Chapter 22: His Lips

345 35 22
                                    

IVAN

I was waiting for him to kiss me at the bonfire. But his lips were elusive. Sa tuwing nahuhuli niya akong nakatitig sa kanya, mabilis siyang lumilingon sa dagat.

I'm not ashamed. I'm asexual. Mahal ko si Yuki at hindi iyon dahil sa tawag ng laman o dahil sa itsura niya. Mahal ko siya dahil mabuti siyang tao. As the fire conflagrates behind us, as the water fills the entire sea, and as the fine earth embraces our feet, I let the air witness this special moment and let the stars hear the thing that I was about to say...

"I wanna kiss you, Yukihero."

Mabilis niya akong nilingon. His skin color started to have more ember than the fire. I saw again the flames reflect on his bashful eyes.  I saw him gulp. His lips made a straight line. Kitang-kita ko kung paano niya binasa ang mga iyon.

There were a few seconds of motionlessness. Marahan kong tinungkuran ang mga kamay ko para mas lalong makalapit sa kanya.

But he was very still. I imagined that there was a transparent wall between us. Huminto ako sa paggalaw dahil sa isip ko, narating ko na ang bahagi ko ng pader na iyon. I don't wanna cross my boundaries. Alam kong ito rin ang iniisip niya.

But at this moment, kung susubukan niya lang lumapit sa bahagi niya ng pader, I would jump my entire body to his side of the wall.

Still, Yuki did not move. He was just looking at me. It's as if he was holding his tears. The water in his eyes made the light from the flame shine more. He looked up to the stars this time. "So, kelan ang kasal mo?"

I felt my arms shake. Napahakot ang mga kamay ko ng buhangin—mga walang labang buhangin na sinisimulang panggigilan ng mga daliri ko. The way he said it was so civil. Tila para siyang news reporter nang tanungin niya ako nang ganoon.

"Bukas na kung gusto mo. Excited ka naman ata masyado," nabuburyo kong sagot. Ibinalik ko ang buhangin sa dapat nitong kalagyan. Mabilis akong tumayo. Inihagis ko sa kanya ang polo niya. "Ayan na ang polo mo, baka ma-late ka pa sa interview mo. Namoka!"

"Interview?"

Hindi ko na siya pinansin. Pinulot ko ang mga hinubad kong uniform ko at dumiretso sa mansyon. He followed me afterwards.

I was only wearing my shorts. Pareho kaming pumasok sa manyong walang ibang tao.

"Nasaan ang CR ninyo rito?"

"Sa kuwarto ko sa taas."

"E, 'yong ibang banyo?"

"Naka-lock kasi ang ibang room. Wala kasi akong pasabi na uuwi ako at nakabakasyon ang mga caretaker ng mansyon. Ang banyo ko lang sa taas ang may tubig."

"Sige, sa labas na lang ako iihi."

"Bakit sa labas pa?"

"Basta."

Then it hit me. May bigla akong naalala. Iyong conference na dinaluhan ko. Mabilis ko siyang hinabol bago pa siya makapunta sa pinto.

"Yuki, sino ang gumaganito sa 'yo?"

"Anong gumaganito?"

"Sino ang nagsasabi sa'yong hindi ka puwedeng gumamit ng banyo ng ibang tao?"

Hindi niya ako sinagot. Mukhang tama nga ang hinala ko. Kagaya ito ng diskriminasyon na naranasan niya sa gym.

Pumunta ako sa likod niya. Kahit malaki siyang tao, pinilit ko siyang itinulak pataas ng hagdan. "Doon ka sa taas magbanyo, mag-uusap tayo pagkatapos mo."

"Hindi puwede!"

"Anong hindi puwede? Magwawala ako rito, sige!"

Ilang segundo siyang nag-isip. Nilinsikan ko siya ng tingin. Parang bata siyang sumunod paakyat sa kuwarto ko at gumamit ng banyo. I quietly followed him and waited for him in my bed.

Falling for the MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon