yon, may ugali pero nakakaboring!" Napairap ako nang maalala ko kung gaano kaboring at kung gaano katamad magdala ng conversation si Kairon.

Mas lalo namang napangiti at nagliwanag ang mga mata ni Erica, mukhang mas lalo pa siyang naging interesado.

"Well, I'm interested!" Humalukipkip siya. "So, ano nga?"

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "Palarecite siya sa klase lalo na sa mga subjects tulad ng english o di kaya p.e, pero kapag math na sobrang tinatamad na siya." Ngumiti siya na para bang siya ay nakaka-relate. "Ang boring kasi talagang magturo ng math teacher namin e. Alam mo yung tahimik ang classroom hindi dahil nakikinig kami sa kanya kundi dahil lahat kami ay inaantok na, buti nga nasu-survive namin 'yang subject na 'yan e" Pagkukuwento ko.

"Gets" Pag-agree niya. "Pero why is he so suplado?" Sumeryoso ang kanyang tono.

"Nonchalant talaga 'yan siya. Akala mo walang pake pero ang totoo ang dami ng iniisip" Pareho kaming tumawa ni Erica.

"He's like Karl pala!" Huminto siya sa pagtawa ngunit nanatiling nakangiti. "Karl's a bit intoverted but not with his friends" Tumango ako. "He has this cool aura and i'm pretty sure thats what you like about sa kanya." She throws a teasing look making both of my cheeks blush.

"Huy! Anu kebe!" Hinawi ko ang buhok ko papunta sa likod ng aking taenga.

"But sadly, I don't like him—" Nanlaki ang mga mata niya na para bang hindi niya ginustong sabihin iyon.

Ano?

She pressed her lips into a thin line. "Um. . he's courting me kase e" she faked a smile trying to lighten the moment so I also faked a smile in return to hide my disappointment.

Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Para akong trinaydor kahit alam kong hindi naman ganoon ang sitwasiyon.

"Pero don't worry!" Hinawakan niya ang pareho kong kamay. "I swear si Jk naman ang gusto ko." Ngumiti siya ulit pero this time ay mukhang totoong ngiti na. "That's why I'm helping you makalapit kay Karl din, 'di ba!"

"Ano kaba, okay lang! Hindi ko rin naman masisisi si Karl kung matipuhan ka niya, 'no. Sa beauty mong 'yan? Ewan ko nalang talaga!" Napangiti siya.

"Do you really think maganda ako?" Dahan-dahang nabura ang mga ngiti sa kanyang labi.

I sighed. "Oo naman, 'no!"

Bound To Fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon