-Zhary-
Halos 30 mins lang ang byahe namin narating namin ang bahay nila Junely. Simpleng bahay pero elegante. Sa buong area na yun sila ata ang may pinakamalaking bakuran at pinakamalawak na bahay. Pagkapasok na pagkapasok palang namin sa gate ay sinalubong agad kame ng kanyang ina na may matatamis na ngiti sa labi. Ang bait ng ina ni Junely. Hindi din sya palausisa. Parang sanay na sya na maraming kaibigan ang kanyang anak na dumadalaw palagi kaya hindi na sya nagtanung tanung pa. Inilibot mona ako ni Junely sa bahay nila matapos nyang magpalit ng damit.
Sa likod ng kanilang bahay ay may kubo na malaki, gawa iyon sa kawayan at may malawak na mesa sa gitna.sa gilid ng kubo ay may mga bulaklak sa harden na nagbibigay ng magandang ambiance sa kubo. Sa unahang bahagi naman ng kanilang bahay ay, meron silang sari sari store na syang pinaglilibangan ng kanyang Mommy Victoria at Isa namang cheif sa isang sikat sa restaurant ang ka
nyang Daddy Darius. Masaya kameng nag kwentohan ni Junely sa kubo matapos namang kumain at naghihintay na ngayon ng mga kaibigang darating. Panay sulyap ko sa relo ko, and it's almost 7.30 PM. na..
Pero matagal pa ang out ni Royce. Kinakabahan din ako sa mga nakikilala ko dito. Okey lang Kaya? Nakakahiya.. Hindi ako mapakali.Maya maya pa ay may naririnig na akong tawanan palapit sa amin. Agad akong ninerbyos.
"Andito na sila Ma'am, sasalubongin ko lang. " kinakabahan akong tumango tango sa kanya. Agad din naman syang umalis para puntahan ang mga boses na naririnig ko. Maya maya pa ay natatanaw ko na mula sa kinauupuan ko ang isang matigas din lesbian na kasing tangkad ni
Junely. Halos pareho din sila ng haircut, medyo chubby lang sya ng kaunti kay Junely. Ang isa namang lesbian ay mapayat at halos same haircut din kay Junely pero mas mahaba lang ang bangs nito sa harap.
Palapit na sila ng palapit sa akin. Kaya lalo akong kinakabahan.Nang kaunting hakbang nalang para marating nila ang kinaroonan ko, nakarinig ulit ako ng mga tawanan. Sa mula sa pinanggalingan nila Junely ay bumungad ang isa pang mapayat at medyo matangkad na lesbiana habang nakikipagharutan sa kanyang kasamang isang matangkad na lalaking gwapo pero I can see to his move that he is not straight. I can tell right away but I can't say it on my own. Inintay sila nila Junely at ng makalapit ay sabay sabay silang pumasok sa loob ng kubo.
May ngiti sa mga labi nilang lahat. Naiilang akong bumati sa kanila.
"H-hi... " alanganin kong ngiti at naramdaman ko ang init ng pisngi ko.
"Woooow!!! May bisita pala tayo? Sino sya ? Bagong jowa mo Junely? " agad na tanung ng isang morenang tibo na mapayat kay Junely.
"Gago! Manager ko yan. " binatokan nya agad ang nagsalita. "Si Ma'am Zhary. "
. "Aaayy! Sorry po Ma'am. " ilang beses syang yumuko sa harap ko na naging dahilan ng pagngiti ko ng malawak.
"Sossy ang name akala mo mapera! " biro ng nag iisang lalaking kasama nila.
"Sira ka ba obvious namang mapera sya sa pananamit nya. By the way, I'm Mel. " agad na pakilala sa akin ng isang kasing tangkad ni Junely na chubby lesbian. Inilahad niya ang mga kamay nya sa akin at agad ko naman iyon tinanggap.
"Rey nga po pala Ma'am . " matapos kong kamayan si Mel ay, sinunod kong kamayan ang nagpakilalang si Rey, na nagtanung kanina kong jowa ba akong ni Junely. Matamis ko ding syang nginitian. "Hi Zhary. " pakilala ko sa kanya.
"Ma'am, che ako. " nakangiti akong kumaway sa kanya kase nakaupo na sya sa gilid at halatang nahihiya.
"I'm Rod! Isang malakas, masipag at poging si Rod!. Natatawa ako sa mga banat na biro nitong si Rod. Ang sassy nya tingnan.
Matapos magpakilala ay nagkwentohan kame at nagpabili na din ng alak si Junely. At habang nag hihintay kame sa pagdating nila Royce at Crista ay nagsimula na din kameng mag tagay. Nagpabili na din ako ng pulutan para sa iniinom naming alak. Masaya at magaan silang lahat kasama. Hindi ko nararamdaman na hindi nila ako kaibigan. Ilang oras palang kame magkakasama pero pakiramdam ko matagal na kameng magkakakilala. Habang lumalalim ang gabi napaparami na din ang inom ko pero kinokontrol ko lang. Nakaramdam na din ako ng init sa katawan kaya hinubad ko ang jacket ko na tumatabon lang sa spaghetti denim strap ko na suot .
BINABASA MO ANG
Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂)
RomanceZhary April Monluis is a senior manager in a small company with a few branches in town. Pero bigla nalang nag resign ang kanyang supervisor ng walang abiso sa kanya kaya wala syang choice kundi mag ikot sa buong branches to take care of all the inve...