dedicated to: WhiteTeeShirt🤍
Hi..Hellooo..Huhu.. Sorry ngayon lang nakapag-update ulit pero asahan niyo na sisipagan ko na! Malapit na kase pasukan namin. Naging busy lang si author sa enrollment hehe kaya ganun. Pero ito na hehe nga yung update. Sana magustuhan niyo! Thank you so much sa votes! Pwede niyo rin ako i-follow hehe. 🤭 Enjoy!!
Pagkaraan ng ilang araw, balik na ulit ako sa mga gawain ko sa bahay-ampunan.
Kasalukuyan akong nagma-mop ng tiles sa loob ng canteen dito. Dito rin kami nagluluto at kadalasan ay kumakain.
Napabuga na lamang ako ng hangin sa kawalan. Ilang taon ko ng ginagawa ito pero ngayon lang ako nakaramdam ng pagkabagot at pagod.
"Hays.. Anu ba yan!" inis kong usal.
Matapos kase nung insedenteng iyon sa bayan, di na muna ako pumasok sa Coffee shop. Hindi rin ako nakapag-paalam ng maayos kay Sir dahil na rin siguro sa nangyari.
Hindi ko pa kase alam kung paano haharapin si Boss lalo na't may nangyaring ganoon. Jusko!
Yung malala pa ay maraming nakakita sa kaganapan iyun.
Mukhang wala na nga akong mukhang maihaharap sakaniya eh. Nakakahiya talaga! Huhu.
Ang palpak mo kase Feliz! Sa dinami-raming lalaking pwede mong maging first kiss, yung Boss mo pa!
Toinks lang eh noh?
Nakapagtataka na hindi kumalat yung nangyari sa harap ng coffee shop. Kahit na maraming mga taga-media at paparazzi ang mga nakakuha ng picture naming dalawa.
Nakapagtataka rin na walang imik yung mga katrabaho noong isang araw na dumalaw ako sa coffee shop.
Weird di ba?
Pero syempre tyinempo kong wala dun si Boss with the help of my bespren Kevs. Palabiro man at loko-lokong mag-isip minsan, maasahan mo naman talaga pagkailan.
Kahit na ayaw niya ang pinapagawa ko ay buti nalang at pumayag parin si Kevs sa pabor kong ibigay yung letter kay Sir. Allergic naman kase masyado kay Boss eh pano ba naman kung Ikaw yung palaging sinusungitan araw-araw.
Sino naman talaga ang di manggigil dun!?
Naalala ko nga yung sabi niya na kahit suplado si Boss sa'min, ayus lang kase maganda siya magpasahod at may mga benefits pa.
Aberrr..Saan ka makakahanap ng coffee shop na halos lahat ata ng benefits, assurance, at maging fees ay mayroon ang bawat isa sa mga empleyado niya.
Tinext ko kase siya noon kung present ba si Boss sa shop. Sabi naman niya sa'kin ay nakapagtatakang absent ngayon si Sir Asher, noong nakaraang araw daw kase ay napapadalas yung punta niya sa shop.
Binansagan na ngang Early Bird si Boss, pano ba naman kase hindi pa naman tuluyang pumuputok at bumubuka yung bukang-liwayway ay naroon na siya. Tuwing gabi naman ay halos libutin na yung loob ng coffee shop kakalakad dito, lakad doon.
Kailan pa siya naging security guard?
Dagdag pa nga niya minsan ay tinatawag siya nito dahil may tatanungin daw, pero kapag tintanong na niya si Boss tungkol sa gustong tanungin nito ay saka namang sasabihin na..
"Nothing, important.."
O kaya naman.
"Oww.. about that, forget about it."
Pero kadalasan ay...
"I forgot about it again, so so-rry.."
Dagdag pa nga niya, mukhang matindi yung allergies ni Boss pagdating sa paghihingi ng sorry o kaya naman sa pagpasalamat.
BINABASA MO ANG
Flowers For Him
RomanceFlowers For Him Every day, he received a flower from a secret admirer. Who was it from, and why him?