TILL DEATH (ONGOING SERIES)

83 2 1
                                    

Ang pangalan ng mga tauhan at mga pangyayaring nabanggit sa aklat na ito ay likhang isip lamang ng may akda at walang kinalaman sa sinumang tao, buhay man o patay. Ang anumang bahagi ng storyang ito ay hindi maaring ilathala o isalin sa ibang porma sa anumang paraan ng walang pahintulot mula sa tagapaglathala.........

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PROLOGUE (PART 1)

Isang maliwanag na maliwanag na ilaw ang nakita ni Karel. Nakakasilaw ang sobrang liwanag na ito. Nang ma adjust ang mga mata niya, nakita niya si Bullet. Napangiti siya. Akala niya ang kung ano na ang nangyari. Paglingon niya, nakita niya na nakaparada pa rin ang kotse sa ilalim ng puno. Naging pamilyar na muli ang paligid. Hindi pa pala sila nakakaalis sa lugar na iyon. Marahil ay panaginip lang ang lahat, sa loob loob ni Karel. Nakatulog marahil siya sa likod ng kotse dahil sa epekto ng alak. Nandoon pa rin si Bullet. Nakangiti sa kanya. Pumasok na ulit sila sa kotse. Binuksan ni Bullet ang mp3 radio ng kotse at tumugtog ang awiting,

If you leave me now,

you'll take away

the biggest part of me.

Ohhh, baby, please dont go.

Parang naibahan si Karel. Parang kakarinig lang niya ng kantang iyon. Parang fresh na fresh pa sa alaala niya. Pero saglit lang din at binalewala niya iyon. 

Karel: "There's  this weird feeling, Bullet." (Nagawang ibulalas ni Karel. Talagang naiibahan siya sa pakiramdam niya.

Bullet: "What feeling?"

Karel: "Its like I've been here. Parang nangyari na ito the second time around."

Bullet: "Anong ibig mong sabihin? Sabi mo hanggang Caloocan lang ang narating mo sa side of town na ito. Paano mangyayaring nakapunta ka na rito?"

Karel: " Basta lang, the feeling is familiar. I can't explain pero ganun."

Bullet: "Hey , babe that's impossible. Baka sa panaginip mo lang. Deja vu. Ganun." Come here." (Inabot ni Bullet si Karel at niyakap siya. Nakasubsob ang mukha ni Karel sa dibdib ng lalaki. Hindi nakita ni Karel ang mga mata at ngiti ni Bullet habang yakap-yakap siya. May kahulugan ang mga tingin at ngiti, na tila may binabalak.)

Bullet: This time, we'll have each other. Forever."

Karel: B-Bullet." (Nais sanang magprotesta ni Karel at sabihing, ikakasal na ako.)

(Walang tayo. Kahit kailan ay hindi maaaring maging tayo. Ang mayroon lang ay ako at si Atom. Gusto kita pero hindi tayo ang para sa isa't isa. Oo masaya akong kasama ka, exciting, thrilling at mapusok ka. Pero sapat na ba 'yon para makasama ka habang buhay? Masaya ako nang ganito lang tayo. Magagandang alaala, mga panandaliang ligaya. Marami pa siyang gustong sabihin kay Bullet. Pero hindi iyon naisatinig ni Karel)

 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

ANO KAYA ANG MANGYAYARI KAY KAREL???????

ANO DIN KAYA ANG PLANO NI BULLET?????????

ABANGAN SA PART 2

(c)Eman Neri

--oooo----nicorl :)-ooooo--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TILL DEATH (ONGOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon