Isang linggo na ang nakakalipas simula ng party kung saan namin nameet sina Traven, Liam, Maxine at Haya, at simula noon ay naging matalik kaming mag kakaibigan, lagi kaming sabay na kumakain sa lunch at halos kabisado na namin ang schedule ng bawat isa, nakakatuwa rin dahil hindi na kami nakakaramdam ng kahihiyan kapag magkakasama kami, umaakto kami na parang taon na ang tinagal ng pagkakaibigan namin.
Nasa loob ako ngayon ng SSG Office dahil vacant ko ngayon habang yung lima ay nasa mga klase pa nila, napagusapan naming mag sleep over sa bahay nila Traven dahil nabobored raw sya, sawa narin raw sya sa mukha ni Maxine kaya gusto nya ng sleep over, sakto rin naman at wala raw ang tita nila. Ngayon ay naghihintay nalang ako na mag alas-kwatro para makasama ko na ang limang ulupong ng buhay ko.
"Ms. Villarosa, tawag po kayo sa office ni Sir Maco." Pumasok sa loob ng office ang isang junior year, napaisip tuloy ako kung bakit ako pinapatawag ng isang Science teacher.
Tinanguan ko ito at saka tumayo sa kinauupuan ko at nagtungo sa office ni Sir Maco. Pag pasok ko sa loob ay bumungad agad saakin ang guro na siguro ay kanina pa ako hinihintay. Nginitian ako nito at saka pinaupo sa harap ng desk nya.
"Bakit sir? May problem po ba?" Tanong ko rito pagkaupo ko, sya kasi ang head teacher ng Science Department kaya medyo kinabahan ako, alam ko kasing wala akong bagsak sa unang quarter na lumipas, atsaka kung mayroon man, science teacher ko mismo ang kakausap saakin.
"Wala naman hija, congratulations pala dahil with high honors ka the previous quarter at sa kaka-publish nyo lang na newspaper, i heard how serious you are pagdating sa mag extra curicular activities na sinasalihan mo, and i must say.. you're such a great SSG President, lahat ng teacher sa campus ay nabibilib sa talento mo sa pamumuno" Panimula nito sa conversation, sinamahan nya ito ng matamis na ngiti upang pagaanin ang atmospera, nahalata nya ata ang pagiging anxious ko.
"No need to mention it Sir, but thank you po for the compliment, bakit nyo nga po pala ako pinatawag dito?" Nginitian ko rin at saka napalitan ang ekspresyon ko sa mukha ng curosity.
"Ikaw kasi ang naiisip kong student na fit para sa nalalapit na competion, it's about Science you know? all you have to do is memorize the periodic table, what does the symbols stands for at kung saan ginagamit ang mga nasabing elements, kung maipapanalo mo ang competion na ito, you'll get a cash prize at may chance ka pang matanggap sa isang private university with a full scholarship. i heard how good you are at memorizing things kaya nasabi kong fit ka para sa competion na ito, kailangan ko lang ay mag agree ka." Kitang-kita ko sa mga mata nito ang expectations, na para bang ako lang talaga ang studyante na iniisip nyang dapat isali sa paligsahang ito, malaki naman ang tiwala ko sa memorization skills ko pero hindi pa ako sigurado sa magiging schedule ko.
"Ahh, ganon po ba? ahmmm... i guess we still have time? pagisipan ko po and when i finally got to decide, sasabihan ko po kayo agad." Ngumiti ako sakanya ay ngumiti rin ito saakin, tinanguan nya ako na sinyales na sinasangayunan nya ang sinabi ko.
"May two weeks pa bago ang competion" He stated bago ako tuluyang makalabas sa office nya.
Paglabas ko ng opisina, agad kong pinagisipan ang mga posibleng mangyari kapag sumali ako sa competition, I am 99.99% sure na i can ace that competion. Kapag nanalo ako, mababayaran ko ang bills ni mama sa hospital gamit ang perang makukuha ko, habang makikinabang rin ako sa scholarship na matatanggap ko. I can't decide properly.
'Discuss ko nalang mamaya sa sleepover, maybe they can help me?'
"Valentina!!! Kanina ka pa namin hinahanap! mamimili pa tayo ng snacks para mamaya, where have you been?" Traven approached me habang nasa likod nya sina Haya, Liam at Jaz. Mukhang tapos na sila sa mga klase nila at atat na ata ng mag liwaliw.
"Nasan si Max? Nasa klase pa?" Sagot ko dito at iniwasan ang tanong nito, napansin ko kasing kulang kami ng isa. Nilibot ko ang tingin ko dahil baka nasa paligid lang sya at hindi mahagip ng mga mata ko.
"Nasa labas, sabi kasi namin hintayin nalang kami don, san ka ba kasi nagpunta? sabi mo nasa Office ka lang tas pag tingin namin wala ka naman don" Sabat ni Jaz na mukhang hirap na hirap sa buhat-buhat nya.
