Keize's POV
LUMIPAS ang oras na puro kami tawanan at kwentuhan. I've never imagined na ang biro at laro na pagsali sa mga gang turned into a real one. Totoong masaya ako dahil sa nabuo sa pagitan naming lahat.
"Laro tayo!" Magiliw na ani Kennan nakataas pa ang kamay.
"Anong laro?" Ang atensiyon namin ay na kay Kennan. Humawak siya sa baba niya na animong nag-iisip. Lahat kami ay humagalpak ng tawa ng batukan siya ni Vito.
"Aray!" Sinamaan nito ng tingin si Vito. "Inaano kita?"
"Akala ko naman may naisip ka na, pataas taas ka pa ng kamay." Nakangiwing anito. Hindi ako matigil sa katatawa dahil halatang may mga tama na sila.
"Tawang tawa Keize?" Nakangusong puna ni Kennan sa'kin. Naglapat ang labi ko at nagpigil ng tawa.
"Truth or Dare na lang?" Suggestions ni Cambree.
Nagkasundo kami na iyon ang laruin. Nakapalibot kami sa isa't isa, mga basa. May consequences ang pipili sa truth pero hindi sasagutin. Napangiwi ako sa isang baso ng alak na nasa gilid namin. Iyon ang consequence.
Si Kairo ang may hawak ng bottle lahat kami duda sa kaniya.
Kinabahan ako ng ma-spin ang bottle. Lahat kami tutok kung sino ang ituturo ng bote.
"WAHAHAHAHA!" Sa kay Kairo nakatutok ang nguso nito. Halos maiyak ako sa pagtawa lalo na nang makita ko ang nakabusangot na mukha nito.
"Bida bida ka kasi HAHAHA!" Nakadurong ani Felix sa kaniya.
"Truth or Dare?"
Nag-isip pa muna ito bago sinamaan ng tingin ang nagtanong sa kaniya.
"Dare!"
"Umuwi ka na."
"WAHAHAHAHA!"
"Fuck you! Pinagtitripan niyo ako ah!"
"Lumangoy ka ng limang beses." Nagdadabog siyang sumunod.
Mabilis kong kinuha ang phone ko para videohan siya. Saka ang mga kaibigan namin na tawa ng tawa.
Naghahabol ito ng hininga at padarag na umupo saka inikot ulit ang bote.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Binulabog namin ang buong resort sa lakas ng tawa dahil natapat na naman sa kaniya.
"What the hell? Madaya ang bottle na iyan!" Halos basagin niya ang bote sa inis.
HAHAHA!
"Ikutin mo ang table natin pitong beses."
Shocks! Nakakahilo yon.
Nagtuloy ang ikot ng bottle. Nagtawanan kami ng tumapat kay Aaron.
"Truth."
"Anong kulay ng brief mo?"
"What?"
"I said it na."
Nakapikit siyang sumagot. "Red."
"HAHAHAHAHA!"
Nakailang ikot na lalo akong kinakabahan dahil hindi pa natapat sa akin.
Nang muling umikot ang bote ay tumapat kay Czarina ang bote.
"Dare." Wala pang nagtatanong pero sumagot na siya. Nag-isip ako ng pwedeng ipagawa sa kaniya.
"Hold Kairo's hand." Nakakalokong ani Oliver.