"Wooaaahh........inaantok pa ako". (Tiningnan ko ang wall clock)
"4:30am na pala"
Dali-dali akong pumunta sa cr para maghilamos. Nagtataka siguro kayo kung bakit ang aga kung gumising, eh kasi, mag-sisimbang gabi ako ngayon, oh diba, ang bait ko XD. Pagkatapos ko maghilamos, uminom muna ako ng kape at tsaka nagbihis at nag toothbrush na rin.
4:50am
Nakarating na ako sa simbahan, mabuti na lang at hindi pa nagsisimula ang misa. Agad akong pumasok sa loob at umupo. Pagtingin ko sa katabi ko, hindi ko napansin, na si Jay pala ang katabi ko, ang ultimate crush ko since pa nung Highschool kami(kyyaaaaaahhhhh!! kinikilig ako ^______^).
First year College na kami ngayon, at ang mas masaya eh, magkaparehas pa kami ng department, magkaiba nga lang ng course, pero ok lang yun, at least, palagi ko syang nakikita ng malapitan. :))
"Hi!", nabigla ako dahil biglang nagsalita si Jay, sino kaya kinakausap niya??, malamang hindi ako 'yun, bakit naman siya magha-hi sa akin eh, hindi niya man ako kilala(di ako sure). Pero pagtingin ko sa tabi niya, wala namang tao.
"Hi!", ulit niya. Ah, ako pala kinakausap niya. Ha??. Teka, ako kinakausap niya?? O_O, kyyaaaahhhhh!!.........
"Hello", sagot ko naman.
"May kasama ka ba?", tanong niya. Bakit ba ako kinakausap neto? Siguro walang magawa, hindi pa naman nagsisimula ang misa.
"Ah, eh. Ako lang", halos mautal-utal ko pang sabi.
"Ah, ganun ba", hindi na ako sumagot pa, alangan naman sumagot pa ako, hindi naman niya ako tinatanong. At tsaka, baka lalo lang akong mabingi dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
Nabigla na lang ako nang may kumalabit sa likod ko. Paglingon ko, uy! Nandito ang mga besties ko, sina Janine at Bea. Sila ang magkasama dahil magkapitbahay lang naman sila. Abot tenga pa nga ang ngiti nila ng makita nila na katabi ko si Jay.
"Uy, Kaizie! Humahaba na ang buhok mo ah. ^__________^" Janine mouthed. Baka kasi marinig ni Jay. Nginitian ko nalang sila bilang sagot, nagsisimula na rin kasi ang misa.
Pagdating dun sa part na maghahawakan na kayo ng mga kamay, kinabahan ako bigla, baka kasi maramdaman niya ang panginginig na mga kamay ko, pero ok lang 'yun, at least mahawakan ko kamay niya XD. Mabuti na rin at nandito sa likuran ang mga besties ko para mapigilan ako, baka kasi di ko mapigilan at bigla-bigla na lang akong sisigaw dito sa simbahan dahil sa kilig.
At ayun na, natapos na rin ang misa. Sabay-sabay kaming naglakad ng mga besties ko palabas ng simbahan. Nakaka-sad nga dahil hindi ko na katabi si Jay :(( .
"Besties, nagugutom na ako, pede libre? Naiwan ko kasi pera ko sa bahay eh, please ^__^", at nagpacute pa si Bea para lang malibre.
"Wala akong pera eh, naiwan din", sabay pa naming sabi ni Janine.
"Mag bestfriends talaga tayo, kung wala ang isa, wala lahat -_____- XD"
"Gutom na ba kayo?, ako nalang maglilibre sa inyo. Para kasing wala kayong dalang pera eh :) "
"Ay! Puto Bumbong at bibingka!!" sabi ko. Bigla nalang kasing may nagsalita sa likuran ko, ayan tuloy, kung anu-ano na ang mga pinagsasabi ko, gutom na talaga ako -____-. Nakakahiya tuloy.
Paglingon ko.....................................................................................................................
ASDFGHJKL
BINABASA MO ANG
Meant To Be
Teen FictionAng masasabi ko lang, 'Wag na kayo masyadong mag-effort na mapansin kayo ng taong mahal mo. Dahil, kung "Meant to be" talaga kayo, Kayo rin ang magkakatuluyan sa huli ^_^