Ako ay si Dimie, dito ako sa Manila nagtatrabaho ako bilang isang photographer. Sa wakas uuwi na ako bukas at surprise ang pagkakauwi ko tiyak kong matutuwa ang aking mag-ama. Matagal din naman kami hindi nagkasama mahigit na isang taon din. Syempre excited na din akong umuwi dahil sa wakas magkakasama na naman kami.
"Manong,sa kanto lang po!" salamat naman at nakarating din ako, sobrang bigat ng bag ko ang laman pasalubong sa anak kong si Rainer sigurado akong matutuwa siya sa mga pasalubong ko sa kanya.
Palapit na ako sa bahay nang makita ako ng anak ko na paparating.
"MAMA!" ang masayang sigaw ni Rainer.
"Anak ko!" niyakap ko siya nang pagkahigpit-higpit habang tumutulo ang luha ko sa saya.
"Saan ang papa mo,bakit ikaw lang mag-isa ang nandito?"
"Wala siya dito, Mama.May pinuntahan sila ni Tita Lyn."
"Sino si Tita Lyn, anak?"
"Basta Mama, ayaw ko sa kanya kasi lagi niya na lang ako pinapagalitan kahit wala akong ginagawa."
Biglang dumating ang asawa kong si Rennie.
"Dimie! nandito ka na? Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka?"
"Rennie, sino si Lyn na sinasabi nang anak mo, ha?(umiyak) Niloloko mo ako, Rennie?"
"Tumigil ka Dimie, kasalanan mo dahil iniwanan mo kami".
"Nagawa kong umalis dahil sa inyo! Tapos ito ang igaganti mo sa akin.Naghihirap ako sa Maynila para mabigyan kayo nang magandang buhay pero 'yong pinaghihirapan kong pera ginagastos mo sa babae mo!
"Tama na po Mama, huwag na po kayo mag-away ni Papa!"
Sa sobrang galit ko kay Rennie, sinampal ko siya. Nilapitan ko din si Lyn at sinampak at sinabunutan sa harapan nang aking anak. Napahagulgol ako sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Niyakap ko nalang ang aking anak. Ang akala ko sila ang masusurpresa ko pero kabaliktaran ang nangyari dahil ako ang nasurpresa nang husto sa aking nalaman. Wala akong mapuntahan nang mga araw na yun kaya tumira ako sa bahay namin na kasama ang kabit nang asawa ko.
Sa bawat araw na dumadaan naging mahirap ang buhay namin nang anak ko kasama si Lyn, dahil pinapakita nang asawa ko na ma matimbang si Lyn kaysa sa amin nang anak ko. Natutulog silang magkasama sa kwarto namin samantala kami nang anak ko ay sa sala lng. Sobrang sakit na makita ang taong minamahal mo na harap harapan kang niloloko at sa sarili mo mismong pamamahay.