Xian's POV.
LUMABAS kami ng resort dahil kinulang kami sa dalang pagkain, at isa pa gusto nila ng malamig kaya nagpabili sila ng yelo.
Tsk! Ayaw ba nila uminom na lang sa pool malamig din naman yon.
Kasama ko sila Zeke, Kairo, Felix at Claud, ang iingay nila kahit kailan. Naririndi ako lalo na kay Kairo.
Medyo malayo na ang nalakad namin kasi hindi naman namin expected na ang layo ng mga tindahan sa resort. Medyo pinagtitinginan kami, ngayon lang ata sila nakakita ng mga naggagwapuhang lalaki na naghahanap ng tindahan ng yelo.
"Excuse me, may alam ba kayong bilihang ng ice?" Tanong ni Felix ng makalapit sa isang babae, biglang namula ang mukha nito at siniko ang kasama.
"Ahh! Ano po kuya HIHIHI." Animo itong kinikiliti hindi malaman kung kanino titingin sa amin. "Lakad na lang po kayo diyan, may malapit na pong tindahan." Malaki ang ngiting dugtong niya.
"Okay, thanks." Sabi ko not to prolong the conversation nauna na akong maglakad.
"Sungit dre." Panunukso ni Claud.
"Ayaw niya kasing magselos si Haniah." Natatawang dugtong ni Felix. Tumigil ako at sinamaan siya ng tingin.
"You're prohibited to call her Haniah." Seryosong sabi ko.
"Nice, lover boy." Nakangiwing ani Zeke.
"Hoy! Huwag niyo ngang inaano si pareng Xian, nagbubuga 'to ng apoy kayo din." Binatukan ko siya at pabalang na inalis ang kamay na nakaakbay sa akin.
"Aray ko maman! Ikaw na nga ang kinakampihan ko eh." He scoffed.
Tss. Nonsense.
Ilang minuto pa ng makita namin ang tindahan na tinuro nang babae kanina.
"Tao po, may yelo po?" Tawag ni Kairo, maya-maya pa ay lumabas na ang may katandaang ginang.
"Tube ice lang." Seryosong saad ng tindera.
"How much miss?" Tanong ni Zeke at naglabas ng wallet. Natawa ako ng pandilataan siya ni Kairo. "Anong problema mo?" Singhal nito sa huli.
"Malamig po ba yong yelo?" Parang tanga na tanong ni Kairo.
"It's ice of course malamig, anong trip mo Kairo?" Kunot noo na tanong ko sa kaniya.
"Malay mo naman hindi malamig." Natatawang anito.
"Hoy! Gago kayo HAHAHAHAH!" Tawang-tawa na pigil ni Claud.
"Itong curls te, masarap?" Tanong naman ni Felix. Nasapo ko ang noo sa mga kagaguhan nila.
Bumalik ang tindera dala ang yelo sa may kalakihang plastic. "Oo sir."
"Magkano po ito?" Tanong ulit ni Zeke bago kinuha ang tube ice.
"Bente." Sagot ng tindera.
"Pwede kinse na lang?" Si Kairo na nagbukas ng isang Nova.
"Hoy! Mukha ba kayong nasa palengke?" Tanong ko ka sa kanila, siraulo kasi tumawad pa.
"Kinse nga lang sa'min yan." Sabat ni Claud.
"Sampu nga lang sa'min" Naglapat ang labi ko nang sumali pa si Felix sa mga kalokohan nila.
Ano ba naman 'tong mga taong 'to.
"Ito ate magkano?" Tanong naman ni Kairo sa curls na kinakain niya.