"I'll tell you later, tara na baka naiinip na ang prinsesa sa labas" Sabi ko sabay marahang tumawa. Naglakad ako at sumunod naman sila saakin, paglabas ko ay nakita ko agad si Maxine na naka tayo malapit sa sasakyan namin.
"I have my car, dun na kami nila Jaz at Liam, isakay mo na sila Maxine at Haya. Goods?" Panimula ko ng makalapit kami sa mga sasakyan namin. Tinanguan nila ito at pinagkasunduang sa grocery store nalang kami mag kita-kita, pagkatapos ay pumasok na kami sa loob ng sasakyan.
"I'll drive, you seem like cloud headed, you good?" Tinignan ako ni Liam kaya nginitian ko lang ito, agad naman nyang naintindihan na may kung anong bumabagabag sa isip ko kaya sya na ang pumasok sa driver's seat.
" I don't have to ask, I already know the answer. Do tell kapag kaya mo na" Tinapik naman ni Jaz ang balikat ko at saka sumakay sa back seat, wala nman na na akong ibang nagawa kun'di ang sumakay nalang din sa kotse. Pagpasok sa loob ay naramdaman ko ang comforting silence na sadyang ibinigay ng mga kaibigan ko.
Mabilis lang naman ang byahe, ang kaninang tahimik na atmospera napalitan ng malalakas na halkhakan ng magsama-sama ang anim na nilalang sa loob ng grocery store, kahit nakakaramdam ako ng kahihiyan dahil sa ingay namin, wala naman akong magawa kasi ang hirap sawayin ng limang 'to. Pagkatapos mamile ng mga pagkain, pumunta naman kami sa kanya-kanya naming mga bahay para kumuha ng gamit at damit para sa 'sleepover' kuno mamaya.
'kala mo talaga matutulog kami oh, magbabaliwan lang naman kami mamaya'
Bahagya naman akong natawa sa thought na naisip ko, malabo kasing matulog kami mamaya, knowing Liam and Traven, they will do their best para panatilihin kaming gising dahil ugali nga nila 'yon, idag-dag pa si Jaz na isa ring malakas ang tama, walang humpay na kantahan ang gagawen nyan mamaya.
'Sana di agad maubos ang social battery ko mamaya, mahirap na baka masungitan ko ang mga baliw na ito'
Pagdating sa bahay nila Traven at Maxine, agad naming inayos ay mga pinamili namin at sinimulan na nila ang pagiingay na kanina pa nila pinaplanong gawen. Si Haya ay nasa kusina at nagbabalak magluto ng hapunan namin, si Maxine at Liam ay nasa sala at ihinahanda ang TV para sa movie at si Traven naman ay naghahalungkat ng mga extra unan at kumot mula sa kwarto, at syempre si Jaz exited sa karaoke kaya nireready nya narin.
'so anong ganap ko rito? statwa?'
"Val, pahelp naman dito sa kitchen!" Narinig kong sigaw ni Haya mula sa kusina kaya agad akong pumunta doon para tulungan sya.
"Anong ulam?" Bungad ko pagpasok
"Afritada, may iba ka pa bang gusto?"
"Nothing, what should i do?"
"You can start chopping some potatoes and carrots"
Sinunod ko ang sinabi nya, habang ginagawa ko ito nasimulan ko ang isang conversation.
"The four of you seems so close, parang kabisado nyo narin ni Liam dito" I started without even making and eye contact.
"Well, I basically grew up with Liam, since classmate ko na sya nung elementary, tapos nameet namin sila Ten at Max nung 3rd year highschool, kakabati lang nila nung time nayon and same as kakamatay lang ng father nila, since then naging magkakaibigan na kami. Lagi kaming nakatambay dito kahit nanjan si Auntie Peng, nagkataon lang na nasa trabaho. Why'd you ask?" She then looked as me and went back to what she was doing. Base sa boses nya ay parang ilang beses na nyang naikwento ang tungkol sa friendship nilang apat.
"Wala lang, curosity" i answered plainly. Maya-maya ay sya naman ang nagtanong saakin.
"Kayo ni Jaz? Friends since when?"
"Actually classmate ko narin sya before highschool, we're basically bestfriends kasi we're inseparable" Tumawa naman ito sa naging sagot ko, sinabi nyang ganyang ganyan din daw sila ni Liam noon, not until rumors spread out that they were dating kaya medyo dumistansya raw sila sa isa't isa.
'I really hate rumors'
"hmm, but you like him" i said na nakapag patigil sakanya sa ginagawa nya.
"What? San mo nakuha yan ha?" Nakakaloko ang tono ng boses nito kaya hindi ko mawari kung naiinis ba sya o natatawa. Tumawa nalang din ako at mukang hinayaan nalang din nya ang nangyari, maya-maya pa ay pumasok sa loob si Jaz at Max para tumulong sa hapunan.
'This night will be a big disaster'
YOU ARE READING
Take a Trip Down Memory Lane
General FictionA girl that is called "smart" due to her skill of detailed memorization met a boy who somehow became a part of her journey as a known campus journalist. As memories became the line of her life, how can it stay straight if it forgets one by one what...